KABANATA 16

Nakita ni Isaias ang Panginoon—Ang mga kasalanan ni Isaias ay pinatawad—Tinawag siya na magpropesiya—Iprinopesiya niya ang gagawing pagtanggi ng mga Judio sa mga aral ni Cristo—Magbabalik ang labi—Ihambing sa Isaias 6. Mga 559–545 B.C.

  Noong ataong mamatay ang haring Uzzias, nakita ko rin ang Panginoon na nakaupo sa isang trono, matayog at mataas, at ang blaylayan ng kanyang damit ay pumuno sa templo.

  Sa itaas nito ay nangakatayo ang mga aserapin; ang bawat isa ay may anim na pakpak; dalawa upang takpan niya ang kanyang mukha, at dalawa upang takpan niya ang kanyang mga paa, at dalawa upang ipanlipad niya.

  At nagsisigawan sa isa’t isa, at nagsasabi: Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga Hukbo; ang buong mundo ay puspos ng kanyang kaluwalhatian.

  At ang mga apatibayin ng pintuan ay nayanig sa tinig ng yaong sumisigaw, at napuno ng usok ang bahay.

  Pagkatapos sinabi ko: Sa aba ko! Sapagkat ako ay anapahamak; dahil sa ako ay isang taong marurumi ang labi; at ako ay naninirahan sa piling ng mga taong marurumi rin ang mga labi; sapagkat nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga Hukbo.

  Pagkatapos lumipad ang isa sa mga serapin sa akin, na may taglay na nagbabagang auling sa kanyang kamay na kanyang kinuha sa dambana sa pamamagitan ng pang-ipit;

  At inilagay niya ito sa aking bibig, at sinabi: Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at naalis ang iyong akasamaan, at nalinis ang iyong mga kasalanan.

  Narinig ko rin ang tinig ng Panginoon, sinasabing: Sino ang aking isusugo, at sino ang susugo para sa atin? Pagkatapos sinabi ko: Narito ako; isugo ninyo ako.

  At sinabi niya: Humayo at sabihin sa mga taong ito—Inyo ngang naririnig, subalit hindi ninyo nauunawaan; at inyo ngang nakikita, subalit hindi ninyo namamalas.

  10  Patigasin mo ang mga puso ng mga taong ito, at takpan mo ang kanilang mga tainga, at ipinid ang kanilang mga mata—na baka makita ng kanilang mga mata, at amarinig ng kanilang mga tainga, at makaunawa sa kanilang mga puso, at magbalik-loob at magsigaling.

  11  Pagkatapos sinabi ko: Panginoon, gaano katagal? At sinabi niya: Hanggang sa mawasak ang mga lunsod at mawalan ng mga naninirahan, at ang mga bahay ay mawalan ng tao, at ang lupain ay lubusang mangawasak;

  12  At ainilayo ng Panginoon ang mga tao, sapagkat magkakaroon ng labis na kapabayaan sa gitna ng lupain.

  13  Subalit magkakaroon pa rin ng ikasampung bahagi, at magsisibalik sila, at sila ay lalamunin, tulad ng isang terebinto, at tulad ng isang encina na ang puno ay naiiwan kapag nalalagas ang kanilang mga dahon; kung kaya’t ang mga banal na binhi ay siyang apuno niyon.