KABANATA 27

Ipinagbawal ni Mosias ang pag-uusig at itinagubilin ang pagkakapantay-pantay—Hinangad na wasakin ng nakababatang Alma at ng apat na lalaking anak ni Mosias ang Simbahan—Nagpakita ang isang anghel at inutusan silang itigil ang kanilang masamang hakbangin—Napipi si Alma—Ang buong sangkatauhan ay kinakailangang isilang na muli upang makatamo ng kaligtasan—Si Alma at ang mga lalaking anak ni Mosias ay nagpahayag ng masayang balita. Mga 100–92 B.C.

  At ngayon ito ay nangyari na, na naging masidhi ang mga pag-uusig na ipinabata sa simbahan ng mga hindi naniniwala kung kaya’t nagsimulang bumulung-bulong ang simbahan, at dumaing sa kanilang mga pinuno hinggil sa bagay na yaon; at dumaing sila kay Alma. At idinulog ni Alma ang karaingan sa harapan ng kanilang hari, si Mosias. At si Mosias ay nakipagsanggunian sa kanyang mga saserdote.

  At ito ay nangyari na, na si haring Mosias ay nagpadala ng isang pahayag sa lahat ng dako ng lupain sa palibot na hindi dapat ausigin ng kahit na sinong hindi naniniwala ang sinuman sa mga yaong kasapi sa simbahan ng Diyos.

  At nagkaroon ng mahigpit na utos sa lahat ng simbahan na hindi dapat magkaroon ng mga pag-uusig sa kanila, na nararapat magkaroon ng apagkakapantay-pantay sa lahat ng tao;

  Na hindi nila nararapat hayaan ang kapalaluan ni ang pagkamapanghamak na gambalain ang kanilang akapayapaan; na dapat bpahalagahan ng bawat tao ang kanyang kapwa tulad sa kanyang sarili, gumagawa sa pamamagitan ng sarili nilang mga kamay para sa kanilang panustos.

  Oo, at ang lahat ng kanilang mga saserdote at guro ay nararapat na agumawa sa pamamagitan ng sarili nilang mga kamay para sa kanilang panustos, sa lahat ng pagkakataon maliban sa karamdaman, o sa malaking pangangailangan; at sa paggawa ng mga bagay na ito, sila ay nanagana sa bbiyaya ng Diyos.

  At nagsimulang muling magkaroon ng labis na kapayapaan sa lupain; at ang mga tao ay nagsimulang labis na dumami, at nagsimulang kumalat nang malawakan sa balat ng lupa, oo, sa hilaga at sa timog, sa silangan at sa kanluran, nagtatayo ng malalaking lunsod at nayon sa lahat ng sulok ng lupain.

  At dinalaw sila ng Panginoon at pinaunlad sila, at sila ay naging marami at mayayamang tao.

  Ngayon, ang mga anak na lalaki ni Mosias ay nabibilang sa mga hindi naniniwala; at gayon din, ang isa sa mga aanak na lalaki ni Alma ay nabilang sa kanila, siya na tinatawag na Alma alinsunod sa kanyang ama; gayon pa man, siya ay naging napakasama at isang lalaking bsumasamba sa mga diyus-diyusan. At siya ay isang lalaking bihasa sa pananalita, at nangusap siya ng maraming panghihibok sa mga tao; anupa’t naakay niya ang marami sa mga tao na gumawa alinsunod sa uri ng kanyang mga kasamaan.

  At siya ay naging isang malaking sagabal sa kaunlaran ng simbahan ng Diyos; ainaakay papalayo ang mga puso ng mga tao; nagiging dahilan ng maraming pagtatalo sa mga tao; nagbibigay ng pagkakataon sa kaaway ng Diyos na magamit ang kanyang kapangyarihan sa kanila.

  10  At ngayon ito ay nangyari na, na habang siya ay nagpapalibut-libot kanyang isinasagawa ang pagwasak sa simbahan ng Diyos, sapagkat siya ay lumibot nang palihim kasama ang mga anak ni Mosias na naghahangad na wasakin ang simbahan, at upang iligaw ang mga tao ng Panginoon, taliwas sa mga kautusan ng Diyos, o maging ng hari—

  11  At tulad ng aking sinabi sa inyo, habang sila ay nagpapalibut-libot at anaghihimagsik laban sa Diyos, masdan, ang banghel ng Panginoon ay cnagpakita sa kanila; at siya ay bumaba na waring nasa ulap; at siya ay nangusap na katulad ng tinig ng kulog, na naging dahilan upang mayanig ang lupang kanilang kinatatayuan;

  12  At labis ang kanilang panggigilalas, kung kaya’t bumagsak sila sa lupa, at hindi naunawaan ang mga salitang kanyang sinabi sa kanila.

  13  Gayon pa man sumigaw siyang muli, sinasabing: Alma, magbangon ka at tumindig, sapagkat bakit mo inuusig ang simbahan ng Diyos? Sapagkat sinabi ng Panginoon: aIto ay aking simbahan, at aking itatatag ito; at walang anumang makapagpapabagsak dito, maliban sa pagkakasala ng aking mga tao.

  14  At muli, sinabi ng anghel: Masdan, napakinggan ng Panginoon ang mga apanalangin ng kanyang mga tao, at gayon din ang mga panalangin ng kanyang tagapaglingkod na si Alma, na iyong ama; sapagkat nanalangin siya nang may labis na pananampalataya hinggil sa iyo na baka sakaling madala ka sa kaalaman ng katotohanan; anupa’t dahil sa layuning ito ako ay naparito upang papaniwalain ka sa kapangyarihan at karapatan ng Diyos, upang ang mga bpanalangin ng kanyang mga tagapaglingkod ay matugon alinsunod sa kanilang pananampalataya.

  15  At ngayon masdan, mag-aalinlangan ka pa ba sa kapangyarihan ng Diyos? Sapagkat masdan, hindi ba’t niyayanig ng aking tinig ang lupa? At hindi mo rin ba ako namamasdan sa iyong harapan? At ako ay isinugo mula sa Diyos.

  16  Ngayon sinabi ko sa inyo: Humayo, at alalahanin ang pagkakabihag ng inyong mga ama sa lupain ng Helam, at sa lupain ng Nephi; at pakatandaan kung gaano kadakila ang mga bagay na kanyang ginawa para sa kanila; sapagkat sila ay nasa pagkaalipin, at kanyang apinalaya sila. At ngayon sinasabi ko sa iyo, Alma, humayo ka sa iyong landas, at huwag nang muling hangarin pang wasakin ang simbahan, upang ang kanilang mga panalangin ay matugon, at ito ay kahit na nga ikaw sa iyong sarili ay itakwil.

  17  At ngayon ito ay nangyari na, na ito ang mga huling salitang sinabi ng anghel kay Alma, at siya ay lumisan.

  18  At ngayon, si Alma at ang yaong mga kasama niya ay muling nalugmok sa lupa, sapagkat labis ang kanilang panggigilalas; sapagkat sa pamamagitan ng kanilang sariling mga mata sila ay nakamalas ng isang anghel ng Panginoon; at ang kanyang tinig ay tulad ng kulog, na yumanig sa lupa; at alam nila na walang anumang bagay maliban sa kapangyarihan ng Diyos ang makapagpapayanig sa lupa at nagawa itong payanigin na parang ito ay mabibiyak.

  19  At ngayon, labis ang panggigilalas ni Alma kaya’t siya ay napipi, na hindi niya maibuka ang kanyang bibig; oo, at siya ay nanghina, maging sa hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay; kaya nga, siya ay kinuha ng kanyang mga kasama, at binuhat na nanghihina, maging hanggang sa siya ay ilapag sa harapan ng kanyang ama.

  20  At kanilang inilahad sa kanyang ama ang lahat ng nangyari sa kanila; at ang kanyang ama ay nagsaya, sapagkat nalalaman niya na ito ang kapangyarihan ng Diyos.

  21  At kanyang pinapangyaring sama-samang magtipon ang maraming tao upang masaksihan nila kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa kanyang anak, at gayon din sa mga kasama niya.

  22  At kanyang pinapangyari na sama-samang tipunin ng mga saserdote ang kanilang sarili na magkakasama; at sila ay nagsimulang mag-ayuno, at manalangin sa Panginoon nilang Diyos upang kanyang buksan ang bibig ni Alma, upang siya ay makapagsalita, at upang matanggap din ng kanyang mga bisig ang mga lakas nito—upang mabuksan ang mga mata ng mga tao nang makita at malaman ang kabutihan at kaluwalhatian ng Diyos.

  23  At ito ay nangyari na, na matapos silang mag-ayuno at manalangin sa loob ng dalawang araw at dalawang gabi, natanggap ng mga biyas ni Alma ang mga lakas nito, at siya ay tumindig at nagsimula siyang mangusap sa kanila, sinabihan silang magkaroon ng lakas ng loob:

  24  Sapagkat, sinabi niya, nagsisi na ako sa aking mga kasalanan, at atinubos ng Panginoon; masdan, isinilang ako sa espiritu.

  25  At sinabi sa akin ng Panginoon: Huwag manggilalas na ang buong sangkatauhan, oo, kalalakihan at kababaihan, lahat ng bansa, lahi, wika at tao, ay kinakailangang aisilang na muli; oo, isilang sa Diyos, bnagbago mula sa cmakamundo at pagkahulog na kalagayan, tungo sa kalagayan ng kabutihan, na tinubos ng Diyos, naging kanyang mga anak na lalaki at anak na babae;

  26  At sa gayon sila naging mga bagong nilikha; at maliban kung kanilang gagawin ito, ahindi nila mamamana sa anumang paraan ang kaharian ng Diyos.

  27  Sinasabi ko sa inyo, maliban sa ito ang maging kalagayan, ay kinakailangan silang itakwil; at ito ay nalalaman ko, sapagkat halos maitakwil ako.

  28  Gayon pa man, matapos dumanas ng maraming kahirapan, halos mamatay sa pagsisisi, sa awa ng Panginoon ay minarapat na agawin ako sa awalang hanggang pagniningas, at ako ay isinilang sa Diyos.

  29  Ang aking kaluluwa ay natubos mula sa kasukdulan ng kapaitan at mga gapos ng kasamaan. Ako ay nasa pinakamadilim na kailaliman noon; subalit ngayon namamasdan ko ang kagila-gilalas na liwanag ng Diyos. Ang aking kaluluwa ay apinahirapan ng walang hanggang parusa; subalit ako ay inagaw, at ang aking kaluluwa ay hindi na muling nagdusa.

  30  Itinakwil ko ang aking Manunubos, at tinanggihan ang mga yaong sinabi ng ating mga ama; subalit ngayon upang kanilang makini-kinita na siya ay paparito, at na kanyang naaalaala ang lahat ng nilalang na kanyang nilikha; ipakikita niya sa lahat ang kanyang sarili.

  31  Oo, ang abawat tuhod ay magsisiluhod, at ang bawat dila ay magtatapat sa kanyang harapan. Oo, maging sa huling araw, kapag lahat ng tao ay magsisitindig upang bhatulan niya, sa panahong yaon kanilang kikilalanin na siya ay Diyos; pagkatapos ay kikilalanin nila, na mga nabubuhay ng cwalang dini-Diyos sa daigdig, na ang kahatulan ng walang hanggang kaparusahan ay makatwiran para sa kanila; at sila ay mayayanig, at manginginig, at manliliit sa ilalim ng sulyap ng kanyang dlubusang mapanuring mata.

  32  At ngayon ito ay nangyari na, na simula sa panahong ito ay nagsimula nang magturo si Alma sa mga tao, at yaon ding mga kasama ni Alma sa panahong nagpakita sa kanila ang anghel, naglalakbay sa palibot ng buong lupain, naghahayag sa lahat ng tao ng mga bagay na kanilang narinig at nakita, at ipinangangaral ang salita ng Diyos sa labis na paghihirap, na labis na pinag-uusig ng yaong mga hindi naniniwala, na binabagabag ng marami sa kanila.

  33  Subalit sa kabila ng lahat ng ito, sila ay nakapagbigay ng labis na kasiyahan sa simbahan, pinagtitibay ang kanilang pananampalataya, at pinapayuhan sila nang may mahabang pagtitiis at labis na paghihirap upang sundin ang mga kautusan ng Diyos.

  34  At apat sa kanila ang mga aanak na lalaki ni Mosias; at ang kanilang mga pangalan ay Ammon, at Aaron, at Omner, at Himni; ito ang mga pangalan ng mga anak ni Mosias.

  35  At sila ay naglakbay sa lahat ng dako ng buong lupain ng Zarahemla, at sa lahat ng tao na nasa ilalim ng paghahari ni haring Mosias, buong sigasig na nagsusumikap na maisaayos ang lahat ng kapinsalaang kanilang nagawa sa simbahan, ipinagtatapat ang lahat ng kanilang kasalanan, at inihahayag ang lahat ng bagay na kanilang nakita, at ipinaliliwanag ang mga propesiya at banal na kasulatan sa lahat ng nagnanais na marinig ang mga ito.

  36  At sa gayon sila ay naging mga kasangkapan sa mga kamay ng Diyos sa pagdadala ng marami sa kaalaman ng katotohanan, oo, sa kaalaman ng kanilang Manunubos.

  37  At gaano sila pinagpala! Sapagkat sila ay anaghayag ng kapayapaan; sila ay naghayag ng bmabuting balita ng kabutihan; at kanilang sinabi sa mga tao na naghahari ang Panginoon.