Musika
Awit ang Papuri sa Pag-ibig


105

Awit ang Papuri sa Pag-ibig

Mapitagan

1. Awit ang papuri sa pag-ibig

Ni Cristo na nilisan ang langit.

Ayon sa plano, mundo’y tinungo

At nagdusa para sa tao.

2. Kay-inam magkita t’wing pangilin,

At sa paraang ’tinakda sa ’tin,

Mga sagisag N’ya ay tanggapin,

Pananalig ay pagtibayin.

3. O sagradong oras ng pag-ibig!

Ang magkakaibigan, magniniig.

Kanyang biyaya’y ginugunita,

Sa papuri’y nagkakaisa.

4. Pagkat si Cristo, d’on sa Kalbaryo,

Pumanaw upang tubusin tayo.

Hosana’y awitin sa ngalan N’ya,

Purihin ang Kanyang pagsinta.

Titik: George Manwaring, 1854–1889

Himig: Frank W. Asper, 1892–1973. © 1948 IRI

Doktrina at mga Tipan 138:1–4

Doktrina at mga Tipan 20:75