2011
Sa mga Balita
Pebrero 2011


Sa mga Balita

Mas Madali nang Makabili ng mga Materyal dahil sa Online Store

Nahihirapang maglakbay ang karamihan sa 14 na milyong miyembro ng Simbahan para makapunta sa isa sa 130 tindahan para makabili ng mga materyal ng Simbahan. Kaya binago ng Church Distribution Services ang proseso. Ang bagong online store na ang nagpapadala ng mga materyal sa mga miyembro.

Pinadadali ng Store.lds.org ang pag-order ng mga materyal sa pag-aaral ng ebanghelyo, musika, media, sining, garment at kasuotan sa templo, sangguniang pantahanan at pampamilya, at iba pang mga materyal. Walang bayad ang pagpapadala ng mga materyal sa iba’t ibang panig ng mundo, at maliit lang ang bayad para mapabilis ang pagpapadala.

Tutukuyin ng mga gumagamit ng site ang kanilang bansa. Kapag mayroon nang online store para sa isang bansa, ipapakita nito ang mga produktong mabibili sa pangunahing wika ng bansang iyon at lahat ng presyo ay nakalista sa halaga ng pera sa lugar na iyon. May ilang libreng materyal na maaaring direktang i-download mula sa site.

Pinalitan ng bagong site ang ldscatalog.com at pinasimulan ito sa wikang English, Spanish, at Russian. Makukuha rin ito sa mga susunod na buwan sa iba pang mga wika, kabilang na ang Portuguese, French, German, Italian, Japanese, Korean, at Chinese, sa gayong pagkakasunud-sunod.