2004
Ang Pagsang-ayon sa mga Pinuno ng Simbahan
Mayo 2004


Ang Pagsang-ayon sa mga Pinuno ng Simbahan

Mga kapatid, hiniling sa akin ni Pangulong Hinckley na ilahad sa inyo ngayon ang mga pangalan ng mga General Authority, Area Authority Seventy, at general auxiliary presidency ng Simbahan para sa inyong boto ng pagsang-ayon.

Iminumungkahing sang-ayunan natin si Gordon Bitner Hinckley bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; si Thomas Spencer Monson bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan; at si James Esdras Faust bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan.

Ang mga sang-ayon ay ipakita lang.

Kung may di-sang-ayon, gayon din ang gawin.

Iminumungkahing sang-ayunan natin si Thomas Spencer Monson bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol; si Boyd Kenneth Packer bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol; at ang sumusunod na mga miyembro ng korum na iyon: Boyd K. Packer, L. Tom Perry, David B. Haight, Neal A. Maxwell, Russell M. Nelson, Dallin H. Oaks, M. Russell Ballard, Joseph B. Wirthlin, Richard G. Scott, Robert D. Hales, Jeffrey R. Holland, at Henry B. Eyring.

Ang mga sang-ayon ay mangyaring ipakita lang.

Ang di sang-ayon.

Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan at sa Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.

Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita lang.

Kung may di sang-ayon, gayon din ang gawin.

Iminumungkahing i-release natin nang may pasasalamat si Elder Dennis B. Neuenschwander bilang miyembro ng Panguluhan ng mga Korum ng Pitumpu.

Lahat ng nais sumama sa amin sa paggawa nito, mangyaring ipakita lang.

Iminumungkahing i-release natin ang sumusunod na mga Area Authority Seventy:

Adolfo Ávalos, Lowell C. Barber, David J. Barnett, R. Michael Duffin, Rowland E. Elvidge, Silvio Geschwandtner, Brent H. Koyle, J. Michael Moeller, Adrian Ochoa, Lindon J. Robison.

Lahat ng nais sumama sa pagpapasalamat, mangyaring ipakita lang.

Iminumungkahing i-release natin nang may pasasalamat bilang pangkalahatang panguluhan ng Sunday School sina Elder Merrill J. Bateman, John H. Groberg, at Val R. Christensen; at bilang pangkalahatang panguluhan ng Young Men sina Elder F. Melvin Hammond, Lynn G. Robbins, at Donald L. Hallstrom.

Lahat ng makakasama sa pagpapasalamat, mangyaring ipakita lang.

Iminumungkahing sang-ayunan natin si Elder John H. Groberg bilang miyembro ng Panguluhan ng mga Korum ng Pitumpu.

Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita lang.

Ang di sang-ayon.

Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga sumusunod bilang mga Area Authority Seventy: Jorge M. Alvarado, Homero S. Amato, John S. Anderson, Jorge D. Arrevillaga, A. Venâncio Caleira, Gabriel A. Campos, Mario L. Carlos, John J. Chipman, LeGrand R. Curtis Jr., César A. Dávila, Mosiah S. Delgado, Keith R. Edwards, J. Roger Fluhman, Luiz C. França, Manuel Gonzalez, Tohru Hotta, Bin Kikuchi, Yong Hwan Lee, Alfredo Heliton de Lemos, Domingos S. Linhares, Alexander A. Nuñez, Melvin R. Perkins, James C. Perry, Errol S. Phippen, John C. Pingree, Neil E. Pitts, Dinar M. Reyes, Jorge A. Rojas, Eric B. Shumway, Joseph W. Sitati, Terrence C. Smith, Lowell M. Snow, Michael J. Teh, Stanley Wan, Allen P. Young.

Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita lang.

Ang di sang-ayon, gayon din ang gawin.

Sa desisyon kamakailan na ang mga miyembro ng mga Korum ng Pitumpu ay hindi maglilingkod sa mga pangkalahatang panguluhan ng Sunday School at Young Men, iminumungkahing sang-ayunan natin si A. Roger Merrill bilang pangkalahatang pangulo ng Sunday School, kasama si Daniel K Judd bilang unang tagapayo at si William D. Oswald bilang pangalawang tagapayo.

Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita lang.

Ang di sang-ayon.

Iminumungkahing sang-ayunan natin ang iba pang mga General Authority, Area Authority Seventy, at mga general auxiliary presidency na kasalukuyang bumubuo nito.

Ang mga sang-ayon ay mangyaring ipakita lang.

Kung may di sang-ayon ay ipakita lang.

Tila nagkakaisa ang lahat sa pagsang-ayon.

Salamat, mga kapatid, sa inyong patuloy na pananampalataya at mga dalangin.

Ngayo’y hihilingin natin sa bagong tawag na mga miyembro ng pangkalahatang panguluhan ng Sunday School at Young Men na lumugar sa kanilang mga upuan sa itaas. Gayunman, ipinaaalala namin na si William D. Oswald ay kasalukuyang naglilingkod bilang pangulo ng Russia Vladivostok Mission kaya wala siya rito ngayon.