ANG AKLAT NI ALMA ANG ANAK NA LALAKI NI ALMA

KABANATA 40

Pinapangyari ni Cristo ang pagkabuhay na mag-uli ng lahat ng tao—Ang mabubuting namatay ay magtutungo sa paraiso at ang masasama ay sa labas na kadiliman upang maghintay sa araw ng kanilang pagkabuhay na mag-uli—Lahat ng bagay ay manunumbalik sa kanilang wasto at ganap na anyo sa Pagkabuhay na mag-uli. Mga 74 B.C.

  Ngayon, anak ko, narito ang ilan pa sa nais kong sabihin sa iyo; sapagkat nahihiwatigan ko na ang iyong isip ay nababahala hinggil sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay.

  Masdan, sinasabi ko sa iyo, na walang pagkabuhay na mag-uli—o, ang ibig kong sabihin, sa ibang salita, na ang may kamatayang buhay na ito ay hindi mabibihisan ng akawalang-kamatayan, ang may kabulukan ay hindi bmabibihisan ng walang kabulukan—changgang sa sumapit ang pagparito ni Cristo.

  Masdan, kanyang pinapangyari ang apagkabuhay na mag-uli ng mga patay. Ngunit masdan, anak ko, ang pagkabuhay na mag-uli ay wala pa. Ngayon, ilalahad ko sa iyo ang isang hiwaga; gayunman, maraming bhiwaga ang cnakatago, at walang sinuman ang nakaaalam ng mga ito kundi ang Diyos lamang. Ngunit ipaaalam ko sa iyo ang isang bagay na masigasig kong itinanong sa Diyos upang aking malaman—yaon ay hinggil sa pagkabuhay na mag-uli.

  Masdan, may isang panahong itinakda na ang lahat ay ababangon mula sa patay. Ngayon, kung kailan darating ang panahong ito, walang sinuman ang nakaaalam; subalit alam ng Diyos ang panahong itinakda.

  Ngayon, kung magkakaroon man ng isang pagkakataon, o apangalawang pagkakataon, o pangatlong pagkakataon, na ang mga tao ay magbabangon mula sa patay, ito ay hindi na mahalaga; sapagkat bnalalaman ng Diyos ang lahat ng bagay na ito; at sapat na sa akin ang malamang ganito ang mangyayari—na may isang panahong itinakda na ang lahat ay magbabangon mula sa patay.

  Ngayon, kailangang may agwat sa pagitan ng panahon ng kamatayan at sa panahon ng pagkabuhay na mag-uli.

  At ngayon, ako ay magtatanong kung ano ang mangyayari sa mga akaluluwa ng tao mula sa panahon ng kamatayan hanggang sa panahong itinakda para sa pagkabuhay na mag-uli?

  Ngayon, kung mayroon mang mahigit sa isang pagkakataong itinakda para sa mga tao na bumangon, ito ay hindi na mahalaga; sapagkat ang lahat ay hindi mamamatay nang sabay-sabay, at ito ay hindi na mahalaga; ang lahat ay isang araw sa Diyos, at ang panahon ay sa tao lamang sinusukat.

  Samakatwid, may isang panahong itinakda sa mga tao na sila ay babangon mula sa patay; at may isang agwat sa pagitan ng panahon ng kamatayan at ng pagkabuhay na mag-uli. At ngayon, hinggil dito sa agwat ng panahon, kung ano ang mangyayari sa mga kaluluwa ng tao ang bagay na aking masigasig na itinanong sa Panginoon upang malaman; at ito ang bagay na aking nalalaman.

  10  At kapag dumating ang panahon na ang lahat ay babangon, at saka nila malalaman na ang Diyos ang nakaaalam sa lahat ng apanahong itinakda sa tao.

  11  Ngayon, hinggil sa kalagayan ng kaluluwa sa pagitan ng akamatayan at ng pagkabuhay na mag-uli—Masdan, ipinaalam sa akin ng isang anghel, na ang espiritu ng lahat ng tao matapos na sila ay lumisan sa katawang mortal na ito, oo, ang espiritu ng lahat ng tao, maging sila man ay mabuti o masama, ay dadalhin bpabalik sa Diyos na sa kanila ay nagbigay-buhay.

  12  At sa gayon ito ay mangyayari na ang mga espiritu ng yaong mabubuti ay tatanggapin sa kalagayan ng akaligayahan, na tinatawag na bparaiso, isang kalagayan ng cpamamahinga, isang kalagayan ng dkapayapaan, kung saan sila ay mamamahinga mula sa kanilang mga suliranin at sa lahat ng alalahanin at kalungkutan.

  13  At sa gayon, ito ay mangyayari na ang mga espiritu ng makasalanan, oo, yaong masasama—sapagkat masdan, sila ay walang bahagi o kahati sa Espiritu ng Panginoon; sapagkat masdan, pinili nila ang masasamang gawain sa halip na mabuti; anupa’t ang espiritu ng diyablo ay pumasok sa kanila, at inangkin ang kanilang tahanan—at sila ay itatapon sa labas na akadiliman; at magkakaroon ng bpagtangis, at panaghoy, at pagngangalit ng mga ngipin, at ito ay dahil sa kanilang sariling kasamaan, palibhasa’y naakay sa pagkabihag ng kagustuhan ng diyablo.

  14  Ngayon, ito ang kalagayan ng mga kaluluwa ng amasasama, oo, sa kadiliman, at isang kalagayang kakila-kilabot, bnahihintakutan ang anyo dahil sa nag-aapoy na pagngingitngit ng poot ng Diyos sa kanila; sa gayon sila mamamalagi sa ganitong ckalagayan, gayundin ang mabubuti sa paraiso, hanggang sa panahon ng kanilang pagkabuhay na mag-uli.

  15  Ngayon, may ilan na ang pagkakaunawa na itong kalagayan ng kaligayahan at itong kalagayan ng kalungkutan ng kaluluwa, bago ang pagkabuhay na mag-uli, ang siyang unang pagkabuhay na mag-uli. Oo, inaamin ko na ito ay maaaring taguriang pagkabuhay na mag-uli, ang pagbabangon ng espiritu o ng kaluluwa at ang kanilang pagkakatalaga sa kaligayahan o kalungkutan, ayon sa mga salitang winika.

  16  At masdan, muli ito ang winika, na may aunangbpagkabuhay na mag-uli, isang pagkabuhay na mag-uli ng lahat ng nabuhay na noon, o ng mga nabubuhay ngayon, o ng mga mabubuhay pa lamang hanggang sa pagkabuhay na mag-uli ni Cristo mula sa patay.

  17  Ngayon, hindi natin ipinalalagay na itong unang pagkabuhay na mag-uli, na winika sa ganitong paraan, ay maaaring ang pagkabuhay na mag-uli ng mga kaluluwa at ang kanilang apagkakatalaga sa kaligayahan o kalungkutan. Hindi mo maipalalagay na ito ang ibig sabihin nito.

  18  Masdan, sinasabi ko sa iyo, Hindi; ngunit ang ibig sabihin nito ay muling pagsasanib ng kaluluwa sa katawan, ng mga yaong mula pa noong mga araw ni Adan hanggang sa apagkabuhay na mag-uli ni Cristo.

  19  Ngayon, kung ang mga kaluluwa at katawan ng mga yaong nabanggit ay muling magsasama kaagad, ang masasama gayundin ang mabubuti, hindi ko sinasabi; maging sapat nang sinabi ko na silang lahat ay magbabangon, o sa ibang salita, ang kanilang pagkabuhay na mag-uli ay mangyayari abago ang pagkabuhay na mag-uli ng mga yaong nangamatay pagkaraan ng pagkabuhay na mag-uli ni Cristo.

  20  Ngayon, anak ko, hindi ko sinasabi na ang kanilang pagkabuhay na mag-uli ay darating sa pagkabuhay na mag-uli ni Cristo; ngunit masdan, ibinigay ko ito bilang aking kuru-kuro, na ang mga kaluluwa at katawan ay muling magsasama, ang mabubuti, sa pagkabuhay na mag-uli ni Cristo, at sa kanyang apag-akyat sa langit.

  21  Ngunit kung ito ay sa kanyang pagkabuhay na mag-uli o pagkatapos, hindi ko masasabi; kundi ito lamang ang aking masasabi, na may isang aagwat sa pagitan ng kamatayan at ng pagkabuhay na mag-uli ng katawan, at ang kalagayan ng kaluluwa sa bkaligayahan o sa ckalungkutan hanggang sa panahong itinakda ng Diyos na ang mga patay ay magbabangon, at muling magsasama kapwa ang kaluluwa at katawan, at ddadalhin upang tumayo sa harapan ng Diyos, at hahatulan alinsunod sa kanilang mga gawa.

  22  Oo, rito mangyayari ang tungkol sa panunumbalik ng lahat ng bagay na sinabi ng mga bibig ng mga propeta.

  23  Ang akaluluwa ay bmagbabalik sa ckatawan, at ang katawan sa kaluluwa; oo, at bawat biyas at kasu-kasuan ay magbabalik sa kanyang katawan; oo, maging isang buhok sa ulo ay hindi mawawala; kundi lahat ng bagay ay magbabalik sa kanilang wasto at ganap na anyo.

  24  At ngayon, anak ko, ito ang panunumbalik na asinabi ng mga bibig ng mga propeta—

  25  At sa gayon ang mabubuti ay magniningning sa kaharian ng Diyos.

  26  Ngunit masdan, isang kakila-kilabot na akamatayan ang sasapit sa masasama; sapagkat sila ay mamamatay sa mga bagay na nauukol sa mga bagay ng kabutihan; sapagkat sila ay marurumi, at walang bmaruming bagay ang maaaring magmana ng kaharian ng Diyos; kundi sila ay itatakwil, at itatadhanang makibahagi sa bunga ng kanilang mga pagpapagal at kanilang mga gawa, na naging masama; at kanilang iinumin ang latak sa isang mapait na saro.