2019
Mag-aral tungkol kay Jesus
Enero 2019


Mula sa Unang Panguluhan

Mag-aral tungkol kay Jesus

Mula sa “Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2017, 39–42.

Larawan
Learn about Jesus

Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak na si Jesucristo upang tulungan tayo. Magkakaroon ka ng kapangyarihan mula kay Jesucristo kapag ginawa mo ang mga bagay na ito:

  • Mag-aral tungkol sa Tagapagligtas. Ilang taon ang nakararaan, binasa at ginuhitan ko ang bawat talata sa banal na kasulatan tungkol kay Jesucristo. Nang matapos ako, sinabi ko sa asawa ko, “Nagbago ako!”

  • Pag-aralan “Ang Buhay na Cristo.” Ito ay isang patotoo tungkol kay Jesucristo mula sa mga propeta at mga apostol.

  • Maging handang maging kaiba, magsalita, at maiba sa mga tao ng daigdig.

  • Sikaping magtuon sa Kanya sa bawat pag-iisip (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:36). Kapag ginawa natin ito, mawawala ang ating mga pagdududa at pangamba.

  • Gumawa ng mga sagradong tipan at tuparin ang mga ito.

Si Jesus ang Cristo! Ang Kanyang lakas ay laan sa lahat sa inyo.