Mga Banal na Kasulatan
Ang Doktrina at mga Tipan 119


Bahagi 119

Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, ika-8 ng Hulyo 1838, bilang kasagutan sa kanyang pagsusumamo: “O Panginoon! Ipakita ninyo sa inyong tagapaglingkod kung gaano ang inyong kakailanganin sa mga ari-arian ng inyong mga tao para sa ikapu” (History of the Church, 3:44). Ang batas ng ikapu, gaya ng pagkakaunawa ngayon, ay hindi pa ibinibigay sa Simbahan bago pa sa paghahayag na ito. Ang salitang ikapu sa panalanging nabanggit at sa mga naunang paghahayag (64:23; 85:3; 97:11) ay hindi nangangahulugan ng ikasampung bahagi lamang, subalit lahat ng bukal sa loob na mga handog, o abuloy, para sa pondo ng Simbahan. Ang Panginoon ay nagbigay na noong una pa sa Simbahan ng batas ng paglalaan at pangangasiwa ng ari-arian, kung saan ang mga kasapi (karamihan ay mga pangunahing elder) ay pumasok sa pamamagitan ng isang tipan na magiging walang katapusan. Dahil sa kabiguan ng marami na masunod ang tipang ito, kinuha ito ng Panginoon pansamantala at sa halip ay ibinigay ang batas ng ikapu sa buong Simbahan. Tinanong ng Propeta ang Panginoon kung gaano sa kanilang ari-arian ang kakailanganin para sa mga banal na layunin. Ang paghahayag na ito ang kasagutan.

1–5, Ang mga Banal ay magbabayad ng kanilang labis na ari-arian at pagkatapos ay magbibigay, bilang ikapu, ng ikasampung bahagi ng kanilang tubo taun-taon; 6–7, Ang pamamaraang ito ay magpapabanal sa lupain ng Sion.

1 Katotohanan, ganito ang wika ng Panginoon, kinakailangan ko ang lahat ng kanilang alabis na ari-arian upang ilagay sa mga kamay ng obispo ng aking simbahan sa Sion,

2 Para sa pagtatayo ng aking abahay, at para sa pagtatatag ng saligan ng Sion at para sa pagkasaserdote, at para sa mga pagkakautang ng Panguluhan ng aking Simbahan.

3 At ito ang magiging pasimula ng pagbibigay ng aikapu ng aking mga tao.

4 At pagkatapos nito, yaong mga hiningan ng ikapu ay magbabayad ng ikasampung bahagi ng lahat ng kanilang tinubo taun-taon; at ito ay mananatiling batas sa kanila magpakailaman, para sa aking banal na pagkasaserdote, wika ng Panginoon.

5 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ito ay mangyayari na ang lahat ng yaong natitipon sa lupain ng aSion ay hihingan ng ikapu ng kanilang labis na ari-arian, at tutuparin ang batas na ito, o sila ay hindi masusumpungang karapat-dapat na mamalagi sa inyo.

6 At sinasabi ko sa inyo, kung ang aking mga tao ay hindi susunod sa batas na ito, na pananatilihin itong banal, at sa pamamagitan ng batas na ito gawing banal ang lupain ng aSion sa akin, nang ang aking mga batas at ang aking mga paghuhukom ay mapanatili roon, nang ito ay maging lubos na banal, masdan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ito ay hindi magiging lupain ng Sion sa inyo.

7 At ito ay magiging isang halimbawa sa lahat ng aistaka ng Sion. Maging gayon nga. Amen.