BAHAGI 59

Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Sion, Jackson County, Missouri, ika-7 ng Agosto 1831 (History of the Church, 1:196–201). Nauna sa kanyang talaan ng paghahayag na ito, ang Propeta ay nagsusulat nang naglalarawan ng lupain ng Sion, kung saan ang mga tao noon ay nagkatipun-tipon. Ang lupain ay inilaan, tulad ng iniutos ng Panginoon, at ang lugar para sa itatayong templo ay inilaan. Ginawa ng Panginoon ang mga kautusang ito na sadyang naaangkop sa mga Banal sa Sion.

1–4, Ang matatapat na Banal sa Sion ay pagpapalain; 5–8, Kailangan nilang mahalin at paglingkuran ang Panginoon at sundin ang kanyang mga kautusan; 9–19, Sa pamamagitan ng pagpapanatiling banal sa araw ng Panginoon, ang mga Banal ay pagpapalain sa temporal at espirituwal; 20–24, Ang mabubuti ay pinangakuan ng kapayapaan sa daigdig na ito at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating.

  MASDAN, pinagpala, wika ng Panginoon, sila na nagtungo sa lupaing ito na ang amata ay nakatuon sa aking kaluwalhatian, alinsunod sa aking mga kautusan.

  Sa mga yaong nabubuhay ay amamanahin ang lupa, at yaong mga bnamamatay ay mamamahinga mula sa lahat ng kanilang gawain, at ang kanilang mga gawa ay susunod sa kanila; at sila ay makatatanggap ng cputong sa mga dmansiyon ng aking Ama, na aking inihanda para sa kanila.

  Oo, pinagpala sila na kung kaninong mga paa ay nakatindig sa lupain ng Sion, na sumunod sa aking ebanghelyo; sapagkat kanilang tatanggapin bilang kanilang gantimpala ang mabubuting bagay ng lupa, at ito ay magbubunga sa kanyang akasaganahan.

  At sila rin ay puputungan ng mga pagpapala mula sa itaas, oo, at ng mga kautusang hindi kakaunti, at ng mga apaghahayag sa kanilang panahon—sila na bmatatapat at cmasisigasig sa harapan ko.

  Dahil dito, binibigyan ko sila ng isang kautusan, nagsasabi nang ganito: aIbigin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos nang buo ninyong bpuso, nang buo ninyong kapangyarihan, pag-iisip, at lakas; at sa pangalan ni Jesucristo cpaglingkuran ninyo siya.

  Ibigin ninyo ang inyong akapwa gaya ng sa inyong sarili. Huwag kayong bmagnakaw; ni cmakiapid, ni dpumatay, ni gumawa ng anumang bagay tulad nito.

  aPasalamatan ninyo ang Panginoon ninyong Diyos sa lahat ng bagay.

  Maghandog kayo ng ahain sa Panginoon ninyong Diyos sa bkabutihan, maging yaong may bagbag na puso at cnagsisising espiritu.

  At upang lalo pa ninyong mapag-ingatan ang inyong sariling awalang bahid-dungis mula sa sanlibutan, kayo ay magtungo sa palanginan at ihandog ang inyong sakramento sa aking bbanal na araw;

  10  Sapagkat katotohanang ito ay araw na itinakda sa inyo upang magpahinga mula sa inyong mga gawain, at aiukol ang inyong mga pananalangin sa Kataas-taasan;

  11  Gayunman ang inyong mga panata ay iaalay sa kabutihan sa lahat ng araw at sa lahat ng panahon;

  12  Subalit tandaan na dito, sa araw ng Panginoon, inyong iaalay ang inyong mga ahandog at ang inyong mga sakramento sa Kataas-taasan, bipinagtatapat ang inyong mga kasalanan sa inyong mga kapatid at sa harapan ng Panginoon.

  13  At sa araw na ito wala kayong iba pang bagay na gagawin, kundi ihanda ang inyong pagkain nang may katapatan ng puso upang ang inyong apag-aayuno ay maging ganap, o, sa madaling salita, upang ang inyong bkagalakan ay malubos.

  14  Katotohanan, ito ay pag-aayuno at pananalangin, o sa madaling salita, kagalakan at panalangin.

  15  At yayamang ginagawa mo ang mga bagay na ito nang may apasasalamat, nang may bmaligayang mga cpuso at mukha, hindi nang may labis na dtawanan, sapagkat ito ay kasalanan, kundi may masayang puso at maligayang mukha—

  16  Katotohanang sinasabi ko, na yayamang ginagawa ninyo ito, ang kabuuan ng mundo ay sa inyo, ang mga hayop sa parang at ang mga ibon sa himpapawid, at yaong umaakyat sa mga puno at lumalakad sa lupa;

  17  Oo, at ang damo, at ang mabubuting bagay na nanggagaling sa lupa, maging para sa pagkain o para sa kasuotan, o para sa mga bahay, o para sa mga kamalig, o para sa mga taniman, o para sa mga halamanan, o para sa mga ubasan;

  18  Oo, lahat ng bagay na nanggagaling sa alupa, sa panahon niyon, ay ginawa para sa kapakinabangan at gamit ng tao, kapwa upang makalugod sa mata at upang pasiglahin ang puso;

  19  Oo, para sa pagkain at para sa kasuotan, para sa panlasa at para sa pang-amoy, upang palakasin ang katawan at pasiglahin ang kaluluwa.

  20  At ikinalulugod ng Diyos na kanyang ibinigay ang lahat ng bagay na ito sa tao; sapagkat sa ganitong hangarin ang mga ito ay ginawa upang gamitin, nang may karunungan, hindi sa kalabisan, ni sa pagkuha nang sapilitan.

  21  At walang bagay na magagawa ang tao na amakasasakit sa Diyos, o wala sa kaninuman ang pag-aalab ng kanyang poot, maliban sa yaong mga hindi bkumikilala sa kanyang ginawa sa lahat ng bagay, at hindi sumusunod sa kanyang mga kautusan.

  22  Masdan, ito ay alinsunod sa batas at mga propeta; kaya, huwag na ninyo akong abalahin hinggil sa bagay na ito.

  23  Subalit matutuhan na siya na gumagawa ng mga gawa ng akabutihan ay makatatanggap ng kanyang bgantimpala, maging ckapayapaan sa daigdig na ito, at buhay na dwalang hanggan sa daigdig na darating.

  24  Ako, ang Panginoon, ang nangusap nito, at ang Espiritu ay nagpapatotoo. Amen.