O Jesus, Maging Gabay Ko

Mga Titik

  1. 1. O Jesus, maging gabay ko,
    Sa buhay na kaygulo;
    Mga along kaylaki,
    May panganib na hatid.
    Tanto N’yo’ng landas ng buhay;
    Sa ’kin ay maging gabay.
  2. 2. Tulad ng inang kay-amo
    Ang anak, inaalo;
    Dagat ma’y tatalima,
    Utos N’yo’y “Pumayapa!”
    O Hari ng karagatan;
    Ako sana’y gabayan.
  3. 3. Sa pampang, bago sumapit,
    Alon ay nagngangalit,
    Hadlang sa ’king pahinga;
    O sabihin N’yo sana,
    “H’wag ka nang mahintakutan:
    Akin kang gagabayan.”
  4. Titik: Edward Hopper, 1818–1888
    Himig: John Edgar Gould, 1822–1875