O Kayganda ng Templo N’yo, Panginoon

Mga Titik

  1. 1. O kayganda ng templo N’yo, Panginoong mahal.
    Kung sa’n sagrado’ng gawain Nating mga Banal.
    Kay inam bigyan ng tulong, Mga yumao na,
    Kan’lang espiritu’y buhay At naghihintay pa.
  2. 2. O kayganda, Panginoon, N’ya ring ebanghelyo.
    Ngayong mga huling araw, Muling ’tinuturo.
    Kayganda ng pananalig, Bunga’y kaligtasan.
    Alay natin sa yumao Nang sangkatauhan.
  3. 3. O kayganda, Panginoon, Pangako N’yong laan.
    Kung wika N’yo ay susundin, T’yak ang kaligtasan.
    Kung mag-anak ay ’binuklod Sa templong sagrado,
    Sila’y kapiling sa walang Hanggang pag-unlad ko.
  4. Titik: Frank I. Kooyman, 1880–1963. © 1948 IRI
    Himig:Tracy Y. Cannon, 1879–1961. © 1948 IRI