Sino’ng Panig sa Diyos?

Mga Titik

  1. 1. Sino’ng panig sa Diyos?
    Ipabatid ngayon.
    Itong aming tanong:
    Sino’ng panig sa Diyos?
    Digmaa’y kakaiba,
    Kalaba’y kaysigla.
    S’ya ay nakahanda;
    Sino’ng panig sa Diyos?
  2. Sino’ng panig sa Diyos?
    Ipabatid ngayon.
    Ito’ng aming tanong:
    Sino’ng panig sa Diyos?
  3. 2. Kami’y nagsisilbi
    Sa natatanging Diyos.
    Kami ma’y kaunti,
    Lakas nami’y lubos.
    Kami’y magwawagi,
    Wala kaming takot.
    Panginoo’y atin;
    Sino’ng panig sa Diyos?
  4. Sino’ng panig sa Diyos?
    Ipabatid ngayon.
    Ito’ng aming tanong:
    Sino’ng panig sa Diyos?
  5. 3. Sasakop sa mundo
    Ang Simbahang tunay
    Sino ang tutulong,
    Sino’ng panig sa Diyos?
    Sagisag sa mundo,
    Ngayo’y ’tinatanghal,
    Matapang ang lahat;
    Sino’ng panig sa Diyos?
  6. Sino’ng panig sa Diyos?
    Ipabatid ngayon.
    Ito’ng aming tanong:
    Sino’ng panig sa Diyos?
  7. 4. Lupa at imp’yerno,
    Lakas nila’y laan
    Sa pagsugpo nitong
    Gawa ng ating Diyos.
    Kalayaa’t buhay,
    At katotohanan,
    Ang ’pinaglalaban;
    Sino’ng panig sa Diyos?
  8. Sino’ng panig sa Diyos?
    Ipabatid ngayon.
    Ito’ng aming tanong:
    Sino’ng panig sa Diyos?
  9. Titik: Hannah Last Cornaby, 1822–1905
    Himig: Henry H. Russell, 1818–1900, bin.