Pastulan Ko ay Alay ng Diyos

Mga Titik

  1. 1. Pastulan ko ay alay ng Diyos
    Ang pangangailangan ko ay tustos.
    Bilang pastol, aruga’y lubos
    Maingat N’yang pagtanod sa ’ki’y puspos.
    Sa araw ma’t gabi na kay lalim,
    Sa paglakbay ko, S’ya’y kaagapay lagi.
  2. 2. Sa init ng sikat ng araw,
    Kung madama ay matinding uhaw,
    Sa malago’t luntiang bukid,
    Mga hakbang ko’y Kanyang ihahatid,
    Dito kung sa’n sa buong paligid
    Ang daloy ng batis, sadyang walang patid.
  3. Titik: Joseph Addison, 1672–1719
    Himig: Dmitri Bortniansky, 1751–1825