2019
Mga Kabataan
Enero 2019


Mga Kabataan

Larawan
isang dalagita sa simbahan

“Paano kung umalis ako?” Nang una akong lumipat dito, may dalawa lamang na ibang young woman sa aking branch. Naging magkakaibigan kami at mas nakilala ko sila. Ngunit tumigil sila sa pagdalo sa simbahan.

Isang araw, nang pumunta ako sa templo, nakita ko ang mission president. Sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa aking mga kaibigan at tinanong ko siya kung paano ko sila matutulungan na bumalik sa Simbahan. Sinabi niya sa akin na manatili kung nasaan ako, maging malakas, at ipagdasal sila.

Hindi nagtagal matapos noon, nakita ko ang isa sa kanila, at napakasaya kong makita siya. Nang umuwi ako nang gabing iyon, nanalangin ako at nagkaroon ng malakas na pakiramdam na kinakailangan ko talagang manatili kung nasaan ako at patuloy na magsimba, pumunta sa seminary, at maging halimbawa sa aking mga kaibigan. Paano kung umalis ako at hindi na bumalik at isa sa mga kaibigan ko ang bumalik sa simbahan? Sino ang magiging kaibigan nila at tutulong sa kanilang bumalik?

Mas madaling gumawa kung magkakasama tayong gagawa nito.

Alyona, Kharkiv Oblast, Ukraine