Mga Banal na Kasulatan
3 Nephi 30


Kabanata 30

Ang mga Gentil sa huling araw ay inuutusang magsisi, lumapit kay Cristo, at mabilang sa sambahayan ni Israel. Mga A.D. 34–35.

1 Makinig, O kayong mga Gentil, at pakinggan ang mga salita ni Jesucristo, ang Anak ng buhay na Diyos, na kanyang iniutos sa akin na nararapat kong sabihin hinggil sa inyo, sapagkat dinggin, ako ay inutusan niya na nararapat akong sumulat, sinasabing:

2 Tumalikod, lahat kayong mga Gentil, mula sa inyong masasamang ugali; at magsisi sa inyong masasamang gawain, sa inyong mga pagsisinungaling at panlilinlang, at sa inyong mga pagpapatutot, at sa inyong mga lihim na karumal-dumal na gawain, at sa inyong mga pagsamba sa diyus-diyusan, at sa inyong mga pagpaslang, at sa inyong mga huwad na pagkasaserdote, at sa inyong mga inggitan, at sa inyong mga sigalutan, at mula sa lahat ng inyong mga kasamaan at mga karumal-dumal na gawain, at magsilapit sa akin, at magpabinyag sa aking pangalan, upang kayo ay makatanggap ng kapatawaran sa inyong mga kasalanan, at mapuspos ng Espiritu Santo, upang kayo ay mabilang sa aking mga tao na sambahayan ni Israel.