2014
Ang ‘Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo’ ay Nanggaling sa Diyos para Tulungan ang Aking Pamilya
Oktubre 2014


Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary

Ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” ay Nanggaling sa Diyos para Tulungan ang Aking Pamilya

Alamin ang iba pa tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito!

Ang mga bata ay may malaking kakayahan—kakayahang gumawa ng kaibhan sa mga pamilya! Hindi magkakapareho ang lahat ng pamilya, ngunit bawat pamilya ay mahalaga sa Ama sa Langit. Nais Niyang maging matatag ang ating pamilya, kaya ibinigay Niya sa atin ang“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” para tulungan tayo. Alam ng Ama sa Langit na mapapatatag ninyo ang inyong pamilya.

Kayo ay bahagi ng isang walang-hanggang pamilya na nangangailangan ng tulong ninyo.

Makapagdudulot kayo ng kaligayahan, kabaitan, at pagmamahal sa inyong pamilya.

Maaari kayong makinig sa isa’t isa, magtrabaho at maglibang nang sama-sama, magpatawad at tumulong sa isa’t isa.

Maaari kayong magbasa ng mga banal na kasulatan kasama ang inyong pamilya.

Maaari kayong maging mabuting halimbawa sa inyong pamilya sa inyong pagdarasal at pagsunod sa mga kautusan.

Mga paglalarawan ni Dani Jones; larawan ng lata na kuha ng iStock/Thinkstock