KABANATA 18

Si Alma ay lihim na nangaral—Kanyang itinakda ang tipan ng pagbibinyag at nagbinyag sa mga tubig ng Mormon—Kanyang itinatag ang Simbahan ni Cristo at nag-orden ng mga saserdote—Kanilang tinustusan ang sarili at tinuruan ang mga tao—Si Alma at ang kanyang mga tao ay tumakas mula kay Haring Noe patungo sa ilang. Mga 147–145 B.C.

  At ngayon, ito ay nangyari na, na si Alma, na nakatakas mula sa mga tagapagsilbi ni haring Noe, ay anagsisi ng kanyang mga kasalanan at kasamaan, at humayo nang palihim sa mga tao, at nagsimulang ituro ang mga salita ni Abinadi—

  Oo, hinggil doon sa kung alin ay darating, at hinggil din sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, at ang apagtubos sa mga tao, na maisasakatuparan sa pamamagitan ng bkapangyarihan, at mga pagdurusa, at pagkamatay ni Cristo, at ang kanyang pagkabuhay na mag-uli at pag-akyat sa langit.

  At kasindami ng nakikinig sa kanyang salita ay tinuruan niya. At kanya silang tinuruan nang palihim, upang ito ay hindi makarating sa kaalaman ng hari. At marami ang naniwala sa kanyang mga salita.

  At ito ay nangyari na, na kasindami ng naniwala sa kanya ay nagsitungo sa isang alugar na tinawag na Mormon, matapos tanggapin ang pangalang iyon mula sa hari, na nasa mga hangganan ng lupain na pinamumugaran, sa mga kapanahunan o sa mga panahon, ng mababangis na hayop.

  Ngayon, sa Mormon ay may isang bukal ng dalisay na tubig, at dito nagtungo si Alma, doon sa malapit sa kasukalan ng maliliit na puno, kung saan niya itinatago ang sarili sa araw mula sa paghahanap ng hari.

  At ito ay nangyari na, na kasindami ng naniwala sa kanya ay nagtungo roon upang makinig sa kanyang mga salita.

  At ito ay nangyari na, na matapos ang maraming araw ay may di mumunting bilang ang nagtipong magkakasama sa lugar ng Mormon, upang makinig sa mga salita ni Alma. Oo, sama-samang nagtipong lahat ang naniniwala sa kanyang salita, upang makinig sa kanya. At sila ay atinuruan niya, at ipinangaral sa kanila ang pagsisisi, at pagtubos, at pananampalataya sa Panginoon.

  At ito ay nangyari na, na kanyang sinabi sa kanila: Masdan, narito ang mga tubig ng Mormon (sapagkat sa gayon ang mga yaon ay tinawag) at ngayon, yamang kayo ay anagnanais na lumapit sa bkawan ng Diyos, at matawag na kanyang mga tao, at cnahahandang magpasan ng pasanin ng isa’t isa, nang ang mga yaon ay gumaan.

  Oo, at nahahandang makidalamhati sa mga yaong nagdadalamhati, oo, at aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw, at tumayo bilang mga asaksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar kung saan kayo ay maaaring naroroon, maging hanggang kamatayan, nang kayo ay matubos ng Diyos, at mapabilang sa kanila sa bunang pagkabuhay na mag-uli, nang kayo ay magkaroon ng cbuhay na walang hanggan—

  10  Ngayon, sinasabi ko sa inyo, kung ito ang naisin ng inyong mga puso, ano ang mayroon kayo laban sa apagpapabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi sa harapan niya na kayo ay bnakikipagtipan sa kanya, na siya ay inyong paglilingkuran at susundin ang kanyang mga kautusan, nang kanyang ibuhos nang higit na masagana ang kanyang Espiritu sa inyo?

  11  At ngayon, nang marinig ng mga tao ang mga salitang ito, ipinalakpak nila ang kanilang mga kamay sa kagalakan, at nagbulalas: Ito ang mga naisin ng aming mga puso.

  12  At ngayon ito ay nangyari na, na kinuha ni Alma si Helam, siya na isa sa nauna, at nagtungo at tumayo sa tubig, at nagsumamo, sinasabing: O Panginoon, ibuhos ninyo ang inyong Espiritu sa inyong tagapaglingkod, nang kanyang magawa ang gawaing ito nang may kabanalan ng puso.

  13  At nang sabihin niya ang mga salitang ito, ang aEspiritu ng Panginoon ay napasakanya, at kanyang sinabi: Helam, bbinibinyagan kita, bilang may ckarapatan mula sa Pinakamakapangyarihang Diyos, bilang patotoo na ikaw ay nakikipagtipang maglilingkod sa kanya hanggang sa ikaw ay mamatay sa katawang mortal; at nawa ang Espiritu ng Panginoon ay ibuhos sa iyo; at nawa ay igawad niya sa iyo ang buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng dpagtubos ni Cristo, na kanyang inihanda mula pa sa epagkakatatag ng daigdig.

  14  At matapos sabihin ni Alma ang mga salitang ito, kapwa sina Alma at Helam ay analibing sa tubig; at sila ay tumayo at umahon mula sa tubig na nagagalak, sapagkat napuspos ng Espiritu.

  15  At muli, dinala ni Alma ang isa pa, at nagtungo sa ikalawang pagkakataon sa tubig, at bininyagan siya alinsunod sa nauna, lamang ay hindi niya inilubog na muli ang kanyang sarili sa tubig.

  16  At sa ganitong pamamaraan kanyang bininyagan ang bawat isa na nagtungo sa lugar ng Mormon; at sila ay may bilang na mga dalawang daan at apat na katao; oo, at sila ay abininyagan sa mga tubig ng Mormon, at napuspos ng bbiyaya ng Diyos.

  17  At sila ay tinawag na simbahan ng Diyos, o ang asimbahan ni Cristo, mula sa panahong yaon. At ito ay nangyari na, na sinuman ang nabinyagan sa pamamagitan ng kapangyarihan at karapatan ng Diyos ay idinagdag sa kanyang simbahan.

  18  At ito ay nangyari na, na si Alma, sapagkat may akarapatan mula sa Diyos, ay nag-orden ng mga saserdote; maging isang saserdote sa bawat limampu ng kanilang bilang ay kanyang inordenan na bmangaral sa kanila, at na turuan sila ng hinggil sa mga bagay na nauukol sa kaharian ng Diyos.

  19  At sila ay inutusan nila na sila ay walang dapat ituro maliban sa mga bagay na kanyang itinuro, at kung alin ay sinabi ng bibig ng mga banal na propeta.

  20  Oo, maging siya ay nag-utos sa kanila na wala silang dapat aipangaral maliban sa pagsisisi at pananampalataya sa Panginoon, na siyang tumubos sa kanyang mga tao.

  21  At sila ay inutusan niya na hindi nararapat na magkaroon ng apakikipag-alitan sa isa’t isa, sa halip sila ay tumingin sa biisang layunin, na may iisang pananampalataya at iisang binyag, na ang kanilang mga puso ay magkakasama sa cpagkakaisa at sa pag-ibig sa isa’t isa.

  22  At sa gayon niya sila inutusang mangaral. At sa gayon sila naging mga aanak ng Diyos.

  23  At sila ay inutusan niya na nararapat nilang sundin ang araw ng asabbath, at ito ay panatilihing banal, at gayundin, bawat araw sila ay nararapat magbigay-pasalamat sa Panginoon nilang Diyos.

  24  At sila ay kanya ring inutusan na ang mga saserdote na kanyang inordenan ay nararapat na agumawa sa pamamagitan ng sarili nilang mga kamay para sa kanilang panustos.

  25  At may isang araw na itinakda sa bawat linggo na nararapat silang magtipun-tipong magkakasama upang turuan ang mga tao, at upang asambahin ang Panginoon nilang Diyos, at gayundin, maging kasindalas ng kanilang kakayahan, ay tipunin ang kanilang sarili nang magkakasama.

  26  At ang mga saserdote ay hindi dapat umasa sa mga tao para sa kanilang panustos; kundi sa kanilang gawain sila ay tatanggap ng abiyaya ng Diyos, upang sila ay lumakas sa Espiritu, na may bkaalaman tungkol sa Diyos, nang sila ay makapagturo nang may kapangyarihan at karapatan mula sa Diyos.

  27  At muli, inutusan ni Alma na ang mga tao ng simbahan ay nararapat ibahagi ang kanilang kabuhayan, abawat isa alinsunod sa kung gaano ang nasa kanya; kung siya ay higit na nakasasagana ay nararapat siyang mamahagi nang sagana; at siya na mayroon subalit kakaunti, kaunti lamang ang hinihingi; at siya na wala ay nararapat na bigyan.

  28  At sa gayon dapat nilang ibahagi ang kanilang kabuhayan sa kanilang sariling kalooban at mabubuting layunin sa Diyos, at doon sa mga saserdote na nangangailangan, oo, at sa bawat hubad na taong nangangailangan.

  29  At ito ang sinabi niya sa kanila, bilang inutusan ng Diyos; at sila ay alumakad nang matwid sa harapan ng Diyos, bnagbabahagi sa isa’t isa kapwa pang-temporal at pang-espirituwal alinsunod sa kanilang mga pangangailangan at kanilang mga kakulangan.

  30  At ngayon ito ay nangyari na, na ang lahat ng ito ay naganap sa Mormon, oo, sa mga tubig ng Mormon, sa kagubatan na malapit sa mga tubig ng Mormon; oo, ang lugar ng Mormon, ang mga atubig ng Mormon, ang kagubatan ng Mormon, anong ganda nito sa mga mata nila na nakarating sa kaalaman ng kanilang Manunubos, oo, at labis silang pinagpala, sapagkat sila ay aawit ng papuri sa kanya magpakailanman.

  31  At ang mga bagay na ito ay naganap sa mga ahangganan ng lupain, upang ang mga yaon ay hindi makarating sa kaalaman ng hari.

  32  Ngunit masdan ito ay nangyari na, na ang hari, sapagkat natuklasan ang isang kilusan sa mga tao, ay isinugo ang kanyang mga tagapagsilbi upang sila ay manmanan. Kaya nga, sa araw na sila ay nagtitipong magkakasama upang makinig ng salita ng Panginoon sila ay natuklasan ng hari.

  33  At ngayon sinabi ng hari na pinupukaw ni Alma ang mga tao na maghimagsik laban sa kanya; samakatwid, ipinadala niya ang kanyang hukbo upang sila ay lipulin.

  34  At ito ay nangyari na, na si Alma at ang mga tao ng Panginoon ay abinigyang-babala tungkol sa pagdating ng hukbo ng hari; kaya nga, kinuha nila ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga mag-anak at lumisan patungo sa ilang.

  35  At sila ay may bilang na mga apat na raan at limampung katao.