ANG AKLAT NI ALMA ANG ANAK NA LALAKI NI ALMA

KABANATA 26

Si Ammon ay nagpapuri sa Panginoon—Ang matatapat ay pinalakas ng Panginoon at binigyan ng kaalaman—Sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga tao ay makapagdadala ng libu-libong tao tungo sa pagsisisi—Taglay ng Diyos ang lahat ng kapangyarihan at nalalaman ang lahat ng bagay. Mga 90–77 B.C.

  At ngayon, ito ang mga salita ni Ammon sa kanyang mga kapatid, na nagsasabi nang ganito: Mga kapatid ko at mga kapanalig, masdan, sinasabi ko sa inyo, kaylaki ng dahilan upang tayo ay magalak; sapagkat akalain ba natin nang amagsimula tayo mula sa lupain ng Zarahemla na ipagkakaloob sa atin ng Diyos ang ganitong dakilang pagpapala?

  At ngayon, itinatanong ko, anu-anong dakilang pagpapala ang ipinagkaloob niya sa atin? Masasabi ba ninyo?

  Masdan, ako ang siyang tutugon para sa inyo; sapagkat ang ating mga kapatid, ang mga Lamanita, noon ay nasa kadiliman, oo, maging sa pinakamadilim na kailaliman, subalit masdan, akayrami sa kanila ang nadala na mamasdan ang kagila-gilalas na liwanag ng Diyos! At ito ang pagpapalang ipinagkaloob sa atin, na tayo ay gawing mga bkasangkapan sa mga kamay ng Diyos upang maisagawa ang dakilang gawaing ito.

  Masdan, alibu-libo sa kanila ang nagsasaya, at nadala sa kawan ng Diyos.

  Masdan, ang abukid ay hinog na, at kayo ay pinagpala, sapagkat ikinampay ninyo ang bkarit, at nanggapas nang buong lakas ninyo, oo, kayo ay buong araw na gumawa; at masdan ang bilang ng inyong mga cbigkis! At sila ay titipunin sa mga bangan, upang hindi sila masayang.

  Oo, hindi sila magagapi ng unos sa huling araw; ni ang sila ay suyurin ng mga buhawi; kundi kapag dumating ang aunos ay sama-sama silang titipunin sa kanilang lugar, upang hindi sila abutan ng unos; oo, ni ang sila ay itaboy ng malalakas na hangin saan man sila dalhin ng kanilang mga kaaway.

  Subalit masdan, sila ay nasa mga kamay ng Panginoon ng aanihan, at sila ay kanya; at kanyang bibabangon sila sa huling araw.

  Purihin ang pangalan ng ating Diyos; halina’t amag-awitan tayo sa kanyang kapurihan, oo, halina’t bmagbigay-pasasalamat tayo sa kanyang banal na pangalan, sapagkat siya ay nagsasagawa ng kabutihan magpakailanman.

  Sapagkat kung hindi natin nilisan ang lupain ng Zarahemla, itong pinakamamahal nating mga kapatid, na pinakamamahal tayo, ay patuloy na magkikimkim ng akapootan laban sa atin, oo, at sila rin sana ay naging mga dayuhan sa Diyos.

  10  At ito ay nangyari na, nang sabihin ni Ammon ang mga salitang ito, siya ay pinagsabihan ng kanyang kapatid na si Aaron, sinasabing: Ammon, natatakot ako na sa iyong kagalakan ay matangay ka sa pagmamalaki.

  11  Subalit sinabi ni Ammon sa kanya: Hindi ako anagmamalaki sa aking sariling lakas, ni sa aking sariling karunungan; subalit masdan, ang aking bkagalakan ay lubos, oo, ang aking puso ay nag-uumapaw sa kagalakan, at ako ay nagsasaya sa aking Diyos.

  12  Oo, nalalaman kong ako’y walang halaga; kung sa akin lamang lakas ay mahina ako, kaya nga hindi ako anagmamalaki sa aking sarili, kundi ipagmamalaki ko ang aking Diyos, sapagkat sa kanyang blakas ay maaari kong magawa ang lahat ng bagay; oo, masdan, maraming dakilang himala ang nagawa natin sa lupaing ito, kung saan pupurihin natin ang kanyang pangalan magpakailanman.

  13  Masdan, kayrami sa libu-libo nating mga kapatid ang pinawalan niya mula sa mga pasakit ng aimpiyerno; at sila ay nadala na bmagsiawit ng mapagtubos na pag-ibig, at ito ay dahil sa kapangyarihan ng kanyang salita na nasa atin, kaya nga hindi ba may malaking dahilan upang tayo ay magsaya?

  14  Oo, may dahilan upang purihin natin siya magpakailanman, sapagkat siya ang Kataas-taasang Diyos, at nagkalag sa ating mga kapatid mula sa mga atanikala ng impiyerno.

  15  Oo, sila ay pinalibutan ng walang hanggang kadiliman at pagkawasak; subalit masdan, kanyang dinala sila sa kanyang walang hanggang aliwanag, oo, sa walang hanggang kaligtasan; at sila ay napalibutan ng walang kapantay na kasaganaan ng kanyang pag-ibig; oo, at tayo ay naging mga kasangkapan sa kanyang mga kamay sa paggawa ng dakila at kagila-gilalas na gawaing ito.

  16  Kaya nga, tayo ay amagpapuri, oo, bmagbigay-puri tayo sa Panginoon; oo, magsasaya tayo, sapagkat ang ating kagalakan ay lubos; oo, pupurihin natin ang ating Diyos magpakailanman. Masdan, sino ang maaaring labis na pupuri sa Panginoon? Oo, sino ang makapagsasabi ng labis-labis sa kanyang dakilang kapangyarihan, at ng kanyang cawa, at ng kanyang mahabang pagtitiis sa mga anak ng tao? Masdan, sinasabi ko sa inyo, hindi ko masasabi ang kaliit-liitang bahagi ng nararamdaman ko.

  17  Sino ang makapag-aakala na ang ating Diyos ay magiging napakamaawain upang agawin tayo mula sa ating kakila-kilabot, makasalanan, at maruming kalagayan?

  18  Masdan, tayo ay humayo maging sa kapootan, lakip ang mga pagbabanta na awawasakin ang kanyang simbahan.

  19  O kaya nga, bakit hindi niya tayo itinakda sa isang kakila-kilabot na pagkawasak, oo, bakit hindi niya hinayaan ang espada ng kanyang katarungan na bumagsak sa atin, at ipaubaya tayo sa walang hanggang kawalang-pag-asa?

  20  O, aking kaluluwa, halos nga ito, ay tumakas sa pag-aakala. Masdan, hindi niya iginawad ang kanyang katarungan sa atin, kundi sa kanyang dakilang awa ay itinawid tayo sa yaong walang hanggang alook ng kamatayan at kalungkutan, maging sa kaligtasan ng ating mga kaluluwa.

  21  At ngayon masdan, mga kapatid ko, sinong alikas na tao ang nakaaalam ng mga bagay na ito? Sinasabi ko sa inyo, walang bnakaaalam ng mga bagay na ito, maliban sa nagsisisi.

  22  Oo, siya na anagsisisi at pinaiiral ang bpananampalataya, at gumagawa ng mabubuting gawa, at patuloy na nananalangin nang walang hinto—sa kanya ay ipagkakaloob na malaman ang mga chiwaga ng Diyos; oo, sa kanya ay ibibigay na maipahayag ang mga bagay na kailanma’y hindi pa naipahahayag; oo, sa kanya ay ipagkakaloob na dalhin ang libu-libong kaluluwa sa pagsisisi, maging tulad ng ibinigay sa atin upang madala ang mga kapatid nating ito sa pagsisisi.

  23  Ngayon, natatandaan ba ninyo, mga kapatid ko, na sinabi natin sa ating mga kapatid sa lupain ng Zarahemla, na aahon tayo sa lupain ng Nephi, upang mangaral sa ating mga kapatid, ang mga Lamanita, at kanilang pinagtawanan tayo sa pangungutya?

  24  Sapagkat sinabi nila sa atin: Sa akala ba ninyo ay madadala ninyo ang mga Lamanita sa kaalaman ng katotohanan? Sa akala ba ninyo ay mapaniniwala ninyo ang mga Lamanita sa kamalian ng mga akaugalian ng kanilang mga ama, sila na mga taong bmatitigas ang leeg; na ang mga puso ay nagagalak sa pagpapadanak ng dugo; na ang mga araw ay pinalilipas sa pinakamahalay na kasamaan; na ang mga gawi ay gawi ng isang makasalanan mula pa sa simula? Ngayon mga kapatid ko, natatandaan ninyo na ito ang kanilang sinabi.

  25  At bukod pa rito ay sinabi nila: Humawak tayo ng ating mga sandata laban sa kanila, upang malipol natin sila at ang kanilang kasamaan sa lupain, na baka kanilang madaig tayo at lipulin tayo.

  26  Subalit masdan, mga minamahal kong kapatid, tayo ay nagtungo sa ilang hindi sa layuning lipulin ang ating mga kapatid, kundi sa layunin na baka sakaling mailigtas natin ang ilan sa kanilang mga kaluluwa.

  27  Ngayon, nang ang ating mga puso ay manghina, at tayo sana ay magbabalik na, masdan, ainaliw tayo ng Panginoon, at sinabi: Humayo sa inyong mga kapatid, na mga Lamanita, at batahin nang buong bpagtitiyaga ang inyong mga cpaghihirap, at ipagkakaloob ko sa inyo ang tagumpay.

  28  At ngayon masdan, tayo ay humayo, at nakihalubilo sa kanila; at naging matiisin tayo sa ating mga pagdurusa, at nagdanas ng lahat ng kalupitan; oo, tayo ay naglakbay sa bahay-bahay, umaasa sa mga awa ng sanlibutan—hindi lamang sa mga awa ng sanlibutan kundi sa mga awa ng Diyos.

  29  At pinasok natin ang kanilang mga tahanan at tinuruan sila, at tinuruan natin sila sa kanilang mga lansangan; oo, at tinuruan natin sila sa kanilang mga burol; at pinasok din natin ang kanilang mga templo at kanilang mga sinagoga at tinuruan sila; at tayo ay itinaboy, at kinutya, at dinuraan, at sinampal sa ating mga pisngi; at tayo ay binato, at dinakip at iginapos ng matitibay na lubid, at itinapon sa bilangguan; at sa pamamagitan ng kapangyarihan at karunungan ng Diyos ay muli tayong naligtas.

  30  At tayo ay nagdanas ng lahat ng uri ng paghihirap, at lahat ng ito, ay sa pagbabaka sakaling tayo ay maging daan upang maligtas ang ilang tao; at inakala natin na ang ating akagalakan ay malulubos kung sakali mang maging daan tayo ng kaligtasan ng ilan.

  31  Ngayon masdan, tayo ay makatatanaw at makikita ang mga ibinunga ng ating mga pagpapagal; at sila ba’y iilan? Sinasabi ko sa inyo, Hindi, amarami sila; oo, at nasasaksihan natin ang kanilang katapatan, dahil sa pagmamahal nila sa kanilang mga kapatid at gayon din sa atin.

  32  Sapagkat masdan, higit pa nilang ninais na aialay ang kanilang buhay kaysa sa kitlin maging ang buhay ng kanilang kaaway; at bibinaon nila nang malalim sa lupa ang kanilang mga sandata ng digmaan, dahil sa kanilang pagmamahal sa kanilang mga kapatid.

  33  At ngayon masdan, sinasabi ko sa inyo, nagkaroon na ba ng gayon kadakilang pag-ibig sa buong lupain? Masdan, sinasabi ko sa inyo, Wala, hindi pa nagkaroon, maging sa mga Nephita.

  34  Sapagkat masdan, sila ay hahawak ng mga sandata laban sa kanilang mga kapatid; hindi nila pahihintulutang mapatay ang kanilang sarili. Subalit masdan, gaano karami sa kanila ang nag-alay ng kanilang buhay; at nalalaman nating sila ay nagtungo na sa kanilang Diyos, dahil sa kanilang pag-ibig at sa kanilang poot sa kasalanan.

  35  Ngayon, hindi ba’t may dahilan upang tayo ay magsaya? Oo, sinasabi ko sa inyo, kailanma’y walang taong may gayong kalaking dahilan upang magsaya kaysa sa atin, mula pa nang magsimula ang daigdig; oo, at ang aking kagalakan ay natatangay, maging hanggang sa ipagmalaki ang aking Diyos; sapagkat taglay niya ang lahat ng akapangyarihan, lahat ng karunungan, at lahat ng kaalaman; bnalalaman niya ang lahat ng bagay, at isa siyang cmaawaing Katauhan, maging hanggang sa kaligtasan, sa mga yaong magsisisi at maniniwala sa kanyang pangalan.

  36  Ngayon, kung ito ay pagmamalaki, gayon pa man ako ay magmamalaki; sapagkat ito ang aking buhay at aking liwanag, aking kagalakan at aking kaligtasan, at aking katubusan mula sa walang hanggang kapighatian. Oo, purihin ang pangalan ng aking Diyos, na naging maalalahanin sa mga taong ito, na mga asanga ng punungkahoy ng Israel, at nahiwalay mula sa katawan nito sa isang di kilalang lupain; oo, sinasabi ko, purihin ang pangalan ng aking Diyos, na naging maalalahanin sa atin, na mga bligaw sa isang di kilalang lupain.

  37  Ngayon mga kapatid ko, nakikita nating maalalahanin ang Diyos sa bawat atao, saan mang lupain sila naroroon; oo, bilang niya ang kanyang mga tao, at ang kanyang sisidlan ng awa ay laganap sa buong mundo. Ngayon, ito ang aking kagalakan, at aking labis na ipinagpapasalamat; oo, at ako ay magbibigay-pasasalamat sa aking Diyos magpakailanman. Amen.