Guro, Bagyo’y Nagngangalit

Mga Titik

  1. 1. Guro, bagyo’y nagngangalit!
    Mga alo’y kaytaas!
    Ang langit wala nang liwanag,
    Kanlungan ay nasaan?
    Buhay nami’y nanganganib,
    Pa’nong nahihimbing?
    May banta na sa ’lalim ng dagat
    Kami ay malilibing!
  2. Hangi’t alon sa Inyo’y susunod:
    Pumayapa.
    Kahit unos ng karagatan
    O d’yablo o tao o anupaman,
    ’Di lulubog ang barkong may lulan
    Sa Panginoon ng sanlibutan.
    Lahat sa Inyo ay susunod:
    Pumayapa; pumayapa.
    Lahat sa Inyo ay susunod:
    Pumayapa.
  3. 2. Guro, may hapis sa puso,
    Ako ay nalulumbay.
    Dibdib ay lubhang may ligalig,
    Saklolo N’yo’y ibigay!
    Daloy ng sala at takot
    Sa ’ki’y bumabalot,
    At ako’y nalulunod!
    O Guro, Pawiin N’yo ang salot!
  4. Hangi’t alon sa Inyo’y susunod:
    Pumayapa.
    Kahit unos ng karagatan
    O d’yablo o tao o anupaman,
    ’Di lulubog ang barkong may lulan
    Sa Panginoon ng sanlibutan.
    Lahat sa Inyo ay susunod:
    Pumayapa; pumayapa.
    Lahat sa Inyo ay susunod:
    Pumayapa.
  5. 3. Guro, pangamba’y wala na,
    Bagyo ay humupa na.
    Payapa ang tubig sa lawa,
    At puso’y anong sigla.
    Nawa Kayo’y manatili,
    H’wag nang lumisan pa,
    Maligayang pampang sa sapit,
    Doo’y magpapahinga.
  6. Hangi’t alon sa Inyo’y susunod:
    Pumayapa.
    Kahit unos ng karagatan
    O d’yablo o tao o anupaman,
    ’Di lulubog ang barkong may lulan
    Sa Panginoon ng sanlibutan.
    Lahat sa Inyo ay susunod:
    Pumayapa; pumayapa.
    Lahat sa Inyo ay susunod:
    Pumayapa.
  7. Titik: Mary Ann Baker, ca. 1874
    Himig: H. R. Palmer, 1834–1907
Aklat
Himnaryo
Himno Bilang
60
Musika
H. R. Palmer.
Teksto
Mary Ann Baker.
Mga Banal na Kasulatan
Mateo 8:23–27, Marcos 4:36–41
Metro
Irregular meter
Paksa
Jesucristo–Tagapagligtas, Kaginhawahan, Kalikasan, Kapayapaan, Katiyakan, Pananampalataya
Himig
Peace, Be Still
Mga Wika
Bahasa Indonesia
Tuhan, Badai S’dang Mengamuk (Buku Nyanyian Pujian)
38
Dansk
Mester, se uvejret truer (Salmebog)
54
Deutsch
Meister, es toben die Winde (Gesangbuch)
66
English
Master, the Tempest Is Raging (Hymnal)
105
Español
Paz, cálmense (Himnos)
54
Français
Maître, la tempête lance (Cantiques)
56
Gagana Samoa
Matai e, Ua Sou le Vasa (Viiga)
58
Latviešu Valoda
Mācītāj, spēcīga vētra (Garīgo dziesmu grāmata)
56
Lea Fakatonga
Naʻe Tala pē ʻe Sīsū
51
Lietuvių Kalba
Viešpatie, vėtra pakilo (Giesmynas)
51
Magyar
Ó, Mester, a vihar tombol (Himnuszoskönyv)
57
Norsk
Mester, se uværet truer (Salmebok)
81
Português
Mestre, o Mar Se Revolta (Hinário)
72
Q'eqchi'
Qaawaʼ, xwakli chik li iqʼ
59
Reo Tahiti
E mea pūai te vero
52
Română
Doamne, furtuna vuiește (Imnuri)
65
Suomi
Mestari, myrsky on suuri (Laulukirja)
59
Svenska
Mästare, hör hur det stormar (Psalmboken)
66
Български
Буря бушува, Учителю (Сборник химни)
71
Русский
Буря бушует, Учитель! (Книга гимнов)
51
Українська
Вчителю, буря лютує (Збірник гімнів)
50
ภาษาไทย
อาจารย์พายุกำลังโหมหนัก (หนังสือเพลงสวด)
46
한국어
주여 큰 폭풍우 일고 (찬송가)
59
中文
主啊,狂風正在怒號 (聖詩選輯)
55
日本語
主よ,嵐すさび (賛美歌集)
59