O Diyos, Magliwanag

Mga Titik

  1. 1. O Diyos, magliwanag,
    At pagpalain N’yo
    Bawat paghahayag
    Nitong ebanghelyo,
    Ipabatid, Inyong habag,
    Katotohana’y ihayag.
  2. 2. Bayan mang kay layo
    Sana’y turuan N’yo
    Nang purihin Kayo
    Ng lahat ng tao.
    Kami sana’y pagharian
    At sa wasto’y pamunuan.
  3. 3. Kapangyarihan N’yo’y
    Itanghal sa Hentil.
    At masdan ang mga
    Nagbabalik-loob.
    O basbasan, simbahan N’yo,
    Maging itong buong mundo.
  4. 4. Sa Diyos nating lahat,
    Hari kailanpaman,
    Magpugay ang lahat
    Ng tao’t nilalang:
    Buong mundo, purihin n’yo,
    Ama, Anak, Espiritu.
  5. Titik: William Hurn, 1754–1829
    Himig: John Darwall, 1731–1789