2009
Pagpapatatag sa Aking Patotoo
Enero 2009


Pagpapatatag sa Aking Patotoo

Alberto Avilez Rodríguez, Mexico

Madalas akong magulat sa maaari kong matutuhan sa institute. Hindi pa ako dumalo kahit kailan sa klase at umalis nang walang natutuhang anumang bago o mas naunawaang alituntunin ng ebanghelyo. Bunga nito, nagbago ang buhay ko.

Kabilang sa maraming pagpapalang natanggap ko sa pagdalo sa institute ang gumandang relasyon namin sa pamilya at higit na pag-uukol ng pansin sa mga banal na kasulatan. Lumakas din ang aking patotoo. Bago dumalo sa institute, hindi ko tiyak kung gusto ko ngang magmisyon. Ngayo’y alam ko nang kailangan kong magmisyon.

Ang institute ay isang napakagandang karanasan para sa akin. Natulungan ako nitong unawain at sundin ang mga pamantayan ng Simbahan. Ang mga doktrina ng Simbahan ang daan tungo sa kaligtasan at kadakilaan, at nagpapasalamat ako na napag-aaralan ko ang mga ito sa institute.