2009
Pagdarasal para kay Itay
Marso 2009


Pagdarasal para kay Itay

“Ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan” (Juan 8:12).

Lima kami sa pamilya, at nagsisimba kami palagi Linggu-Linggo, maliban sa tatay ko. Hindi siya miyembro ng Simbahan, at nalulungkot ako dahil diyan. Napakabait niyang ama at kung minsan sumasama siya sa mga salu-salo o pamamasyal na inorganisa ng ward. Gusto ko sana palagi siyang sumama.

Itinuro sa akin ng nanay ko sa Primary na pinakikinggan ng Ama sa Langit ang ating mga dalangin at nais tayong tulungan. Kaya ipinagdasal kong tulungan Niya ang tatay ko na maunawaan kung gaano kahalaga ang ebanghelyo sa aming pamilya.

Isang Sabado manonood na sana ako ng TV nang may nangyari. Dumating ang tatay ko at sinabing may mas maganda pa akong magagawa kaysa maupo sa harap ng TV. “Halimbawa,” wika niya, “ano kaya sa palagay mo kung basahan kita ng isang magandang kuwento mula sa Liahona?”

Kaya tinipon niya kami at ang dalawa kong nakababatang kapatid at binasahan kami. Ewan ko kung paano nalaman ng tatay ko na ang mga kuwentong iyon ay nasa Liahona. Pero alam ko na dininig ng Ama sa Langit ang dalangin ko, at inantig ang puso ng tatay ko kaya nagbasa siya sa magasin ng Simbahan.

Pinasasalamatan ko ang aking Ama sa Langit dahil dinidinig Niya ang mga dalangin ko.

Paglalarawan ni by Julie F. Young