2013
Komentaryo
Hunyo 2013


Komentaryo

Napangalagaan ng Salita

Ang pakikinig sa mga nilalaman ng mga edisyon ng Liahona ay labis na nagpalakas sa aking espiritu. Ibinahagi ko ang audio download sa isang miyembro na may problema sa paningin, sa isa pa na propesyonal na drayber, at sa iba pang mga kaibigan na nahihirapan sa pagbabasa.

Ako ay kasalukuyang pumapasok sa post-graduate class 200 km (130 milya) ang layo mula sa aking tahanan, at sa pakikinig ko sa magasin ang biyahe sa bus ay mas mabilis at kasiya-siya. Nang marinig ko ang isyu ng pangkalahatang kumperensya pakiramdam ko ay nabuhay ako sa panahon ni Jacob, na “napangalagaan ng mabuting salita ng Diyos buong araw” (Jacob 6:7).

Francisco Flavio Dias Carneiro, Brazil

Nagbibigay-Inspirasyon, Naghihikayat, at Nagpapalakas

Gustung-gusto ko ang Liahona! Binibigyang-inspirasyon ako nito at hinihikayat akong manatili sa tamang landas. Tinutulungan din ako nito sa tungkulin ko sa Young Men. Kapag nahihirapan ako at nalulungkot, bumabaling ako sa Aklat ni Mormon at sa Liahona. Pinapalakas nito ang aking patotoo na mahal at pinagmamalasakitan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang bawat isa sa atin.

James Aaron S. Perez, Cebu, Pilipinas