ANG AKLAT NI ALMA ANG ANAK NA LALAKI NI ALMA

KABANATA 60

Si Moroni ay dumaing kay Pahoran dahil sa kapabayaan ng pamahalaan sa mga hukbo—Hinahayaang mapatay ang mabubuti ng Panginoon—Kinailangang gamitin ng mga Nephita ang buo nilang lakas at pamamaraan upang mailigtas nila ang sarili mula sa kanilang mga kaaway—Si Moroni ay nagbanta na lalabanan niya ang pamahalaan maliban kung magpapadala ng tulong sa kanyang mga hukbo. Mga 62 B.C.

  At ito ay nangyari na, na siya ay muling sumulat sa gobernador ng lupain, na si Pahoran, at ito ang mga salitang isinulat niya, sinasabing: Masdan, ipinahahatid ko ang aking liham kay Pahoran, sa lunsod ng Zarahemla, na siyang apunong hukom at gobernador ng lupain, at gayon din sa lahat ng yaong pinili ng mga taong ito na mamahala at mangasiwa sa mga bagay-bagay ng digmaang ito.

  Sapagkat masdan, may sasabihin ako nang bahagya sa kanila sa paraang may panunumpa; sapagkat masdan, kayo na rin ang nakaaalam na kayo ay hinirang na mangalap ng mga tauhan, at sandatahan sila ng mga espada, at ng mga simitar, at lahat ng uri ng sandata ng digmaan ng bawat uri, at ipadala laban sa mga Lamanita, saan mang dako sila sumalakay sa ating mga lupain.

  At ngayon masdan, sinasabi ko sa iyo na ako na rin, at gayon din ang mga tauhan ko, at gayon din si Helaman at ang kanyang mga tauhan, ay nagdanas ng labis na pagdurusa; oo, maging ng pagkagutom, pagkauhaw, at pagkapagod, at lahat ng uri ng paghihirap ng bawat uri.

  Subalit masdan, kung ito lamang ang aming dinaranas ay hindi sana kami aangal ni daraing.

  Subalit masdan, labis ang pagkatay sa ating mga tao; oo, libu-libo na ang napabagsak sa pamamagitan ng espada, samantalang hindi sana nangyari ito kung kayo ay nagpadala sa aming mga hukbo ng sapat na lakas at tulong para sa kanila. Oo, labis ang naging kapabayaan ninyo sa amin.

  At ngayon masdan, nais naming malaman ang dahilan ng labis na kapabayaang ito; oo, nais naming malaman ang dahilan ng inyong pabayang katayuan.

  Magagawa ba ninyong isiping umupo sa inyong mga luklukan sa kalagayan ng kapabayaan, samantalang ang inyong mga kaaway ay naghahasik ng gawa ng kamatayan sa inyong paligid? Oo, samantalang pinapaslang nila ang libu-libo sa inyong mga kapatid—

  Oo, maging sila na umaasa sa inyo ng pangangalaga, oo, inilagay kayo sa katayuan na maaari ninyo silang tulungan, oo, maaari sana ninyo silang padalhan ng mga hukbo, upang palakasin sila, at mailigtas ang libu-libo sa kanila mula sa kamatayan sa pamamagitan ng espada.

  Subalit masdan, hindi lamang ito—ipinagkait ninyo ang inyong mga pagkain sa kanila, hanggang sa marami ang nakipaglaban at ibinuwis ang kanilang mga buhay dahil sa kanilang mga taimtim na naisin na taglay nila para sa kapakanan ng mga taong ito; oo, at ginawa nila ito nang amamamatay na sana sila sa gutom, dahil sa inyong labis na kapabayaan sa kanila.

  10  At ngayon, mga minamahal kong kapatid—sapagkat nararapat kayong mga minamahal; oo, at nararapat sana ninyong pukawin ang inyong sarili nang higit na masigasig para sa kapakanan at sa kalayaan ng mga taong ito; subalit masdan, pinabayaan ninyo sila hanggang sa ang dugo ng libu-libo ay mapapataw sa inyong mga ulo sa paghihiganti; oo, sapagkat nalalaman ng Diyos ang lahat ng kanilang mga pagsusumamo, at lahat ng kanilang pagdurusa—

  11  Masdan, sa akala ba ninyo’y maaari kayong umupo sa inyong mga luklukan, at dahil sa labis na kabutihan ng Diyos ay wala na kayong gagawin pa at ililigtas niya kayo? Masdan, kung ito ang inaakala ninyo’y nag-aakala kayo nang walang saysay.

  12  Sa aakala ba ninyo, dahil sa napakarami sa inyong mga kapatid ang napatay ay dahil ito sa kanilang kasamaan? Sinasabi ko sa inyo, kung ito ang inaakala ninyo’y nag-aakala kayo nang walang saysay; sapagkat sinasabi ko sa inyo, marami ang bumagsak sa pamamagitan ng espada; at masdan ito ay tungo sa inyong pagkasumpa.

  13  Sapagkat pinahihintulutan ng Panginoon na mapatay ang amabubuti upang ang kanyang katarungan at kahatulan ay sumapit sa masasama; kaya nga hindi ninyo dapat na akalain na ang mabubuti ay itinakwil dahil sa napatay sila; subalit masdan, papasok sila sa kapahingahan ng Panginoon nilang Diyos.

  14  At ngayon masdan, sinasabi ko sa inyo, labis akong natatakot na ang mga kahatulan ng Diyos ay sumapit sa mga taong ito, dahil sa kanilang labis na katamaran, oo, maging ang katamaran ng ating pamahalaan, at ang labis na kapabayaan nila sa kanilang mga kapatid, oo, sa mga yaong napatay.

  15  Sapagkat kung hindi dahil sa akasamaan na unang nagsimula sa ating pinuno, ay nagapi na sana natin ang ating mga kaaway at hindi na sila nakakuha pa ng kapangyarihan laban sa atin.

  16  Oo, kung hindi lamang sa adigmaang sumiklab sa atin; oo, kung hindi lamang sa mga bking-men na ito, na pinagmulan ng maraming pagdanak ng dugo sa atin; oo, sa panahong naglalaban-laban tayo, kung pinagsama-sama natin ang ating lakas na tulad ng ating ginawa noon; oo, kung hindi lamang sa pagnanais ng kapangyarihan at karapatan na ginawa sa atin ng mga king-men na yaon; kung sila ay naging tapat sa layunin ng kalayaan, at nakiisa sa atin, at humarap sa ating mga kaaway, sa halip na humawak ng kanilang mga espada laban sa atin, na naging dahilan ng maraming pagdanak ng dugo sa atin; oo, kung sinalakay natin sila sa lakas ng Panginoon, ay naitaboy sana natin ang ating mga kaaway, sapagkat magaganap sana ito, alinsunod sa kaganapan ng kanyang salita.

  17  Subalit masdan, ngayon tayo ay sinasalakay ng mga Lamanita, sinasakop ang ating mga lupain, at pinapaslang nila ang ating mga tao sa pamamagitan ng espada, oo, ang ating kababaihan at ating mga anak, at dinadala rin silang mga bihag, ginagawang pahirapan sila ng lahat ng uri ng pagpapahirap, at ito ay dahil sa labis na kasamaan ng mga yaong naghahangad ng kapangyarihan at karapatan, oo, maging ang mga king-men na yaon.

  18  Subalit bakit pa ako mangungusap hinggil sa bagay na ito? Sapagkat hindi namin nalalaman kung kayo na rin ay naghahangad ng kapangyarihan. Hindi namin nalalaman kung kayo na rin ay mga taksil din sa inyong bayan.

  19  O pinabayaan ba ninyo kami dahil sa nasa gitna kayo ng ating bayan at kayo ay napaliligiran ng pananggalang, kung kaya’t hindi kayo nagpapadala ng pagkain sa amin, at gayon din ng mga tauhan upang palakasin ang aming mga hukbo?

  20  Nalimutan na ba ninyo ang mga kautusan ng Panginoon ninyong Diyos? Oo, nalimutan na ba ninyo ang pagkabihag ng ating mga ama? Nalimutan na ba ninyo na maraming ulit na iniligtas niya tayo mula sa mga kamay ng ating mga kaaway?

  21  O inaakala ninyong ililigtas pa rin tayo ng Panginoon, habang tayo ay nakaupo sa ating mga luklukan at hindi ginagamit ang mga pamamaraang inilaan para sa atin ng Panginoon?

  22  Oo, uupo ba kayo sa katamaran samantalang kayo ay napaliligiran ng libu-libong yaon, oo, at sampu-sampung libo, na nauupo rin sa katamaran, samantalang libu-libo ang nasa paligid sa mga hangganan ng lupain ang nagsisibagsak sa pamamagitan ng espada, oo, mga sugatan at duguan?

  23  Inaakala ba ninyong ituturing kayo ng Diyos na wala kayong kasalanan samantalang kayo ay nauupong walang kibo at minamasdan ang mga bagay na ito? Masdan sinasabi ko sa inyo, Hindi. Ngayon nais kong tandaan ninyo na sinabi ng Diyos na linisin muna ang apanloob na sisidlan, at sa gayon ay malilinis din ang panlabas na sisidlan.

  24  At ngayon, maliban kung kayo ay magsisisi sa yaong inyong ginawa, at magsimulang bumangon at magsikilos, at magpadala ng pagkain at mga tauhan sa amin, at gayon din kay Helaman, upang maitaguyod niya ang mga bahaging yaon ng ating bayan na nabawi niya, at nang mabawi rin ninyo ang nalalabi sa ating mga pag-aari sa mga bahaging ito, masdan, kapaki-pakinabang na hindi tayo makipaglaban pa sa mga Lamanita hanggang sa malinis muna natin ang ating panloob na sisidlan, oo, maging ang pinakamataas na pinuno ng ating pamahalaan.

  25  At maliban kung tanggapin ninyo ang aking liham, at lumabas at ipakita sa akin ang tunay na adiwa ng kalayaan, at magsikap na palakasin at patibayin ang aming mga hukbo, at magkaloob sa kanila ng pagkain para sa panustos nila, masdan mag-iiwan ako ng bahagi ng aking freemen upang pangalagaan ang bahaging ito ng ating lupain, at iiwanan ko ang lakas at mga pagbabasbas ng Diyos sa kanila, upang wala nang ibang kapangyarihan pa ang lumaganap laban sa kanila—

  26  At ito ay dahil sa kanilang labis na pananampalataya, at ng kanilang pagtitiis sa kanilang mga pagdurusa—

  27  At ako ay magtutungo sa inyo, at kung mayroon man sa inyo na naghahangad sa kalayaan, oo, kung mayroong kahit kislap ng kalayaang natitira, masdan, ako ay magpupukaw ng mga pag-aaklas sa inyo, maging hanggang sa ang mga yaong naghahangad na magnakaw ng kapangyarihan at karapatan ay malipol na.

  28  Oo, masdan, hindi ako natatakot sa kapangyarihan ni karapatan ninyo, kundi sa aking aDiyos ako natatakot; at ito ay alinsunod sa kanyang mga kautusan na gagamitin ko ang aking espada upang ipagtanggol ang layunin ng aking bayan, at ito ay dahil sa inyong kasamaan kung kaya’t kami ay nagdanas ng labis na kawalan.

  29  Masdan panahon na, oo, dumating na ang panahon, na maliban kung imumulat ninyo ang inyong sarili sa pagtatanggol sa inyong bayan at sa inyong mga musmos, ang aespada ng katarungan ay nakaumang sa ulunan ninyo; oo, at babagsak ito sa inyo at parurusahan kayo maging hanggang sa inyong ganap na pagkalipol.

  30  Masdan, ako ay naghihintay ng tulong mula sa inyo; at, maliban kung kikilos kayo sa hinaing namin, masdan, ako ay magtutungo sa inyo, maging sa lupain ng Zarahemla, at hahatawin kayo ng espada, hanggang sa kayo ay mawalan ng kapangyarihan na pigilin ang pag-unlad ng mga taong ito sa layunin ng ating kalayaan.

  31  Sapagkat masdan, hindi pahihintulutan ng Panginoon na mabuhay kayo at maging malakas sa inyong kasamaan upang lipulin ang kanyang mabubuting tao.

  32  Masdan, inaakala ba ninyo na ililigtas kayo ng Panginoon at lalabas sa paghahatol laban sa mga Lamanita, samantalang ang kaugalian ng kanilang mga ama ang dahilan ng kanilang poot, oo, at ito ay pinatindi ng mga yaong tumiwalag mula sa atin, samantalang ang kasamaan ninyo ay para sa layunin ng inyong pagmamahal sa kapangyarihan at sa mga walang kabuluhang bagay ng daigdig?

  33  Nalalaman ninyong nilalabag ninyo ang mga batas ng Diyos, at nalalaman ninyong niyuyurakan ninyo ang mga ito sa ilalim ng inyong mga paa. Masdan, sinabi ng Panginoon sa akin: Kung yaong mga hinirang ninyo na maging inyong mga gobernador ay hindi magsisisi ng kanilang mga kasalanan at kasamaan, ikaw ay aahon upang makidigma laban sa kanila.

  34  At ngayon masdan, ako, si Moroni, ay napipilitan, alinsunod sa tipang ginawa ko na susundin ang mga kautusan ng aking Diyos; anupa’t nais ko na kayo ay sumunod sa salita ng Diyos, at kaagad kayong magpadala sa akin ng inyong mga pagkain at inyong mga tauhan, at gayon din kay Helaman.

  35  At masdan, kung hindi ninyo gagawin ito ay mabilis akong magtutungo sa inyo; sapagkat masdan, hindi pahihintulutan ng Diyos na kami ay masawi dahil sa gutom; anupa’t siya ay magbibigay sa amin ng inyong pagkain, maging kung ito man ay sa pamamagitan ng espada. Ngayon tiyaking tinutupad ninyo ang salita ng Diyos.

  36  Masdan, ako si Moroni, ang inyong punong kapitan. Hindi ako anaghahangad ng kapangyarihan, kundi ang hatakin itong pababa. Hindi ako naghahangad ng papuri ng sanlibutan, kundi para sa kaluwalhatian ng aking Diyos, at ng kalayaan at kapakanan ng aking bayan. At sa gayon ko tinatapos ang aking liham.