2009
Pagtuturo tungkol sa Panalangin
Oktubre 2009


Pagtuturo tungkol sa Panalangin

Connor M., age 7, California, USA, sa tulong ng kanyang ina

Ayaw magdasal ng kapatid kong musmos na si Lily. Umiiyak siya at nagmamaktol kapag oras nang magdasal. Isang gabi nakita ako ni Lily na nakaluhod para magdasal bago matulog. Gusto niyang samahan ko siyang magdasal. Sinabi ko sa kanya kung gaano kahalagang magdasal nang sarilinan para pasalamatan ang Ama sa Langit sa lahat ng pagpapala sa kanya. Noong gabing iyon sabik na nagdasal si Lily.