Ministering sa Pamamagitan ng Pinalakas na mga Korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society

Resources para sa Ministering

Ang resources na ito ay maaaring gamitin ng mga lider habang naghahanda sila para sa mga talakayan sa mga area council, coordinating council, stake conference, stake council, ward council, at mga lesson tuwing Linggo.

Download Print PDF

Mga Mungkahi sa Paggamit ng Resources na Ito

Sa isang council meeting, maaaring simulan ng mga lider ang talakayan tungkol sa mga pagbabago na ibinalita sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2018 sa pamamagitan ng pagbasa sa panimulang bahagi ng kalakip na liham ng Unang Panguluhan noong Abril 2, 2018, “Ministering sa Pamamagitan ng Pinalakas na mga Melchizedek Priesthood Quorum at Relief Society” (tingnan sa ministering.lds.org).

Maaari ring panoorin at talakayin ng mga miyembro ng council ang video na Isang Layunin ng Ministering (tingnan sa “Videos” sa ibaba). Ang mga karagdagang video at iba pang resources ay ibinibigay upang mapahusay ang mga talakayang ito at maaari itong gamitin sa mga susunod na council meeting o sa iba pang mga pagkakataon. Bawat segment sa Epektibong Ministering na video ay sinusundan ng mga tanong na maaaring talakayin ng grupo.

Mga Video

Kasama sa mga video clip na ito ang mga video mula sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2018 at mga leadership meeting ng pangkalahatang kumperensya kasama ang mga General Authority, mga Area Seventy, at mga General Officer.

Isang Layunin ng Ministering (4:41)

Ang Epektibong Ministering (15:00) ay naglalaman ng sumusunod na mga yugto:

  1. Tanong: Bakit tayo nagmiminister?
  2. Tanong: Paano natin mapapanatiling simple at ginagabayan ng Espiritu ang ating mga pagsisikap?
  3. Tanong: Paano mapagpapala ng epektibong mga ministering interview ang mga indibiduwal at pamilya?
  4. Tanong: Paano tayo matutulungan ng tulung-tulong na pagsisikap na pangalagaan ang lahat ng anak ng Diyos?
  5. Tanong: Paano natin pinakamahusay na maipatutupad ang layunin ng paglilingkod na ibinigay ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol?

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Mateo 10:39; 22:37-39; Lucas 22:32; Juan 10:11; 13:34; 21:15, 16; Mga Taga Galacia 5:13; Mosias 23:18; Doktrina at mga Tipan 20:53

Karagdagang Resources

  • Ang Mayo 2018 na isyu ng mga magasing Liahona at Ensign at comefollowme.lds.org ay naglalaman ng resources na maaaring gamitin sa mga talakayan tungkol sa ministering sa mga miting ng elders quorum at ng Relief Society tuwing ikaapat na Linggo.
  • Ang karagdagang impormasyon, na may pamagat na “Mga Alituntunin sa Ministering,” ay isasama sa darating na mga isyu ng Liahona at Ensign.