ANG AKLAT NI ALMA ANG ANAK NA LALAKI NI ALMA

KABANATA 32

Tinuruan ni Alma ang mga maralita na nangagpakumbaba dahil sa kanilang mga paghihirap—Ang pananampalataya ay isang pag-asa roon sa hindi nakikita ngunit totoo—Pinatotohanan ni Alma na ang mga anghel ay naglilingkod sa mga lalaki, babae, at bata—Inihambing ni Alma ang salita sa isang binhi—Ito ay kailangang itanim at alagaan—Sa gayon, ito ay sisibol hanggang sa maging isang punungkahoy kung saan ang bunga ng buhay na walang hanggan ay pinipitas. Mga 74 B.C.

  At ito ay nangyari na, na sila ay humayo, at nagsimulang ipangaral ang salita ng Diyos sa mga tao, pumapasok sa kanilang mga sinagoga, at sa kanilang mga tahanan; oo, at maging sa kanilang mga lansangan ay ipinangangaral nila ang salita.

  At ito ay nangyari na, na matapos ang maraming pagpapagal sa kanila, sila ay nagsimulang magkaroon ng tagumpay sa mga amaralitang antas ng mga tao, sapagkat masdan, sila ay itinaboy palabas ng sinagoga dahil sa kagaspangan ng kanilang mga kasuotan—

  Anupa’t sila ay hindi pinahintulutang pumasok sa kanilang mga sinagoga upang sumamba sa Diyos, sapagkat itinuturing na karumihan; dahil sa sila ay mga maralita; oo, sila ay itinuturing ng kanilang mga kapatid na kagaya ng taing bakal; dahil sa sila ay akapos sa mga bagay ng daigdig; at gayundin sila ay may mababang-loob.

  Ngayon, habang si Alma ay nagtuturo at nagsasalita sa mga tao sa burol ng Onidas, doon ay nagsilapit sa kanya ang napakaraming tao, sila na aming sinasabi na may mga amababang-loob, dahil sa kanilang kakapusan sa mga bagay ng daigdig.

  At sila ay lumapit kay Alma; at ang isa na nangunguna sa kanila ang nagsabi sa kanya: Masdan, aano ang gagawin ng mga kapatid kong ito, sapagkat sila ay hinahamak ng lahat ng tao dahil sa kanilang kahirapan, oo, at lalong higit ng aming mga saserdote; sapagkat kami ay bitinaboy palabas ng aming mga sinagoga na aming pinagpagalan nang labis upang itayo ng aming sariling mga kamay; at kami ay itinaboy nila palabas dahil sa aming labis na kahirapan; at kami ay walang lugar na sumamba sa aming Diyos; at masdan, cano ang aming gagawin?

  At ngayon, nang marinig ito ni Alma, kanya siyang binalingan, na ang kanyang mukha ay malapit sa kanya, at pinagmasdan siya nang may malaking kagalakan; sapagkat kanyang namasdan na ang kanilang mga apaghihirap ay tunay na bnakapagpakumbaba sa kanila, at na sila ay chanda nang pakinggan ang salita.

  Kaya nga, hindi na siya nagsalita pa sa iba pang mga tao; kundi iniunat niya ang kanyang kamay, at sumigaw roon sa kanyang mga namasdan, na mga tunay na nagsisisi, at sinabi sa kanila:

  Aking namamasdan na kayo ay amapagpakumbaba sa puso; at kung magkagayon kayo ay pinagpala.

  Masdan, ang inyong kapatid ay nagsabi, Ano ang aming gagawin?—sapagkat kami ay itinaboy palabas ng aming mga sinagoga, kaya nga hindi namin masamba ang aming Diyos.

  10  Masdan sinasabi ko sa inyo, inaakala ba ninyong hindi kayo amakasasamba sa Diyos maliban kung ito ay sa inyong mga sinagoga lamang?

  11  At bukod dito, itinatanong ko, inaakala ba ninyong hindi kayo makasasamba sa Diyos kundi minsan lamang sa isang linggo?

  12  Sinasabi ko sa inyo, mabuti na kayo ay itinaboy palabas ng inyong mga sinagoga upang kayo ay maging mapagpakumbaba, at nang kayo ay matuto ng akarunungan; sapagkat kailangang kayo ay matuto ng karunungan; sapagkat dahil sa kayo ay itinaboy palabas, na kayo ay hinamak ng inyong mga kapatid dahil sa inyong labis na bkahirapan, kaya kayo ay naakay sa kababaan ng puso; sapagkat kayo ay kinakailangang akayin na maging mapagpakumbaba.

  13  At ngayon, dahil sa kayo ay napilitang magpakumbaba, kayo ay pinagpala; sapagkat ang isang tao kung minsan, kung siya ay napilitang magpakumbaba, ay naghahangad na magsisi; at ngayon, tiyak na ang sinumang magsisisi ay makasusumpong ng awa, at siya na nakasumpong ng awa at amakapagtitiis hanggang katapusan, siya rin ay maliligtas.

  14  At ngayon, tulad ng sinabi ko sa inyo, na dahil sa kayo ay napilitang magpakumbaba kayo ay pinagpala, hindi ba ninyo inaakala na higit na pinagpala sila na tunay na nagpakumbaba ng kanilang sarili dahil sa salita?

  15  Oo, siya na tunay na nagpapakumbaba ng kanyang sarili, at nagsisisi ng kanyang mga kasalanan, at makapagtitiis hanggang sa katapusan, siya rin ay pagpapalain—oo, lalong higit na pagpapalain kaysa sa kanila na napilitang magpakumbaba dahil sa kanilang labis na kahirapan.

  16  Kaya nga, pinagpala sila na anagpapakumbaba ng kanilang sarili na hindi kailangang piliting magpakumbaba; o kaya sa ibang salita, pinagpala siya na naniniwala sa salita ng Diyos, at nabinyagan nang walang katigasan ng puso, oo, na hindi na kinailangan pang malaman ang salita, o kaya’y pinilit na malaman bago sila maniwala.

  17  Oo, marami ang nagsasabi: Kung ikaw ay magpapakita sa amin ng isang apalatandaan mula sa langit, sa gayon, malalaman namin nang may katiyakan, at pagkatapos kami ay maniniwala.

  18  Ngayon, itinatanong ko, ito ba ay pananampalataya? Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi, sapagkat kung nalalaman ng isang tao ang isang bagay, siya ay walang dahilan upang amaniwala, sapagkat alam na niya ito.

  19  At ngayon, gaano kahigit na susumpain siya na anakaaalam ng kalooban ng Diyos at hindi ito ginagawa, kaysa sa kanya na naniniwala lamang, o mayroon lamang dahilan upang maniwala at mahulog sa pagkakasala?

  20  Ngayon, sa bagay na ito, kayo ang kailangang humatol. Masdan, sinasabi ko sa inyo, na ito ay sa isang dako katulad din sa kabilang dako; at ito ay mangyayari sa bawat tao alinsunod sa kanyang gawa.

  21  At ngayon, tulad ng sinabi ko hinggil sa pananampalataya—ang apananampalataya ay hindi ang pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa mga bagay; kaya nga, kung ikaw ay may pananampalataya, bumaasa ka sa mga bagay na chindi nakikita, ngunit totoo.

  22  At ngayon, masdan, sinasabi ko sa inyo, at nais kong inyong tandaan, na ang Diyos ay maawain sa lahat ng naniniwala sa kanyang pangalan; anupa’t ninanais niya, sa unang dako, na kayo ay maniwala, oo, maging sa kanyang salita.

  23  At ngayon, ibinabahagi niya ang kanyang mga salita sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga anghel, oo, ahindi lamang sa kalalakihan, kundi pati rin sa kababaihan. Ngayon, hindi lamang ito; sa maliliit na bbata ay mayroon ding mga salitang ibinigay sa kanila nang maraming ulit, na lumilito sa marunong at matalino.

  24  At ngayon, mga minamahal kong kapatid, katulad ng hinihiling ninyo na malaman sa akin kung ano ang inyong gagawin sapagkat kayo ay pinahirapan at itinaboy—ngayon, hindi ko nais na inyong akalain na ibig kong hatulan kayo tanging alinsunod lamang doon sa totoo—

  25  Sapagkat hindi ko ibig sabihin na kayong lahat ay napilitang magpakumbaba ng inyong sarili; sapagkat ako ay tunay na naniniwala na may ilan sa inyo na kusang nagpapakumbaba sa inyong sarili, hayaan sila kung anuman ang katayuan nila.

  26  Ngayon, kagaya ng sinabi ko hinggil sa pananampalataya—na ito ay hindi isang ganap na kaalaman—maging ganoon din ang aking mga salita. Hindi ninyo malalaman ang kanilang katiyakan sa una, hanggang sa kaganapan, anuman ang higit pa sa pananampalataya ay isang ganap na kaalaman.

  27  Subalit masdan, kung kayo ay gigising at pupukawin ang inyong kaisipan, maging sa isang pagsubok sa aking mga salita, at gagamit ng kahit bahagyang pananampalataya, oo, kahit na wala kayong higit na anais kundi ang maniwala, hayaan na ang pagnanais na ito ay umiral sa inyo, maging hanggang sa kayo ay maniwala sa isang pamamaraan na kayo ay magbibigay-puwang para sa isang bahagi ng aking mga salita.

  28  Ngayon, ating ihahalintulad ang salita sa isang abinhi. Ngayon, kung kayo ay magbibigay-puwang, na ang bbinhi ay maitanim sa inyong mga cpuso, masdan, kung iyon ay isang tunay na binhi, o isang mabuting binhi, kung hindi ninyo ito itatapon dahil sa inyong dkawalang-paniniwala, na inyong sasalungatin ang Espiritu ng Panginoon, masdan, ito ay magsisimulang lumaki sa loob ng inyong mga dibdib; at kapag nadama ninyo ang ganitong paglaki, kayo ay magsisimulang magsabi sa inyong sarili—Talagang ito ay mabuting binhi, o na ang salita ay mabuti, sapagkat sinisimulan nitong palakihin ang aking kaluluwa; oo, sinisimulan nitong liwanagin ang aking epang-unawa, oo, ito ay nagsisimulang maging masarap para sa akin.

  29  Ngayon masdan, ito ba ay hindi makadaragdag sa inyong pananampalataya? Sinasabi ko sa inyo, Oo; gayunman ito ay hindi pa lumalaki sa isang ganap na kaalaman.

  30  Ngunit masdan, habang ang binhi ay lumalaki at sumisibol, at nagsisimulang tumubo, kung magkagayon ay talagang sasabihin ninyo na ang binhi ay mabuti; sapagkat masdan, ito ay lumalaki at sumisibol, at nagsisimulang tumubo. At ngayon, masdan, ito ba ay hindi makapagpapalakas sa inyong pananampalataya? Oo, ito ay makapagpapalakas sa inyong pananampalataya sapagkat inyong sasabihin na alam kong ito ay isang mabuting binhi; sapagkat masdan, ito ay sumisibol at nagsisimulang tumubo.

  31  At ngayon, masdan, kayo ba ay nakatitiyak na ito ay mabuting binhi? Sinasabi ko sa inyo, Oo; sapagkat ang bawat binhi ay magbubunga ng kanyang akatulad.

  32  Anupa’t kung ang isang binhi ay tumutubo ito ay mabuti, ngunit kung ito ay hindi tumutubo, masdan ito ay hindi mabuti, kaya nga ito ay itatapon.

  33  At ngayon, masdan, dahil sa inyong isinagawa ang pagsubok, at itinanim ang binhi, at ito ay lumaki at sumibol, at nagsimulang tumubo, kailangang malaman ninyo na ang binhi ay mabuti.

  34  At ngayon, masdan, ang inyo bang akaalaman ay ganap? Oo, ang inyong kaalaman ay ganap sa bagay na yaon, at ang inyong bpananampalataya ay hindi lumalaki; at ito ay sapagkat nalalaman na ninyo, sapagkat nalalaman ninyo na ang salita ay nagpalaki sa inyong mga kaluluwa, at nalalaman din ninyo na ito ay sumibol, na ang inyong pang-unawa ay nagsimulang magliwanag, at ang inyong cisipan ay nagsimulang lumawak.

  35  O ngayon, hindi ba ito ay tunay? Sinasabi ko sa inyo, Oo, sapagkat ito ay aliwanag; at anuman ang maliwanag ay mabuti, sapagkat ito ay nauunawaan, kaya nga kailangan ninyong malaman na ito ay mabuti; at ngayon, masdan, matapos ninyong matikman ang liwanag na ito, ang inyo bang kaalaman ay ganap?

  36  Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi; ni hindi ninyo kailangang isantabi ang inyong pananampalataya, sapagkat inyo lamang ginamit ang inyong pananampalataya upang itanim ang binhi at nang inyong maisagawa ang pagsubok upang inyong malaman kung ang binhi ay mabuti.

  37  At masdan, habang ang punungkahoy ay nagsisimulang lumaki, inyong sasabihin: Ating alagaan ito nang may malaking pagkalinga, nang iyon ay magkaugat, nang iyon ay lumaki, at magbigay ng bunga sa atin. At ngayon, masdan, kung inyong aalagaan iyon nang mabuti, ito ay magkakaugat, at tutubo at magbibigay ng bunga.

  38  Subalit kung inyong apababayaan ang punungkahoy, at hindi iisipin ang pangangalaga rito, masdan, iyon ay hindi magkakaroon ng anumang ugat; at kung ang init ng araw ay matindi at darangin ito, sapagkat wala itong ugat ito ay malalanta, at ito ay inyong bubunutin at itatapon.

  39  Ngayon, ito ay hindi dahil ang binhi ay hindi mabuti, ni ito ay dahil ang bunga niyon ay hindi magiging kanais-nais; kundi ito ay dahil ang inyong alupa ay tigang, at hindi ninyo inaalagaan ang punungkahoy, anupa’t hindi kayo magkakaroon ng bunga niyon.

  40  At kung magkagayon, kung hindi ninyo aalagaan ang salita, na umaasa nang may pananampalataya sa bunga niyon, hindi kayo kailanman makapipitas ng bunga ng apunungkahoy ng buhay.

  41  Subalit kung inyong aalagaan ang salita, oo, aalagaan ang punungkahoy habang ito ay nagsisimulang lumaki, sa pamamagitan ng inyong pananampalataya nang may malaking pagsisikap, at may apagtitiyaga, umaasa sa bunga niyon, ito ay magkakaugat, at masdan, ito ay magiging isang punungkahoy na bsumisibol tungo sa buhay na walang hanggan.

  42  At dahil sa inyong apagsisikap at inyong pananampalataya at inyong pagtitiyaga sa salita sa pag-aalaga nito upang ito’y mapapag-ugat ninyo, masdan, di maglalaon, kayo ay pipitas ng bbunga niyon, na pinakamahalaga, na pinakamatamis sa lahat ng matamis, at pinakamaputi sa lahat ng maputi, oo, at pinakadalisay sa lahat ng dalisay; at kayo ay magpapakabusog sa bungang ito hanggang sa kayo ay mapuno, upang hindi na kayo magutom pa, ni hindi na kayo mauuhaw.

  43  Kung magkagayon, mga kapatid ko, inyong aanihin ang mga gantimpala ng inyong pananampalataya, at inyong pagsisikap, at pagtitiyaga, at mahabang pagtitiis, sa paghihintay sa punungkahoy na magbigay ng bunga sa inyo.