2013
Ang Ating Pahina
Pebrero 2013


Ang Ating Pahina

Liza P., edad 7, Russia

Gustung-gusto ko ang mga kuwento sa Aklat ni Mormon tungkol kay Nephi—lalo na nang nagpunta siya sa ilang kasama ang kanyang pamilya at nang gawin na niya ang bangka.

Saúl T., edad 11, Mexico

Minsan nagbiyahe kami ng kapatid ko sakay ng bus kasama ang aming tiya papunta sa kanyang tahanan para magbakasyon ng isang linggo. Binigyan kami ni Itay ng basbas bago kami umalis. Makalipas ang ilang sandali, isang taong nakasakay din sa bus ang pumara. Habang tinutulungan siya ng katuwang ng drayber sa kanyang bagahe, may marahang bumulong sa akin, “Ninakaw ang bagahe mo.” Dumungaw ako, at naibaba nga ang aming bagahe at itinago sa damuhan. Sumigaw ako at sinabing amin ang bagaheng iyon at hindi sa taong pumara. Alam kong ang Espiritu Santo ang nagsalita sa akin, at nagpapasalamat ako.

Vaniala R., edad 10, Madagascar

Gusto nina Josheline at Camila C., mga edad 5 at 2, mula sa Bolivia, ang pagsisimba para malaman ang tungkol sa Ama sa Langit. Kaagad silang naghahanda para magsimba at tinutulungan ang kanilang mga magulang na magmadali para makarating sa oras. Gustung-gusto nilang nagdarasal, at mahal nila ang kanilang mga klase sa Primary.

Tomas P., edad 5, Argentina

Missionary, ni Emilia A., edad 11, Finland

Fidel N., edad 11, Democratic Republic of the Congo