Masdan! Hukbong Kaygiting

Mga Titik

  1. 1. Masdan! Hukbong kaygiting,
    May bandila’t armas,
    Patungo sa digmaan,
    May tapang at lakas.
    At ang mga sundalo
    Ay nagkakaisa;
    Sa pagsunod kay Cristo
    Ay umaawit pa:
  2. Tagumpay, tagumpay
    Sa ating Manunubos!
    Tagumpay, tagumpay
    Kay Cristong ating Diyos!
    Tagumpay, tagumpay, tagumpay
    Kay Cristong ating Diyos!
  3. 2. Pagsugod ng kalaban,
    Hukbo’y sasalubong,
    Tapang nila’y kaytibay,
    Sila’y ’di uurong.
    Pinuno’y tumatawag,
    “Kayo ay manalig!”
    At sa hudyat N’ya, awit
    Nila’y maririnig:
  4. Tagumpay, tagumpay
    Sa ating Manunubos!
    Tagumpay, tagumpay
    Kay Cristong ating Diyos!
    Tagumpay, tagumpay, tagumpay
    Kay Cristong ating Diyos!
  5. 3. Pagtapos ng digmaan,
    Pati ng alitan,
    At ang lahat, natipon
    Sa kapayapaan;
    Sa paanan ng Hari,
    Ang hukbong kayrami,
    Ngalan N’ya’y aawitan
    Ng himig papuri:
  6. Tagumpay, tagumpay
    Sa ating Manunubos!
    Tagumpay, tagumpay
    Kay Cristong ating Diyos!
    Tagumpay, tagumpay, tagumpay
    Kay Cristong ating Diyos!
  7. Titik: Fanny J. Crosby, 1820–1915
    Himig: Adam Geibel, 1855–1933
Aklat
Himnaryo
Himno Bilang
153
Musika
Adam Geibel.
Teksto
Fanny J. Crosby.
Mga Banal na Kasulatan
II Kay Timoteo 2:3, 22, Doktrina at mga Tipan 104:82
Metro
Irregular meter
Paksa
Gawaing Pangmisyonero, Katapatan, Pagkakaisa, Tungkulin
Himig
Royal Army
Mga Wika
Bahasa Indonesia
Lihat Tent’ra K’rajaan (Buku Nyanyian Pujian)
120
English
Behold! A Royal Army (Hymnal)
251
Español
¡Mirad! Reales huestes (Himnos)
163
Gagana Samoa
Fa‘auta! le Autau Tupu (Viiga)
158
Latviešu Valoda
Lūk! Mūsu Kunga armija (Garīgo dziesmu grāmata)
158
Lea Fakatonga
ʻA e Kau Tau ʻa e ʻOtua
154
Lietuvių Kalba
Karališka kariauna (Giesmynas)
141
Magyar
Lásd, a királyi sereg (Himnuszoskönyv)
163
Norsk
Vi er en mektig skare (Salmebok)
159
Português
As Hostes do Eterno (Hinário)
161
Q'eqchi'
Cheril! Lix teep li Rey
161
Reo Tahiti
Hi’o mai i te nu’u
154
Română
Priviți! Oastea regală (Imnuri)
161
Suomi
Kas joukko Kuninkaamme (Laulukirja)
165
Български
Войската царска вижте (Сборник химни)
158
Русский
О, воинство святое! (Книга гимнов)
157
Українська
Ось армія чудова (Збірник гімнів)
151
ภาษาไทย
ดูเถิด! กองทัพของพระเจ้า (หนังสือเพลงสวด)
128
한국어
보라 당당한 군대 (찬송가)
169
日本語
見よ,王の軍は (賛美歌集)
160