Liwanag ay Ibahagi Mo

Mga Titik

  1. 1. Sa mundong ito na
    May kalungkutan,
    Ang nahahapis ay
    Matatagpuan,
    Ginhawa’t ligaya,
    ’Yong maibibigay,
    Kung laging liwanag
    Ang iaalay.
  2. Liwanag ay ibahagi mo.
    Magbigay-biyaya
    Sa bawat tao.
    Liwanag ay ibahagi mo.
    Magbigay-biyaya
    Sa bawat tao.
  3. 2. Kaylaking tulong ng
    Munting pagkilos
    Sa nangangailangan,
    Biyayang lubos.
    Dusa’t pighati ay
    ’Yong mapapawi,
    Kung awa’t pag-ibig,
    Alay mong lagi.
  4. Liwanag ay ibahagi mo.
    Magbigay-biyaya
    Sa bawat tao.
    Liwanag ay ibahagi mo.
    Magbigay-biyaya
    Sa bawat tao.
  5. 3. Kung may kalungkutan
    Ay umawit ka,
    Hinagpis ay laging
    Harapin t’wina.
    Tapang at tiwala,
    Pairalin mo,
    Magbigay-ligaya
    Kahit sa’ng dako.
  6. Liwanag ay ibahagi mo.
    Magbigay-biyaya
    Sa bawat tao.
    Liwanag ay ibahagi mo.
    Magbigay-biyaya
    Sa bawat tao.
  7. Titik: Lanta Wilson Smith
    Himig: Edwin O. Excell, 1851–1921