2009
Ano ang tunay na pagbabalik-loob?
Pebrero 2009


Natatanging Saksi

Ano ang tunay na pagbabalik-loob?

Mula sa “Ang Ganap na Pagbabalik-loob ay Nagdudulot ng Kaligayahan,” Liahona, Hulyo 2002, 27; Ensign, Mayo 2002, 25.

Ibinahagi ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilan sa kanyang mga ideya tungkol sa paksang ito.

Larawan
Elder Richard G. Scott

Sa payak na paglalahad, ang tunay na pagbabalik-loob ay bunga ng pananampalataya, pagsisisi, at palagiang pagsunod.

Ang pananampalataya ay dumarating sa pakikinig sa salita ng Diyos at pagtugon dito. Makatatanggap kayo mula sa Espiritu Santo ng pagpapatibay ng mga bagay na inyong tinanggap dahil sa pananampalataya at sa kahandaan ninyong gawin ang mga ito.

Aakayin kayo na pagsisihan ang mga pagkakamaling dulot ng mga maling bagay na ginawa ninyo o mga tamang bagay na hindi nagawa. Bilang bunga, ang kakayahan ninyong sumunod palagi ay mag-iibayo.

Ang paulit-ulit na pananampalataya, pagsisisi, at pagsunod palagi ang magdadala sa inyo sa higit na matibay na pagbabalik-loob kaakibat ang mga pagpapala.

Ang tunay na pagbabalik-loob ay magpapalakas sa inyong kakayahang gawin ang batid ninyong dapat gawin, kung kailan ninyo ito dapat gawin, anuman ang inyong kalagayan.

Paglalarawan ni Beth M. Whittaker