2019
Si Pangulong Ballard ay Bumisita sa Texas, USA
Enero 2019


Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Si Pangulong Ballard ay Bumisita sa Texas, USA

Ang mga Apostol ay naglalakbay sa buong mundo para mag-minister sa mga tao at magturo tungkol kay Jesucristo.

Larawan
President Ballard Visits Texas, USA

Nang tinamaan ng malakas na bagyong tinawag na Hurricane Harvey ang Houston, Texas, USA, ang mga tahanan ng maraming tao ay binaha o nawasak. Lumipad si Pangulong M. Russell Ballard patungo doon para tumulong!

Pagkalapag ng kanyang eroplano, dumiretso siya sa command center kung saan nangolekta ang Simbahan ng mga suplay at nagpadala ng mga boluntaryo ng Mormon Helping Hands volunteer.

Pagkatapos ay binisita niya ang mga komunidad kung saan maraming tahanan ang binaha. Ilan sa mga kalsada ay hindi madaanan, kaya naglakad siya mula sa isang tahanan patungo sa isa pa. Nakinig siya sa mga tao at ibinahagi sa kanila ang pagmamahal ng Ama sa Langit.

Nakipagkita siya sa mga missionary at iba pang miyembro ng Simbahan na tumutulong.

Nagsalita siya sa isang debosyonal at tatlong sacrament meeting para maibahagi niya ang pagmamahal ng Ama sa Langit sa maraming-maraming tao!

Nang makilala niya ang isang matandang lalaki na nasira ang bahay, sinabi ni Pangulong Ballard:

Ako ay isa sa mga Apostol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. … Gusto naming malaman ninyo na mahal namin kayo. At nandito kami dahil gusto ni Jesucristo na narito kami.