Musika
May Liwanag sa ’King Kaluluwa


141

May Liwanag sa ’King Kaluluwa

Maligaya

1. May liwanag sa ’king kalul’wa,

Tila sinag ng araw;

Kay Jesus tanging nagmumula,

Ningning na dalisay.

[Chorus]

May liwanag, may liwanag

T’wing ako’y payapa’t masaya.

T’wing si Jesus ay kasama,

May ningning sa kalul’wa.

2. May awitin sa ’king kalul’wa,

Alay sa aking Hari;

At si Cristong Diyos, Kanyang dinig,

Tahimik kong himig.

[Chorus]

May liwanag, may liwanag

T’wing ako’y payapa’t masaya.

T’wing si Jesus ay kasama,

May ningning sa kalul’wa.

3. Tagsibol na sa ’king kalul’wa,

T’wing kapiling ko ang Diyos;

May kapayapaan sa puso,

Biyaya N’ya’y lubos.

[Chorus]

May liwanag, may liwanag

T’wing ako’y payapa’t masaya.

T’wing si Jesus ay kasama,

May ningning sa kalul’wa.

4. May galak sa aking kalul’wa,

Pagpupuri’t pag-ibig,

Sa biyayang aking nakamit

At pag-asang langit.

[Chorus]

May liwanag, may liwanag

T’wing ako’y payapa’t masaya.

T’wing si Jesus ay kasama,

May ningning sa kalul’wa.

Titik: Eliza E. Hewitt, 1851–1920

Himig: John R. Sweney, 1837–1899

Isaias 60:19

Awit 16:9, 11