Ministering sa pamamagitan ng Pinalakas na mga Korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Tanggapan ng Unang Panguluhan
47 East South Temple Street, Salt Lake City, Utah 84150-1200


Abril 2, 2018

Para sa: Mga General Authority; mga General Auxiliary Presidency; mga Area Seventy; mga Stake, Mission, at District President; mga Bishop at Branch President; mga Stake at Ward Council

(Babasahin sa sacrament meeting)

Mahal naming mga Kapatid:

Ministering sa Pamamagitan ng Pinalakas na mga Korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society

Ipinakita ng paglilingkod ng Tagapagligtas ang dalawang dakilang utos: “Ibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo” at “Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37, 39). Sa diwa nito, itinuro rin ni Jesus na, “Kayo yaong aking mga piniling maglingkod sa mga taong ito” (3 Nephi 13:25).

Upang maituon ang paggawa ng mga korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society sa ministering ayon sa turo ng Tagapagligtas, inaanunsyo namin ang mga sumusunod na pagbabago:

  • Sa ward, isang korum ng Melchizedek Priesthood. Ang mga miyembro ng elders quorum at high priest group ay pagsasamahin na sa isang korum na may isang presidency. Ang korum na ito ay itatalagang “elders quorum,” at ang high priests group ay hindi na ipagpapatuloy.
  • Sa stake, isang korum ng high priest. Ang stake presidency ay patuloy na maglilingkod bilang presidency ng korum ng high priest. Ang mga miyembro ng korum na iyon ay ang mga high priest lamang na kasalukuyang naglilingkod sa stake presidency, mga bishopric, high council, at mga gumaganap na patriarch.
  • Papalitan ng ministering ang home teaching at visiting teaching. Ang magkahiwalay na programa ng home teaching at visiting teaching ay pagkakaisahin na ngayon at tatawaging “ministering,” na pamamahalaan ng mga presidency ng elders quorum at Relief Society sa ilalim ng pamumuno ng bishop. Ang ministering ay pangangalaga sa iba at pagtulong na matugunan ang kanilang mga espirituwal at temporal na pangangailangan tulad ng ginawa ni Cristo noon.
  • Pagsama sa mga youth sa ministering. Sa ministering, maaaring maging kompanyon ang mga Laurel at Miamaid ng mga Relief Society sister, at ang mga priest at teacher ay patuloy na magiging kompanyon ng mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood.

Ang mga pagbabago sa korum ay dapat isagawa sa lalong madaling panahon. Ang mga pagbabagong hatid ng ministering ay maaaring hindi agad magawa ngunit dapat isagawa sa lalong madaling panahon. Ang mga karagdagang impormasyon ay makikita sa ministering.lds.org/tgl.

Tapat na sumasainyo,
Ang Unang Panguluhan