2012
Lumikha ng mga Bagong Mission
Hulyo 2012


Lumikha ng mga Bagong Mission

Upang mas umakma sa pabagu-bagong pangangailangan, ang Simbahan ay lumikha ng walong bagong mission at isinama ang isa sa kalapit na mga mission.

Ang Colombia Medellín Mission ay malilikha sa paghahati ng Colombia Barranquilla Mission at ng Colombia Cali Mission.

Ang Ghana Kumasi Mission ay malilikha sa paghahati ng Ghana Accra Mission at ng Ghana Cape Coast Mission.

Ang Mexico Xalapa Mission ay malilikha sa paghahati ng Mexico Veracruz Mission.

Ang Mexico Puebla Mission ay hahatiin para malikha ang Mexico Puebla North Mission at ng Mexico Puebla South Mission.

Ang Vanuatu Port Vila Mission ay malilikha sa paghahati ng Papua New Guinea Port Moresby Mission at ng Fiji Suva Mission.

Ang Utah Salt Lake City West Mission at Utah Salt Lake City Central Mission ay nangalikha nang baguhin ang mga hangganan ng Utah Salt Lake City Mission, Utah Salt Lake City South Mission, at Utah Ogden Mission.

Ang Nevada Reno Mission ay malilikha sa pagbabago ng mga hangganan ng Nevada Las Vegas Mission at ng Nevada Las Vegas West Mission.

Ang Russia Moscow West Mission ay bubuwagin at paghahati-hatian ng mga kalapit na Baltic Mission, Russia Novosibirsk Mission, at Russia Moscow Mission.

Ang mga pagbabago ay ipatutupad ngayong Hulyo, kapag binago ang pamunuan sa mission. Ang bilang ng mga mission sa buong mundo ay 347 na ngayon.

Para sa mga mapa ng bagong likhang mga mission, bisitahin ang ldschurchnews.com/articles/62067/New-missions-created.html