Saan Naroon ang Aking Kapayapaan?

Lyrics

  1. 1. Sa’n naro’n ang aking
    Kapayapaan?
    Kung ang ginhawa’y ’di ko matagpuan?
    Kung puso’y may sugat, galit o dusa,
    At nagninilay nang
    Nag-iisa?
  2. 2. Sa’n kung sumisidhi,
    Pangangailangan,
    Sa’n tutungo upang aking malaman?
    Sa’n naro’n ang palad na may pag-alo?
    At may pang-unawa?
    Tanging sa Diyos.
  3. 3. Sa ’king puso’y dama
    Ang kasagutan,
    Kaligtasa’t Kaibigan sa ’king dusa.
    Alay sa pagsamo, kapayapaan.
    Pagmamahal N’ya ay
    Walang hanggan.
  4. Titik: Emma Lou Thayne, p. 1924. © 1973 IRI
    Himig: Joleen G. Meredith, p. 1935. © 1973 IRI