KABANATA 2

Dinala ni Lehi ang kanyang mag-anak patungo sa ilang na malapit sa Dagat na Pula—Iniwan nila ang kanilang ari-arian—Si Lehi ay nag-alay ng isang hain sa Panginoon at tinuruan ang kanyang mga anak na sumunod sa mga kautusan—Sina Laman at Lemuel ay bumulung-bulong laban sa kanilang ama—Si Nephi ay naging masunurin at nanalangin nang may pananampalataya; ang Panginoon ay nakipag-usap sa kanya, at siya ay piniling mamahala sa kanyang mga kapatid. Mga 600 B.C.

  Sapagkat masdan, ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay nangusap sa aking ama, oo, maging sa isang panaginip, at sinabi sa kanya: Pinagpala ka Lehi, dahil sa mga bagay na iyong ginawa; at sapagkat ikaw ay naging matapat at ipinahayag sa mga taong ito ang mga bagay na aking ipinag-utos sa iyo, masdan, hangad nilang akitlin ang iyong buhay.

  At ito ay nangyari na, na ainutusan ng Panginoon ang aking ama, maging sa isang bpanaginip, na nararapat niyang cipagsama ang kanyang mag-anak at lumisan patungo sa ilang.

  At ito ay nangyari na, na siya ay naging amasunurin sa salita ng Panginoon, anupa’t siya ay sumunod gaya ng ipinag-utos ng Panginoon sa kanya.

  At ito ay nangyari na, na siya ay lumisan patungo sa ilang. At iniwan niya ang kanyang tahanan, at ang lupaing kanyang mana, at ang kanyang ginto, at ang kanyang pilak, at ang kanyang mahahalagang bagay, at wala siyang dinala maliban sa kanyang mag-anak, at mga panustos, at mga tolda, at alumisan patungo sa ilang.

  At siya ay naglakbay sa may mga hangganan na malapit sa dalampasigan ng aDagat na Pula; at siya ay naglakbay sa ilang sa mga hangganang mas malapit sa Dagat na Pula; at siya ay naglakbay sa ilang kasama ang kanyang mag-anak, na binubuo ng aking ina, si Saria, at ng mga nakatatanda kong kapatid na sina bLaman, Lemuel, at Sam.

  At ito ay nangyari na, nang siya ay nakapaglakbay na nang tatlong araw sa ilang, itinayo niya ang kanyang tolda sa isang alambak sa tabi ng isang ilog ng tubig.

  At ito ay nangyari na, na siya ay gumawa ng isang adambanangbbato, at gumawa ng isang pag-aalay sa Panginoon, at cnagbigay-pasasalamat sa Panginoon naming Diyos.

  At ito ay nangyari na, na tinawag niya ang pangalan ng ilog na Laman, at ito ay umuuho patungo sa Dagat na Pula; at ang lambak ay nasa mga hangganang malapit sa bukana niyon.

  At nang makita ng aking ama na ang mga tubig ng ilog ay umuuho patungo sa bukal ng Dagat na Pula, siya ay nangusap kay Laman, sinasabing: O sana ay maging katulad ka ng ilog na ito, patuloy na umaagos patungo sa bukal ng lahat ng kabutihan!

  10  At siya ay nangusap din kay Lemuel: O sana ay maging katulad ka ng lambak na ito, matibay at matatag, at hindi matitinag sa pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon!

  11  Ngayon, ito ay nasabi niya dahil sa katigasan ng leeg nina Laman at Lemuel; sapagkat masdan, sila ay abumubulung-bulong sa maraming bagay laban sa kanilang bama, dahil sa siya ay isang cmapangitaing tao, at inakay sila palabas sa lupain ng Jerusalem, upang iwan ang lupaing kanilang mana, at ang kanilang ginto, at ang kanilang pilak, at ang kanilang mahahalagang bagay, upang mangasawi sa ilang. At sinabi nila na ito ay ginawa niya dahil sa mga hangal na guni-guni ng kanyang puso.

  12  At sa gayon sina Laman at Lemuel, na mga nakatatanda, ay bumulung-bulong laban sa kanilang ama. At sila ay bumulung-bulong sapagkat hindi nila analalaman ang mga pakikitungo ng Diyos na siyang lumikha sa kanila.

  13  Ni hindi sila naniniwala na ang Jerusalem, ang dakilang lunsod, ay maaaring amawasak alinsunod sa mga salita ng mga propeta. At sila ay katulad ng mga Judio na nasa Jerusalem, na naghangad na kitlin ang buhay ng aking ama.

  14  At ito ay nangyari na, na ang aking ama ay nangusap sa kanila sa lambak ng Lemuel, nang may akapangyarihan, na puspos ng Espiritu, hanggang sa ang kanilang mga katawan ay bnanginig sa harapan niya. At sila ay kanyang nalito, kaya sila ay hindi nakapangahas na magsalita nang laban sa kanya; anupa’t sila ay sumunod gaya ng kanyang ipinag-utos sa kanila.

  15  At ang aking ama ay nanirahan sa isang tolda.

  16  At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, na lubhang bata pa, gayunman ay may malaking pangangatawan, at sapagkat mayroon ding matinding pagnanais na malaman ang mga ahiwaga ng Diyos, dahil dito, ako ay nagsumamo sa Panginoon; at masdan, bdinalaw niya ako, at cpinalambot ang aking puso kung kaya’t dpinaniwalaan ko ang lahat ng salitang sinabi ng aking eama; anupa’t ako ay hindi naghimagsik laban sa kanya na tulad ng aking mga kapatid.

  17  At kinausap ko si Sam, ipinaaalam sa kanya ang mga bagay na ipinaalam sa akin ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang Banal na Espiritu. At ito ay nangyari na, na siya ay naniwala sa aking mga salita.

  18  Datapwat, masdan, sina Laman at Lemuel ay ayaw makinig sa aking mga salita; at sapagkat anagdadalamhati dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, ako ay nagsumamo sa Panginoon para sa kanila.

  19  At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay nangusap sa akin, sinasabing: Pinagpala ka, Nephi, dahil sa iyong apananampalataya, sapagkat hinanap mo ako nang buong pagsisikap, nang may kapakumbabaan ng puso.

  20  At habang sinusunod mo ang aking mga kautusan, ikaw ay auunlad, at aakayin sa isang blupang pangako; oo, maging sa isang lupaing aking inihanda para sa iyo; oo, isang lupaing pinili nang higit sa lahat ng iba pang lupain.

  21  At habang ang iyong mga kapatid ay naghihimagsik laban sa iyo, sila ay aitatakwil mula sa harapan ng Panginoon.

  22  At habang sinusunod mo ang aking mga kautusan, ikaw ay gagawing isang apinuno at isang guro sa iyong mga kapatid.

  23  Sapagkat masdan, sa araw na yaon na sila ay maghimagsik laban sa akin, asusumpain ko sila maging ng isang masidhing sumpa, at hindi sila magkakaroon ng kapangyarihan sa iyong mga binhi maliban kung sila ay maghimagsik din laban sa akin.

  24  At kung mangyayari na sila ay maghimagsik laban sa akin, sila ay magiging isang apahirap sa iyong mga binhi, upang bpukawin sila sa mga landas ng pag-alaala.