2013
Hi! Ako si Enkhjin A. mula sa Mongolia
Hunyo 2013


Hi! Ako si Enkhjin A.

mula sa Mongolia

Ano ang paborito ninyong gawin kasama ang inyong pamilya? Si Enkhjin A., edad 8, mula sa Mongolia ay mahilig mamasyal kasama ang kanyang pamilya at mamitas ng mga ligaw na berry at strawberry.

Wala akong anumang alagang hayop, pero gusto ko talaga ng tuta. Kung minsan ay pumupunta kami sa probinsya, kung saan ako nakakakita ng mga baka, tupa, kamelyo, kabayo, at kambing. Sa panahon ng taglamig, gusto kong gumawa ng mga snowman doon. Narito ako kasama ang aking kapatid at kaibigan sa Turtle Rock sa Terelj National Park.

Masaya ako kapag magkakasama kaming magpapamilya. Nasisiyahan kaming magdaos ng family home evening at magsimba linggu-linggo. Binabasa rin namin ang Aklat ni Mormon at sama-sama kaming nananalangin araw-araw. Tumutulong ang mga bagay na ito para manatiling matatag ang pamilya ko.

Kasama ko sa bahay sina Inay, Itay, at ang dalawang kapatid kong lalaki sa Ulaanbaatar, ang kabisera ng Mongolia. Isang milyong katao ang naninirahan sa aming lungsod! Nakatira kami sa ika-12 palapag ng isang apartment.

Sa larawang ito, binabasahan ko ng kuwento ang aking kapatid. Gustung-gusto kong magbasa! Ako ay nasa ikatlong baitang. Gusto ko rin ang matematika at drowing. Isa sa mga kaklase ko ay hindi miyembro ng Simbahan, pero tinuruan ko siya tungkol sa Word of Wisdom at sinabihan siyang uminom ng gatas sa halip na kape o tsaa. Tinuruan ko rin siyang manalangin sa Ama sa Langit, dahil hindi siya marunong. Inanyayahan ko rin siya sa family home evening sa bahay ko.

Mga larawan sa kagandahang-loob ng pamilya ni Enkhjin; paglalarawan ni Brad Teare