2009
Isang Imbitasyon sa Family Home Evening
Pebrero 2009


Isang Imbitasyon sa Family Home Evening

Gladys Elena Yepes de Velásquez, Antioquia, Colombia

Mula nang binyagan ako 12 taon na ang nakalilipas, malaki na ang ipinagbago ng buhay ko. Dahil dito nagpasiya kaming mag-asawa na ibahagi sa maraming iba’t ibang tao ang banal na liwanag na napasaamin. Sinimulan naming imbitahan sa bahay ang mga misyonero at ilang kapitbahay para sa family home evening.

Gumawa kami ng maliliit na imbitasyon para sa aming mga kapitbahay. Nagsimulang dumalo ang maraming tao na interesadong malaman kung ano ang family home evening. Mas interesado ang ilan kaysa iba, ngunit karamihan ay gusto ang mga aktibidad at merienda. Nabinyagan pa nga ang isa sa mga pamilyang inimbitahan namin!

Nang ibahagi ko sa family home evening ang kaligayahan ko sa pagsapi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, lumago rin ang pananampalataya ko.