Musika

Ang Priesthood ng Ating Panginoon

Teksto at musika ni John Craven, 1929–93. © 1985 IRI

I-print Ibahagi

    May tapang

    1. Mga kapatid, kapangyarihang ayon sa mundo

    Ay nakukuha sa yaman o espada o ranggo;

    Ngunit nakahihigit sa lahat ang kapangyarihan

    Ng Priesthood ng ating Panginoon.

    2. Ang buong baluti, atin ito—

    Priesthood na tinaglay ng Panginoon nating si Cristo—

    Kung tayong kalalakihan, karapat-dapat

    Sa bulong ng Espiritu.

    3. Malaya tayong magsapalaran

    Priesthood ang ating gabay—

    Mga deacon, teacher, priest, at elder,

    Magkakasamang naghahanap ng kabanalan.

    Doktrina at mga Tipan 121:34–46

    Doktrina at mga Tipan 107:1–4

    Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan. Ang paunawang ito ay kailangang isama sa bawat kopyang gagawin.

    Opsyonal na Pagkanta

    Para sa music director: Hatiin ang mga kakanta sa apat na grupo. Kapag umabot sa isang binilugang letra ang unang grupo, pakantahin ang isang bagong grupo mula sa simula. Kantahin nang walang saliw o may saliw ang nasa ibaba.

    Para sa tagasaliw: Ulitin ang unang dulo hanggang matapos ang lahat ng grupo. Pagkatapos ay patugtugin ang ikalawang dulo.

    Saliw sa pagkanta