BAHAGI 101

Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-16 ng Disyembre 1833 (History of the Church, 1:458–464). Sa panahong ito ang mga Banal na nagtipon sa Missouri ay dumaranas ng matinding pag-uusig. Ang mga manggugulo ay pinalayas sila mula sa kanilang mga tahanan sa Jackson County, at ang ilan sa mga Banal ay nagtangkang itatag ang kanilang sarili sa Van Buren County, subalit ang pag-uusig ay sumunod sa kanila. Ang pinakamalaking pangkat ng mga Banal ng panahong yaon ay nasa Clay County, Missouri. Mga pagbabanta ng kamatayan laban sa mga tao ng Simbahan ay marami. Ang mga tao ay nawalan ng mga kasangkapan sa bahay, kasuotan, mga hayop, at iba pang pansariling ari-arian; at marami sa kanilang mga pananim ang nawasak.

1–8, Ang mga Banal ay pinarusahan at pinahirapan dahil sa kanilang mga pagkakasala; 9–15, Ang galit ng Panginoon ay babagsak sa mga bansa, subalit ang kanyang mga tao ay titipunin at aaliwin; 16–21, Ang Sion at ang kanyang mga istaka ay itatatag; 22–31, Ang uri ng buhay sa panahon ng Milenyo ay ipinahayag; 32–42, Ang mga Banal ay pagpapalain at gagantimpalaan sa panahong ito; 43–62, Ang talinghaga ng taong maharlika at ng mga puno ng olibo ay sumasagisag sa mga kaguluhan at ang pagkakatubos ng Sion sa huli; 63–75, Ang mga Banal ay kailangang magpatuloy sa pagtitipun-tipon; 76–80, Itinatag ng Panginoon ang Saligang-batas ng Estados Unidos; 81–101, Ang mga Banal ay kailangang magsumamo sa tuwina para sa pagbibigay-lunas ng mga karaingan, alinsunod sa talinghaga ng babae at ng hindi makatarungang hukom.

  KATOTOHANANG sinasabi ko sa iyo, hinggil sa iyong mga kapatid na pinahirapan, at ainusig, at bpinalayas mula sa lupain na kanilang mana—

  Ako, ang Panginoon, ay hinayaan ang apaghihirap na dumating sa kanila, kung saan sila ay pinahirapan, bilang bunga ng kanilang mga bpaglabag;

  Gayunpaman aariin ko sila, at sila ay magiging aakin sa araw na yaon kung kailan ako paparito upang buuin ang aking mga alahas.

  Kaya nga, sila ay talagang kinakailangang aparusahan at subukan, maging gaya ni bAbraham, na inutusang ialay ang kanyang nag-iisang anak na lalaki.

  Sapagkat lahat ng yaong hindi makatitiis ng pagpaparusa, sa halip aitinatatwa ako, ay hindi bmapababanal.

  Masdan, sinasabi ko sa iyo, may mga pagsasalungatan, at mga apagtatalu-talo, at mga binggitan, at mga alitan, at cmahalay at mapag-imbot na mga pagnanasa sa kanila; samakatwid sa pamamagitan ng mga bagay na ito ay dinumihan nila ang kanilang mga mana.

  Sila ay mabagal sa apagdinig sa tinig ng Panginoon nilang Diyos; kaya nga, ang Panginoon nilang Diyos ay mabagal sa pagdinig sa kanilang mga panalangin, sa pagsagot sa kanila sa araw ng kanilang suliranin.

  Sa araw ng kanilang kapayapaan ay hindi gaano nilang pinahalagahan ang aking payo; subalit, sa araw ng kanilang akaguluhan, dahil sa pangangailangan ay binaapuhap nila ako.

  Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa kabila ng kanilang mga kasalanan, ang aking kalooban ay napupuspos ng apagkahabag sa kanila. Hindi ko sila ganap na bitatakwil; at sa araw ng cpagkapoot aking maaalaala ang awa.

  10  Aking isinumpa, at ang utos ay lumabas na sa naunang kautusan na aking ibinigay sa iyo, na aking pababagsakin ang aespada ng aking galit para sa kapakanan ng aking mga tao; at maging gaya ng aking sinabi, ito ay mangyayari.

  11  Ang aking galit ay malapit nang ibuhos nang walang sukat sa lahat ng bansa; at ito ay aking gagawin kapag ang saro ng kanilang mga kasamaan ay apuno na.

  12  At sa araw na iyon lahat ng matatagpuan sa atore, o sa ibang salita, lahat ng aking Israel, ay maliligtas.

  13  At sila na ikinalat ay atitipunin.

  14  At lahat sila na anagdalamhati ay aaliwin.

  15  At lahat sila na nagbigay ng kanilang abuhay para sa aking pangalan ay puputungan.

  16  Kaya nga, maaliw sa inyong mga puso hinggil sa Sion; sapagkat lahat ng laman ay nasa aking mga akamay; mapanatag at bmalaman na ako ang Diyos.

  17  Ang aSion ay hindi matitinag sa kanyang kinaroroonan, sa kabila ng ang kanyang mga anak ay nakakalat.

  18  Sila na naiwan, at dalisay ang puso, ay babalik, at babalik sa kanilang mga amana, sila at ang kanilang mga anak, na may mga bawit ng walang hanggang kagalakan, upang citayo ang sira-sirang lugar ng Sion—

  19  At lahat ng bagay na ito upang ang mga propeta ay matupad.

  20  At, masdan, wala nang iba pang alugar na itinakda maliban sa yaon na aking itinakda; ni may iba pang lugar na itatakda maliban sa yaon na aking itinakda, para sa gawain ng pagtitipon ng aking mga banal—

  21  Hanggang sa dumating ang araw na wala nang matatagpuang lugar para sa kanila; at sa panahong ito ako ay may iba pang mga lugar na aking itatakda para sa kanila, at sila ay tatawaging mga aistaka, para sa mga tabing o lakas ng Sion.

  22  Masdan, aking kalooban, na lahat sila na tumatawag sa aking pangalan, at sinasamba ako alinsunod sa aking walang hanggang ebanghelyo, ay dapat na sama-samang amagtipon, at btumayo sa mga banal na lugar;

  23  At maghanda para sa paghahayag na darating, kapag ang atabing ng panakip ng aking templo, sa aking tabernakulo, na nagtatago sa lupa, ay aalisin, at lahat ng laman ay bmakikita ako nang sabay-sabay.

  24  At lahat ng anabubulok na bagay, maging ng tao, o ng mga hayop sa parang, o ng mga ibon sa langit, o ng mga isda sa dagat, na naninirahan sa balat ng lupa, ay bmauubos;

  25  At gayon din yaong sa elemento ay amatutunaw sa matinding init; at lahat ng bagay ay magiging bbago, upang ang aking kaalaman at ckaluwalhatian ay maaaring manatili sa buong mundo.

  26  At sa araw na yaon ang apag-aalitan ng tao, at ang pag-aalitan ng mga hayop, oo, ang pag-aalitan ng lahat ng laman, ay bmatitigil mula sa harapan ng aking mukha.

  27  At sa araw na iyon anuman ang hilingin ng sinumang tao, ito ay ipagkakaloob sa kanya.

  28  At sa araw na iyon si aSatanas ay walang kapangyarihan upang tuksuhin ang sinumang tao.

  29  At wala nang akalungkutan dahil walang kamatayan.

  30  Sa araw na iyon ang isang asanggol ay hindi mamamatay hanggang sa siya ay matanda na; at ang kanyang buhay ay magiging gaya sa gulang ng isang puno;

  31  At kapag siya ay namatay siya ay hindi matutulog, ibig sabihin ay sa lupa, kundi amababago sa isang kisap-mata, at baagawin, at ang kanyang pamamahinga ay magiging maluwalhati.

  32  Oo, katotohanang sinasabi ko sa inyo, sa aaraw na iyon kapag ang Panginoon ay pumarito, bihahayag niya ang lahat ng bagay—

  33  Mga bagay na nakalipas, at mga anakatagong bagay na walang sinuman ang nakaaalam, mga bagay sa lupa, kung paano ito nagawa, at ang layunin at ang pakay nito—

  34  Mga bagay na labis na mahalaga, mga bagay na nasa itaas, at mga bagay na nasa ilalim, mga bagay na nasa lupa, at sa ibabaw ng lupa, at nasa langit.

  35  At lahat sila na nagdusa ng apag-uusig para sa aking pangalan, at nagtiis sa pananampalataya, bagaman sila ay tinawag na ialay ang kanilang mga buhay para sa aking bkapakanan gayunpaman sila ay makababahagi ng lahat ng kaluwalhatiang ito.

  36  Dahil dito, huwag matakot maging sa akamatayan; sapagkat sa daigdig na ito ang inyong kagalakan ay hindi lubos, subalit sa akin ang inyong bkagalakan ay lubos.

  37  Kaya nga, huwag intindihin ang katawan, ni ang buhay ng katawan; sa halip intindihin ang akaluluwa, at ang buhay ng kaluluwa.

  38  At ahanapin ang mukha ng Panginoon tuwina, upang sa bpagtitiyaga ay maaari ninyong matamo ang inyong mga kaluluwa, at kayo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

  39  Kapag ang mga tao ay tinawag sa aking awalang hanggang ebanghelyo, at nakipagtipan na may walang hanggang tipan, sila ay ituturing bilang basin ng lupa at lasa ng mga tao;

  40  Sila ay tinawag na maging lasa ng mga tao; kaya nga, kung yaong asin ng lupa ay mawawalan ng lasa, masdan, ito magbuhat ngayon ay wala nang ano pa mang kabuluhan kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.

  41  Masdan, narito ang karunungan hinggil sa mga anak ng Sion, maging marami, subalit hindi lahat; sila ay natagpuang mga lumalabag, kaya nga sila ay talagang kinakailangang aparusahan

  42  Siya na adumadakila sa kanyang sarili ay ibababa, at siya na bnagbababa sa kanyang sarili ay dadakilain.

  43  At ngayon, ipakikita ko sa inyo ang isang talinghaga, upang inyong malaman ang aking kalooban hinggil sa pagtubos ng Sion.

  44  May isang taong amaharlika na may isang pirasong lupa, piling-pili; at kanyang sinabi sa kanyang mga tagapaglingkod: Humayo kayo sa aking bubasan, maging hanggang sa bahaging ito ng lupa, at magtanim ng labindalawang puno ng olibo;

  45  At maglagay ng mga abantay sa palibot nila, at magtayo ng tore, upang ang isa ay matunghayan ang lupain na nasa palibot, upang maging isang bantay sa tore, upang ang aking puno ng olibo ay hindi masira kapag ang kaaway ay dumating upang sirain at kunin ang bunga ng aking ubasan.

  46  Ngayon, ang mga tagapaglingkod ng taong maharlika ay humayo at gumawa gaya ng ipinag-utos sa kanila ng kanilang panginoon, at nagtanim ng mga puno ng olibo, at nagtayo ng bakod sa palibot, at naglagay ng mga bantay, at nagsimulang magtayo ng tore.

  47  At habang sila ay nagtatayo pa lamang ng saligan nito, sila ay nagsimulang magsabi sa kani-kanilang sarili: At ano ang paggagamitan ng aking panginoon sa toreng ito?

  48  At nagsanggunian sa mahabang panahon, sinasabi sa kanilang sarili: Ano ang paggagamitan ng aking panginoon sa toreng ito, nakikitang ngayon ay panahon ng kapayapaan?

  49  Hindi kaya maaaring ibigay ang salaping ito sa mga nagpapalit? Sapagkat walang paggagamitan ang bagay na ito.

  50  At habang sila ay nagkikipagtalo sa isa’t isa sila ay naging napakatatamad, at hindi na sila nakinig sa mga utos ng kanilang panginoon.

  51  At ang kaaway ay dumating ng gabi, at sinira ang abakod; at ang mga tagapaglingkod ng taong maharlika ay tumayo at mga natakot, at tumakas; at winasak ng kaaway ang kanilang mga ginawa, at sinira ang mga puno ng olibo.

  52  Ngayon, masdan, ang taong maharlika, ang panginoon ng ubasan, ay tinawag ang kanyang mga tagapaglingkod, at sinabi sa kanila, Bakit! ano ang dahilan ng labis na kasamaang ito?

  53  Hindi ba nararapat na ginawa ninyo ang gaya ng aking ipinag-utos sa inyo, at—pagkaraang inyong tamnan ang ubasan, at itinayo ang bakod sa palibot, at naglagay ng mga bantay sa mga pader niyon—magtayo rin ng tore, at maglagay ng bantay sa tore, at bantayan ang aking ubasan, at hindi nakatulog, at baka dumating ang kaaway sa inyo?

  54  At masdan, ang bantay sa tore ay makikita ang kaaway samantalang sila ay malayo pa; at pagkatapos kayo ay maaaring nakapaghanda at napigil ang kaaway sa pagsira ng bakod doon, at nailigtas ang aking ubasan mula sa mga kamay ng mangwawasak.

  55  At sinabi ng panginoon ng ubasan sa isa niyang mga tagapaglingkod: Humayo at sama-samang tipunin ang natira sa aking mga tagapaglingkod, at dalhin ang alahat ng lakas ng aking sambahayan, na siyang aking mga mandirigma, ang aking mga kabataang lalaki, at sila na nasa katanghaliang-gulang din sa lahat ng aking tagapaglingkod, na siyang lakas ng aking sambahayan, maliban sa yaon na aking itinalaga lamang na manatili;

  56  At magtungo ka kaagad sa lupain ng aking ubasan, at tubusin ang aking ubasan; sapagkat ito ay akin; binili ko ito ng salapi.

  57  Kaya nga, magtungo ka kaagad sa aking lupain; sirain ang mga bakod ng aking mga kaaway; gibain ang kanilang tore, at ikalat ang kanilang mga bantay.

  58  At yayamang sila ay sama-samang nagtitipon laban sa inyo, aipaghiganti ako sa aking mga kaaway, upang maya-maya ako ay makatungo kasama ng mga natira sa aking sambahayan at angkinin ang lupain.

  59  At sinabi ng tagapaglingkod sa kanyang panginoon: Kailan mangyayari ang mga bagay na ito?

  60  At kanyang sinabi sa kanyang tagapaglingkod: Kapag aking niloob; humayo ka kaagad, at gawin ang lahat ng bagay anuman ang aking ipinag-utos sa iyo;

  61  At ito ang aking magiging tatak at pagpapala sa iyo—isang matapat at amatalinong katiwala sa gitna ng aking sambahayan, isang btagapamahala sa aking kaharian.

  62  At ang kanyang tagapaglingkod ay nagtungo kaagad, at ginawa ang lahat ng bagay anuman ang ipinag-utos ng kanyang panginoon sa kanya; at apagkaraan ng maraming araw ang lahat ng bagay ay natupad.

  63  Muli, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ipakikita ko sa inyo ang karunungan sa akin hinggil sa lahat ng simbahan, yayamang sila ay nakahandang maakay sa tama at wastong pamamaraan para sa kanilang kaligtasan—

  64  Upang ang gawain ng pagtitipong magkakasama ng aking mga banal ay magpatuloy, upang akin silang maitayo sa aking pangalan sa mga abanal na lugar; sapagkat ang panahon ng bpag-aani ay dumating na, at ang aking salita ay talagang kinakailangang cmatupad.

  65  Kaya nga, kailangan kong tipuning magkakasama ang aking mga tao, alinsunod sa talinghaga ng trigo at ng mga aagingay, upang ang trigo ay maging ligtas sa mga bangan upang matamo ang buhay na walang hanggan, at maputungan ng bkaluwalhatiang selestiyal, kapag ako ay paparoon sa kaharian ng aking Ama upang gantimpalaan ang bawat tao alinsunod sa gawaing kanyang ginawa;

  66  Samantalang ang mga agingay ay itatali ng bungkus-bungkos, at ang kanilang mga gapos ay titibayan, upang sila ay amasunog ng hindi maapulang apoy.

  67  Kaya nga, isang kautusan ang aking ibinibigay sa buong simbahan, na sila ay magpapatuloy na magtipong sama-sama sa mga lugar na aking itinakda.

  68  Gayunman, gaya ng aking sinabi sa inyo sa naunang kautusan, huwag maging madalian sa inyong apagtitipon, ni sa pagtakas; kundi ihanda ang lahat ng bagay sa inyo.

  69  At upang ang lahat ng bagay ay maihanda sa inyo, tuparin ang kautusang aking ibinigay hinggil sa mga bagay na ito—

  70  Na nagsasabi, o nagtuturo, na bilhin ang lahat ng lupain ng salapi, na maaaring abilhin ng salapi, sa dako sa paligid ng lupain na aking itinakda na maging lupain ng Sion, para sa pagsisimula ng pagtitipon ng aking mga banal;

  71  Lahat ng lupain na maaaring bilhin sa Jackson County, at ang mga county sa paligid, at iwanan ang natira sa aking kamay.

  72  Ngayon, katotohanang sinasabi ko sa inyo, tipunin ng buong simbahan ang lahat ng kanilang salapi; gawin ang lahat ng bagay na ito sa kanilang panahon, subalit hindi nang amadalian; at pag-aralan na maihanda ang lahat ng bagay sa inyo.

  73  At ang mararangal na tao ay italaga, maging ang matatalinong tao, at isugo sila upang bilhin ang mga lupaing ito.

  74  At ang mga simbahan sa silangang mga bansa, kapag sila ay naitayo na, kung sila ay makikinig sa payong ito sila ay makabibili ng mga lupain at titipuning sama-sama sa kanila; at sa ganitong pamamaraan maaari nilang maitatag ang Sion.

  75  Mayroon na maging ngayon ng naitabing sapat, oo, maging ng sagana, upang tubusin ang Sion, at itatag ang kanyang mga nasirang lugar, hindi na muling maibabagsak, sapagkat ang mga simbahan, na tinatawag ang kanilang sarili alinsunod sa aking pangalan, ay anakahandang makinig sa aking tinig.

  76  At muli aking sinasabi sa inyo, yaong mga ikinalat ng kanilang mga kaaway, aking kalooban na sila ay dapat na magpatuloy na magsumamo para sa bayad-pinsala, at matubos, sa pamamagitan ng mga kamay ng mga yaong inilagay bilang mga tagapamahala at may kapangyarihan sa inyo—

  77  Alinsunod sa mga batas at asaligang-batas ng mga tao, na aking pinahintulutang maitatag, at dapat na panatilihin para sa mga bkarapatan at kaligtasan ng lahat ng laman, alinsunod sa matwid at banal na mga alituntunin;

  78  Nang ang bawat tao ay makakilos sa doktrina at alituntunin na nauukol sa hinaharap, alinsunod sa moral na akalayaan sa pagpili na aking ibinigay sa kanya, upang ang bawat tao ay bmanagot sa kanyang sariling mga kasalanan sa araw ng cpaghuhukom.

  79  Samakatwid, hindi tama na ang sinuman ay nasa gapos ng isa’t isa.

  80  At dahil sa layuning ito aking itinatag ang aSaligang-batas ng lupaing ito, sa pamamagitan ng kamay ng matatalinong tao na aking ibinangon sa tanging layuning ito, at tinubos ang lupain sa pamamagitan ng bpagdanak ng dugo.

  81  Ngayon, sa ano ko ihahalintulad ang mga anak ng Sion? Akin silang ihahalintulad sa atalinghaga ng babae at ng hindi matwid na hukom, sapagkat ang mga tao ay nararapat na tuwinang bmanalangin at hindi manghinawa, na nagsasabing—

  82  May isang hukom sa isang lunsod na hindi natatakot sa Diyos, ni isinasaalang-alang ang tao.

  83  At may isang balong babae sa lunsod na iyon, at siya ay nagtungo sa kanya, nagsasabing: Ipaghiganti mo ako sa aking kaaway.

  84  At ayaw niya noong una, subalit pagkatapos ay sinabi niya sa kanyang sarili: Bagaman hindi ako natatakot sa Diyos, ni nagsasaalang-alang sa tao, gayunpaman dahil ang balong ito ay ginagambala ako akin siyang ipaghihiganti, na baka sa kanyang patuloy na paglapit pagurin niya ako.

  85  Sa gayon ko ihahalintulad ang mga anak ng Sion.

  86  Magsumamo sila sa paanan ng hukom;

  87  At kung hindi niya sila intindihin, magsumamo sila sa paanan ng gobernador;

  88  At kung hindi sila intindihin ng gobernador, magsumamo sila sa paanan ng pangulo;

  89  At kung hindi sila intindihin ng pangulo, sa gayon ang Panginoon ay babangon at lalabas mula sa kanyang apinagtataguang lugar, at sa kanyang matinding galit ay gagambalain ang bansa;

  90  At sa kanyang mainit na pagkayamot, at sa kanyang matinding galit, sa kanyang panahon, ay iwawaksi yaong masasama, hindi tapat, at hindi matwid na mga akatiwala, at itatakda sa kanila ang kanilang bahagi kasama ng mga mapagkunwari, at bhindi naniniwala;

  91  Maging sa labas na kadiliman, kung saan may apagtatangis, at pananaghoy, at pagngangalit ng mga ngipin.

  92  Manalangin kayo, samakatwid, upang ang kanilang mga tainga ay mabuksan sa inyong mga pagsusumamo, upang ako ay maging amaawain sa kanila, upang ang mga bagay na ito ay hindi sumapit sa kanila.

  93  Ano man ang sinabi ko sa inyo ay talagang kinakailangang mangyari, upang ang lahat ng tao ay maiwang walang adahilan;

  94  Upang ang matatalinong tao at tagapamahala ay marinig at malaman yaong hindi nila kailanman aisinaalang-alang;

  95  Upang ako ay makapagpatuloy na maisakatuparan ang aking gawa, ang aking akakaibang gawa, at isakatuparan ang aking gawain, ang aking kakaibang gawain, upang bmakilala ng mga tao ang mabuti at ang masama, wika ng inyong Diyos.

  96  At muli, sinasabi ko sa inyo, salungat sa aking kautusan at sa aking kalooban na ang aking tagapaglingkod na si Sidney Gilbert ay dapat ipagbili ang aking akamalig, na aking itinalaga sa aking mga tao, sa mga kamay ng aking mga kaaway.

  97  Huwag hayaan na yaong aking itinalaga ay dumihan ng aking mga kaaway, sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng mga yaong atinatawag ang kanilang sarili alinsunod sa aking pangalan;

  98  Sapagkat ito ay isang matindi at mabigat na kasalanan laban sa akin, at laban sa aking mga tao, bilang bunga ng yaong mga bagay na aking iniutos at hindi magtatagal ay sasapit sa mga bansa.

  99  Samakatwid, ito ang kalooban ko na ang aking mga tao ay dapat umangkin, at mag-angkin sa yaon na aking itinalaga sa kanila, bagaman hindi sila dapat pahintulutang manirahan doon.

  100  Gayunman, hindi ko sinasabi na hindi sila makapaninirahan doon; sapagkat yayamang sila ay nagdadala ng bunga at mga gawang nararapat para sa aking kaharian sila ay makapaninirahan doon.

  101  Sila ay magtatayo, at hindi ito amamanahin ng iba; sila ay magtatanim ng mga ubasan, at kanilang kakainin ang bunga niyon. Maging gayon nga. Amen.