BAHAGI 88

Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-27 ng Disyembre 1832 (History of the Church, 1:302–312). Ito ay tinawag ng Propeta bilang ”`dahon ng olibo’. . . pinitas mula sa Puno ng Paraiso, ang mensahe ng Panginoon tungkol sa kapayapaan sa atin” (History of the Church, 1:316). Makikita mula sa mga talaan ng kasaysayan na ang ilang bahagi ng paghahayag na ito ay natanggap noong ika-27 at 28 ng Disyembre 1832 at ika-3 ng Enero 1833.

1–5, Ang matatapat na Banal ay natatanggap ang yaong Mang-aaliw, na siyang pangako na buhay na walang hanggan; 6–13, Ang lahat ng bagay ay pinamamahalaan at pinamumunuan ng Liwanag ni Cristo; 14–16, Ang Pagkabuhay na mag-uli ay dumarating sa pamamagitan ng Pagtubos; 17–31, Pagiging masunurin sa selestiyal, terestriyal, o telestiyal na batas ay naghahanda sa mga tao para sa yaong kani-kanyang mga kaharian at kaluwalhatian; 32–35, Yaong mamamalagi sa kasalanan ay mananatiling marumi pa rin; 36–41, Lahat ng kaharian ay pinamamahalaan ng batas; 42–45, Ang Diyos ay nagbibigay ng batas sa lahat ng bagay; 46–50, Mauunawaan ng tao maging ang Diyos; 51–61, Ang talinghaga ng tao na isinusugo ang kanyang mga utusan sa bukid at pagdalaw sa kanila; 62–73, Lumapit sa Panginoon, at makikita ninyo ang kanyang mukha; 74–80, Pabanalin ang inyong sarili at turuan ang bawat isa ng mga doktrina ng kaharian; 81–85, Bawat tao na nabigyang-babala ay dapat bigyang-babala ang kanyang kapwa; 86–94, Mga tanda, pag-aaklas ng mga elemento, at ang mga anghel ang naghahanda ng daan para sa pagparito ng Panginoon; 95–102, Mga pakakak ng mga anghel ang tatawag sa mga patay sa kanilang pagkakasunud-sunod; 103–116, Mga pakakak ng mga anghel ang magpapahayag ng pagpapanumbalik ng ebanghelyo, ang pagbagsak ng Babilonia, at ang digmaan ng dakilang Diyos; 117–126, Maghangad ng karunungan, magtayo ng bahay ng Diyos (isang templo), at damitan ang inyong sarili ng gapos ng pag-ibig sa kapwa tao; 127–141, Ang kaayusan ng Paaralan ng mga Propeta ay ipinaalam, kabilang ang ordenansa ng paghuhugas ng mga paa.

  KATOTOHANAN, ganito ang wika ng Panginoon sa inyo na sama-samang nagtipon ng inyong sarili upang tanggapin ang kanyang kalooban hinggil sa inyo:

  Masdan, ito ay nakalulugod sa inyong Panginoon, at ang mga anghel ay anagsasaya sa inyo; ang mga blimos ng inyong mga panalangin ay nakarating sa mga tainga ng Panginoon ng cSabaoth, at natatala sa daklat ng mga pangalan ng pinabanal, maging sila sa selestiyal na daigdig.

  Dahil dito, ako ay nagpapadala ngayon sa inyo ng isa pang aMang-aaliw, maging sa inyo na aking mga kaibigan, upang ito ay mamalagi sa inyong mga puso, maging ang bBanal na Espiritu ng pangako; kung aling iba pang Mang-aaliw ay siya ring aking ipinangako sa aking mga disipulo, gaya ng natatala sa patotoo ni Juan.

  Ang Mang-aaliw na ito ang pangakong aking ibinigay sa inyo na buhay na awalang hanggan, maging ang bkaluwalhatian ng kahariang selestiyal;

  Kung aling kaluwalhatian ay yaong sa simbahan ng aPanganay, maging ng Diyos, ang pinakabanal sa lahat, sa pamamagitan ni Jesucristo na kanyang Anak—

  aSiya na umakyat sa itaas, na siya ring bnagpakababa-baba sa lahat ng bagay, sa gayon kanyang nauunawaan ang lahat ng bagay, upang siya ay mapasalahat at sumasalahat ng bagay, ang cliwanag ng katotohanan;

  Kung aling katotohanan ay nagniningning. Ito ang aliwanag ni Cristo. Gayon din siya ay nasa araw, at ang liwanag ng araw, at ang kapangyarihan niyaon na sa pamamagitan nito ito ay bnagawa.

  Gayon din siya ay nasa buwan, at siya ang liwanag ng buwan, at ang kapangyarihan niyaon na sa pamamagitan nito ito ay nagawa;

  Gayon din ang liwanag ng mga bituin, at ang kapangyarihan niyaon na sa pamamagitan nito ang mga ito ay nagawa;

  10  At ang mundo rin, at ang kapangyarihan niyaon, maging ang mundo kung saan kayo anakatayo.

  11  At ang liwanag na nagniningning, na nagbibigay sa inyo ng liwanag, ay sa pamamagitan niya na nagbibigay-liwanag sa inyong mga mata, na siya ring liwanag na nagpapabilis ng inyong mga apang-unawa;

  12  Kung aling aliwanag ay nanggagaling mula sa kinaroroonan ng Diyos upang bpunuin ang kalakhan ng kalawakan—

  13  Ang liwanag na nasa alahat ng bagay, na nagbibigay ng bbuhay sa lahat ng bagay, na siyang cbatas kung saan ang lahat ng bagay ay pinamamahalaan, maging ang kapangyarihan ng Diyos na nakaupo sa kanyang luklukan, na nasa sinapupunan ng kawalang-hanggan, na nasa gitna ng lahat ng bagay.

  14  Ngayon, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa pamamagitan ng apagtubos na ginawa para sa inyo ay isinakatuparan ang pagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay.

  15  At ang aespiritu at ang bkatawan ang ckaluluwa ng tao.

  16  At ang apagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay ang pagkakatubos ng kaluluwa.

  17  At ang pagkakatubos ng kaluluwa ay sa pamamagitan niya na nagbibigay-buhay sa lahat ng bagay, kung kaninong sinapupunan ay ipinasiya na ang mga amaralita at ang bmaaamo ng cmundo ay magmamana nito.

  18  Samakatwid, talagang kinakailangang pabanalin mula sa lahat ng kasamaan, upang ito ay maihanda para sa aselestiyal na kaluwalhatian;

  19  Sapagkat pagkaraan na ganap na magampanan ang layunin ng paglikha nito, ito ay puputungan ng akaluwalhatian, maging ng pagdalo ng Diyos Ama;

  20  Yaong mga katawan na nauukol sa kahariang selestiyal ay aariin ito magpakailanman at walang katapusan; sapagkat, sa blayuning ito kaya ito ginawa at nilikha, at sa layuning ito sila cpinabanal.

  21  At sila na hindi pinabanal sa pamamagitan ng batas na aking ibinigay sa inyo, maging ang batas ni Cristo, ay kailangang magmana ng ibang kaharian, maging yaong kahariang terestriyal, o yaong kahariang telestiyal.

  22  Sapagkat siya na hindi makasusunod sa abatas ng isang kahariang selestiyal ay hindi makatitigil sa isang kaluwalhatiang selestiyal.

  23  At siya na hindi makasusunod sa batas ng kahariang terestriyal ay hindi makatitigil sa isang kaluwalhatiang aterestriyal.

  24  At siya na hindi makasusunod sa batas ng kahariang telestiyal ay hindi makatitigil sa isang kaluwalhatiang atelestiyal; kaya nga siya ay hindi nararapat para sa isang kaharian ng kaluwalhatian. Kaya nga siya ay kailangang mamalagi sa isang kaharian na hindi isang kaharian ng kaluwalhatian.

  25  At muli, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang amundo ay sumusunod sa batas ng isang kahariang selestiyal, sapagkat ginagampanan nito ang hangganan ng paglikha nito, at hindi nilalabag ang batas—

  26  Dahil dito, ito ay apababanalin; oo, sa kabila ng ito ay bmamamatay, ito ay bubuhaying muli, at matatagalan ang kapangyarihang siyang bumuhay rito, at ang cmabubuti ay dmagmamana nito.

  27  Sapagkat sa kabila ng sila ay mamamatay, sila rin ay amagbabangong muli, isang bespirituwal na katawan.

  28  Sila na may selestiyal na espiritu ay tatanggap ng yaon ding katawan na isang likas na katawan; maging inyong matatanggap ang inyong mga katawan, at ang inyong akaluwalhatian ay yaong kaluwalhatian kung saan ang inyong mga katawan ay bbubuhayin.

  29  Kayo na binubuhay ng ilang bahagi ng akaluwalhatiangbselestiyal ay makatatanggap pagkatapos ng gayon din, maging isang kaganapan.

  30  At sila na binubuhay ng ilang bahagi ng kaluwalhatiang aterestriyal ay makatatanggap pagkatapos ng gayon din, maging isang kaganapan.

  31  At gayon din sila na binubuhay ng ilang bahagi ng kaluwalhatiang atelestiyal ay makatatanggap pagkatapos ng gayon din, maging isang kaganapan.

  32  At sila na maiiwan ay abubuhayin rin; gayunman, sila ay magbabalik muli sa kanilang sariling lugar, upang tamasahin yaong kanilang bhandang tanggapin, dahil hindi sila handang tamasahin yaong kanila sanang tatanggapin.

  33  Sapagkat ano ang kapakinabangan ng tao kung ang isang handog ay ipinagkaloob sa kanya, at hindi niya tinanggap ang handog? Masdan, hindi siya nagsasaya sa yaong ibinigay sa kanya, ni nasisiyahan sa kanya ang siyang nagkaloob ng handog.

  34  At muli, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na yaong pinamamahalaan ng batas ay pinangangalagaan din ng batas at ginagawang ganap at apinababanal ng gayon din.

  35  Yaong alumalabag sa batas, at hindi sumusunod sa batas, sa halip ay naghahangad na maging isang batas sa sarili nito, at nakahandang manatili sa kasalanan, at sa kalahatan ay nananatili sa kasalanan, ay hindi mapababanal ng batas, ni ng bawa, ckatarungan, o paghuhukom. Kaya nga, sila ay kailangang manatiling dmarumi pa rin.

  36  Lahat ng kaharian ay may batas na ibinigay;

  37  At may maraming akaharian; sapagkat walang lugar na walang naroroong kaharian; at walang kaharian na walang naroroong lugar, maging isang malaki o maliit na kaharian.

  38  At ang bawat kaharian ay binigyan ng abatas; at sa bawat batas ay may mga hangganan din at mga batayan.

  39  Lahat ng tao na hindi nakapananatili sa mga abatayang iyon ay hindi bmabibigyang-katwiran.

  40  Sapagkat ang akatalinuhan ay kumukunyapit sa katalinuhan; bkarunungan ay tumatanggap ng karunungan; ckatotohanan ay yumayakap sa katotohanan; dkarangalan ay nagmamahal sa karangalan; eliwanag ay kumukunyapit sa liwanag; awa ay may fhabag sa awa at inaangkin ang kanya; katarungan ay nagpapatuloy sa kanyang ginagalawan at inaangkin ang kanya; paghuhukom ay magpapauna sa harapan ng kanyang mukha na kung sino na nakaupo sa luklukan at namamahala at nagsasagawa ng lahat ng bagay.

  41  aNauunawaan niya ang lahat ng bagay, at lahat ng bagay ay nasa harapan niya, at lahat ng bagay ay nasa paligid niya; at siya ay nasa itaas ng lahat ng bagay, at napapasalahat ng bagay, at sumasa lahat ng bagay, at nasa paligid ng lahat ng bagay; at lahat ng bagay ay ginawa niya, at mula sa kanya, maging ang Diyos, magpakailanman at walang katapusan.

  42  At muli, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya ay nagbigay ng batas sa lahat ng bagay, kung paano sila kumikilos sa kanilang mga asandali at kanilang mga panahon;

  43  At ang kanilang mga ginagalawan ay hindi mababago, maging ang mga ginagalawan ng langit at ng lupa, na nakauunawa sa lupa at sa lahat ng planeta.

  44  At sila ay nagbibigay ng aliwanag sa bawat isa sa kanilang mga sandali at sa kanilang mga panahon, sa kanilang mga minuto, sa kanilang mga oras, sa kanilang mga araw, sa kanilang mga linggo, sa kanilang mga buwan, sa kanilang mga taon—lahat ito ay bisang taon sa Diyos, subalit hindi sa tao.

  45  Ang mundo ay umiinog sa kanyang mga pakpak, at ang aaraw ay nagbibigay ng kanyang liwanag sa umaga, at ang buwan ay nagbibigay ng kanyang liwanag sa gabi, at ang mga bituin din ay nagbibigay ng kanilang liwanag, habang sila ay umiinog sa kanilang mga pakpak sa kanilang kaluwalhatian, sa gitna ng bkapangyarihan ng Diyos.

  46  Sa ano ko ihahalintulad ang mga kahariang ito, upang kayo ay makaunawa?

  47  Masdan, lahat ng ito ay mga kaharian, at sinumang tao ang makakita ng anuman o ng pinakamaliit nito ay anakikita ang Diyos na gumagalaw sa kanyang kamahalan at kapangyarihan.

  48  Sinasabi ko sa inyo, kanyang nakikita siya; gayunman, siya na naparoon sa asariling kanya ay hindi naunawaan.

  49  Ang ailaw ay nagliliwanag sa kadiliman, at ang kadiliman ay hindi ito nauunawaan; gayunman, darating ang araw na inyong bmauunawaan maging ang Diyos, sapagkat binuhay sa kanya at sa pamamagitan niya.

  50  Pagkatapos ay malalaman ninyo na inyong nakita ako, na ako nga, at na ako ang tunay na liwanag na nasa inyo, at kayo ay nasa akin; kung hindi kayo ay hindi mananagana.

  51  Masdan, aking ihahalintulad ang mga kahariang ito sa isang tao na may isang bukid, at kanyang isinugo ang kanyang mga utusan sa bukid upang magbungkal sa bukid.

  52  At kanyang sinabi sa una: Magtungo ka at gumawa sa bukid, at sa unang oras ako ay patutungo sa iyo, at iyong mamamalas ang kagalakan sa aking mukha.

  53  At kanyang sinabi sa pangalawa: Magtungo ka rin sa bukid, at sa pangalawang oras ikaw ay aking dadalawing may kagalakan sa aking mukha.

  54  At gayon din sa pangatlo, sinasabing: Ikaw ay aking dadalawin;

  55  At sa pang-apat, at sa iba pa hanggang sa panlabindalawa.

  56  At ang panginoon ng bukid ay nagtungo sa una sa unang oras, at nanatili sa kanya sa buong oras na yaon, at siya ay nagawang magalak sa liwanag ng mukha ng kanyang panginoon.

  57  At pagkatapos siya ay lumisan mula sa una upang siya ay makadalaw rin sa pangalawa, at sa pangatlo, at sa pang-apat, at sa iba pa hanggang sa panlabindalawa.

  58  At sa gayon natanggap nilang lahat ang liwanag ng mukha ng kanilang panginoon, bawat tao sa kanyang oras, at sa kanyang sandali, at sa kanyang panahon—

  59  Simula sa una, at nagpatuloy hanggang sa ahuli, at mula sa huli hanggang sa una, at magmula sa una hanggang sa huli;

  60  Bawat tao sa kanyang sariling pagkakasunud-sunod, hanggang sa ang kanyang oras ay matapos, maging alinsunod sa ipinag-utos ng kanyang panginoon sa kanya, upang ang kanyang panginoon ay maluwalhati sa kanya, at siya sa kanyang panginoon, upang silang lahat ay maluwalhati.

  61  Kaya nga, sa talinghagang ito ko ihahalintulad ang lahat ng kahariang ito, at ang mga ananinirahan dito—bawat kaharian sa oras nito, at sa sandali nito, at sa panahon nito, maging alinsunod sa utos na ginawa ng Diyos.

  62  At muli, katotohanang sinasabi ko sa inyo, aking mga akaibigan, iniiwan ko ang mga pananalitang ito sa inyo upang bbulay-bulayin sa inyong mga puso, lakip ang kautusang ito na aking ibinibigay sa inyo, na kayo ay cmananawagan sa akin habang ako ay malapit—

  63  aMagsilapit sa akin at ako ay lalapit sa inyo; masigasig akong bhanapin at inyo akong cmatatagpuan; humingi, at kayo ay makatatanggap; kumatok, at kayo ay pagbubuksan.

  64  Anuman ang inyong ahingin sa Ama sa aking pangalan ito ay ibibigay sa inyo, na bkapaki-pakinabang sa inyo;

  65  At kung kayo ay hihingi ng anumang bagay na hindi akapaki-pakinabang sa inyo, ito ay mauuwi sa inyong bkaparusahan.

  66  Masdan, yaong inyong naririnig ay gaya ng atinig ng isang nangangaral sa ilang—sa ilang, dahil hindi ninyo siya nakikita—ang aking tinig, sapagkat ang aking tinig ay bEspiritu; ang aking Espiritu ay katotohanan; ang ckatotohanan ay magpapatuloy at walang katapusan; at kung ito ay nasa inyo ito ay mananagana.

  67  At kung ang inyong mata ay anakatuon sa aking bkaluwalhatian, ang inyong buong katawan ay mapupuno ng liwanag, at walang magiging kadiliman sa inyo; at yaong katawan na puno ng liwanag ay cnakauunawa sa lahat ng bagay.

  68  Samakatwid, apabanalin ang inyong sarili upang ang inyong mga bisipan ay matuon sa Diyos, at darating ang mga araw na inyo siyang cmakikita; sapagkat kanyang aalisin ang tabing ng kanyang mukha sa inyo, at iyon ay sa kanyang sariling panahon, at sa kanyang sariling pamamaraan, at alinsunod sa kanyang sariling kalooban.

  69  Tandaan ang dakila at huling pangako na aking ginawa sa inyo; itakwil ang inyong mga awalang kabuluhang iniisip at ang inyong labis na bpagtawa mula sa inyo.

  70  Manatili kayo, manatili kayo sa lugar na ito, at tumawag ng isang kapita-pitagang kapulungan, maging ng mga yaong unang manggagawa sa huling kahariang ito.

  71  At manawagan sa Panginoon yaong kanilang binigyan ng ababala sa kanilang paglalakbay, at pagbulay-bulayin ang babala sa kanilang mga puso na kanilang natanggap, sa maikling panahon.

  72  Masdan, at narito, aking aalagaan ang inyong mga kawan, at magbabangon ng mga elder at magsusugo sa kanila.

  73  Masdan, aking mamadaliin ang aking gawain sa panahon nito.

  74  At aking ibinibigay sa inyo, na mga unang amanggagawa sa huling kahariang ito, ang isang kautusan na sama-samang tipunin ninyo ang inyong sarili, at ayusin ang inyong sarili, at ihanda ang inyong sarili, at bpabanalin ang inyong sarili; oo, dalisayin ang inyong mga puso, at clinisin ang inyong mga kamay at inyong mga paa sa harapan ko, upang akin kayong gawing dmalinis;

  75  Upang ako ay makapagpatotoo sa inyong aAma, at inyong Diyos, at aking Diyos, na kayo ay malinis mula sa dugo ng masamang salinlahing ito; upang aking matupad ang pangakong ito, ang dakila at huling pangakong ito, na aking ginawa sa inyo, kung kailan nanaisin ko.

  76  Gayon din, binibigyan ko kayo ng isang kautusan na kayo ay magpatuloy sa apanalangin at bpag-aayuno mula sa panahong ito.

  77  At binibigyan ko kayo ng kautusan na aturuan ninyo ang isa’t isa ng bdoktrina ng kaharian.

  78  Masigasig kayong magturo at ang aking abiyaya ay dadalo sa inyo, upang kayo ay lalong ganap na bmatagubilinan sa teoriya, sa alituntunin, sa doktrina, sa batas ng ebanghelyo, sa lahat ng bagay na nauukol sa kaharian ng Diyos, na kapaki-pakinabang ninyong maunawaan;

  79  Ng mga bagay maging sa alangit at sa lupa, at sa ilalim ng lupa; mga bagay na nangyari na, mga bagay na nangyayari, mga bagay na malapit nang mangyari; mga bagay na nasa tahanan, mga bagay na nasa ibang bansa; ang mga bdigmaan at ang mga bumabagabag sa mga bansa, at ang mga kahatulan na nasa lupa; at kaalaman din tungkol sa mga bansa at sa mga kaharian—

  80  Upang kayo ay maging handa sa lahat ng bagay kapag kayo ay muli kong isusugo upang gawin ang tungkulin kung saan ko kayo tinawag, at ang misyon na aking iniatas sa inyo.

  81  Masdan, isinugo ko kayo upang amagpatotoo at balaan ang mga tao, at nababagay lamang sa bawat tao na nabigyang-babala na bbalaan ang kanyang kapwa.

  82  Samakatwid, sila ay naiwang walang kadahilanan, at ang kanilang mga kasalanan ay nasa kanilang sariling mga ulo.

  83  Siya na anaghahanap sa akin nang bmaaga ay matatagpuan ako, at hindi pababayaan.

  84  Samakatwid, manatili kayo, at masigasig na gumawa, upang kayo ay magawang ganap sa inyong ministeryo na humayo sa mga aGentil sa huling pagkakataon, kasindami ng tatawagin ng bibig ng Panginoon, upang btalian ang kautusan at tatakan ang patotoo, at upang ihanda ang mga banal para sa oras ng paghuhukom na darating;

  85  Upang ang kanilang mga kaluluwa ay makatakas sa poot ng Diyos, ang akapanglawan ng karumal-dumal na gawa na naghihintay sa masasama, maging sa daigdig na ito at sa daigdig na darating. Katotohanan, sinasabi ko sa inyo, magpatuloy ang yaong hindi kasama sa mga unang elder sa ubasan hanggang sa sila ay btawagin ng bibig ng Panginoon, sapagkat ang kanilang panahon ay hindi pa dumarating; ang kanilang mga kasuotan ay hindi cmalinis mula sa dugo ng salinlahing ito.

  86  Mamalagi kayo sa akalayaan kung saan kayo ay ginawang bmalaya; huwag cisangkot ang inyong sarili sa dkasalanan, kundi gawing emalinis ang inyong mga kamay, hanggang sa pumarito ang Panginoon.

  87  Sapagkat hindi na maraming araw mula ngayon at ang amundo ay bmanginginig at gigiray na parang lasing na tao; at ang caraw ay itatago ang kanyang mukha, at tatangging magbigay ng liwanag; at ang buwan ay maliligo sa ddugo; at ang mga ebituin ay magagalit nang matindi, at ihuhulog nito ang sarili sa ibaba gaya ng isang igos na nalaglag mula sa puno ng igos.

  88  At pagkaraan ng inyong patotoo ay sasapit ang pagkapoot at pagngingitngit sa mga tao.

  89  Sapagkat pagkaraan ng inyong patotoo ay sasapit ang patotoo ng mga apaglindol, na magiging sanhi ng mga pagdaing sa gitna niya, at ang mga tao ay babagsak sa lupa at hindi makatatayo.

  90  At sasapit din ang patotoo ng atinig ng mga kulog, at ang tinig ng mga kidlat, at ang tinig ng mga unos, at ang tinig ng mga alon sa dagat na iaalon nito ang sarili na lagpas sa mga hangganan nito.

  91  At lahat ng bagay ay amagkakagulo; at tiyak, magsisipanlupaypay ang mga puso ng tao; sapagkat ang takot ay mapapasalahat ng tao.

  92  At ang mga aanghel ay lilipad sa gitna ng langit, sumisigaw sa malakas na tinig, pinatutunog ang pakakak ng Diyos, sinasabing: Maghanda kayo, maghanda kayo, O mga naninirahan sa mundo; sapagkat ang paghuhukom ng ating Diyos ay dumating na. Masdan, at narito, ang bLalaking kasintahan ay dumarating na; lumabas kayo upang salubungin siya.

  93  At kaagad ay may lilitaw na adakilang tanda sa langit, at lahat ng tao ay sama-samang makikita ito.

  94  At isa pang anghel ang magpapatunog ng kanyang pakakak, sinasabing: Yaong amakapangyarihangbsimbahan, ang cina ng mga karumal-dumal na gawa, na nagpainom sa lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang dpangangalunya, na umuusig sa mga banal ng Diyos, na nagpadanak ng kanilang dugo—siya na nakaupo sa maraming tubig, at sa ibabaw ng mga pulo ng dagat—masdan, siya ang eagingay ng mundo; siya ay nakagapos sa mga talaksan; ang kanyang mga gapos ay ginawang matibay, walang sinumang tao ang makakakalag ng mga ito; samakatwid, siya ay handa nang fsunugin. At kanyang patutunugin ang kanyang pakakak nang matagal at malakas, at lahat ng bansa ay makaririnig nito.

  95  At magkakaroon ng akatahimikan sa langit nang may kalahating oras; at kaagad pagkaraan nito ang tabing ng langit ay mahahawi, gaya ng isang blulong papel na iniladlad matapos itong ibalumbon, at ang cmukha ng Panginoon ay mahahawian ng tabing;

  96  At ang mga banal na nasa mundo, na buhay, ay magbabagong-anyo at aaangat upang salubungin siya.

  97  At sila na tulog sa kanilang mga libingan ay ababangon, sapagkat ang kanilang mga libingan ay bubuksan; at sila rin ay aangat upang salubungin siya sa pagitan ng haligi ng langit—

  98  Sila ay kay Cristo, ang mga aunang bunga, sila na bababang kasama niyang una, at sila na nasa lupa at sa kanilang mga libingan, na mga unang aangat upang salubungin siya; at lahat ng ito sa pamamagitan ng pagpapatunog ng pakakak ng anghel ng Diyos.

  99  At pagkaraan nito isa pang anghel ang magpapatunog, na siyang pangalawang pakakak; at pagkatapos ay darating ang pagtubos ng mga yaong kay Cristo sa kanyang pagparito; na tumanggap ng kanilang bahagi sa yaong abilangguan na inihanda para sa kanila, upang kanilang matanggap ang ebanghelyo, at bmahatulan ayon sa mga tao sa laman.

  100  At muli, isa pang pakakak ang tutunog, na siyang pangatlong pakakak; at pagkatapos ay darating ang mga aespiritu ng mga taong hahatulan, at natagpuang nasa ilalim ng bkaparusahan;

  101  At sila ang mga natira sa mga apatay; at sila ay hindi muling mabubuhay hanggang sa ang ika-bisanlibong taon ay matapos, ni hindi na muli, hanggang sa katapusan ng mundo.

  102  At isa pang pakakak ang tutunog, na siyang pang-apat na pakakak, sinasabing: May natagpuan sa mga yaong mamamalagi hanggang sa yaong dakila at huling araw, maging sa katapusan, na mamamalaging amarumi pa rin.

  103  At isa pang pakakak ang tutunog, na siyang panlimang pakakak, na siyang panlimang anghel na pinagkatiwalaan ng awalang hanggang ebanghelyo—na lumilipad sa gitna ng langit, sa lahat ng bansa, lahi, wika at tao;

  104  At ito ang magiging tunog ng kanyang pakakak, sinasabi sa lahat ng tao, maging sa langit at sa lupa, at yaong nasa ilalim ng lupa—sapagkat abawat tainga ay makaririnig nito, at bawat tuhod ay bluluhod, at bawat dila ay magtatapat, habang kanilang naririnig ang tunog ng pakakak, sinasabing: cMatakot sa Diyos, at magbigay luwalhati sa kanya na nakaupo sa luklukan, magpakailanman at walang katapusan; sapagkat ang oras ng paghuhukom ay dumating na.

  105  At muli, isa pang anghel ang magpapatunog ng kanyang pakakak, na siyang pang-anim na anghel, sinasabing: Siya ay abumagsak na nagpainom sa lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang pangangalunya; siya ay bumagsak, bumagsak!

  106  At muli, isa pang anghel ang magpapatunog ng kanyang pakakak, na siyang pampitong anghel, sinasabing: Tapos na; tapos na! Ang aKordero ng Diyos ay bnanaig at cniyapakang mag-isa ang pisaan ng alak, maging ang pisaan ng alak ng kabagsikan ng poot ng Pinakamakapangyarihang Diyos.

  107  At pagkatapos ang mga anghel ay puputungan ng kaluwalhatian ng kanyang kapangyarihan, at ang mga abanal ay mapupuspos ng kanyang bkaluwalhatian, at tatanggapin ang kanilang cmana at gagawing dpantay sa kanya.

  108  At pagkatapos ang unang anghel muli ay magpapatunog ng kanyang pakakak sa mga tainga ng lahat ng kinapal, at aibubunyag ang mga lihim na gawa ng tao, at ang mga makapangyarihang gawa ng Diyos sa bunang isanlibong taon.

  109  At pagkatapos ang pangalawang anghel ay magpapatunog ng kanyang pakakak, at ibubunyag ang mga lihim na gawa ng tao, at ang mga saloobin at layunin ng kanilang mga puso, at ang mga makapangyarihang gawa ng Diyos sa pangalawang isanlibong taon—

  110  At mga susunod pa, hanggang sa ang pampitong anghel ay magpapatunog ng kanyang pakakak; at siya ay tatayo sa ibabaw ng lupa at sa ibabaw ng dagat, at manunumpa sa pangalan niya na nakaupo sa luklukan, na wala nang apanahon pa; at si bSatanas ay igagapos, yaong matandang ahas, na tinatawag na diyablo, at hindi kakalagan sa loob ng cisanlibong taon.

  111  At pagkatapos siya ay akakalagan ng maikling panahon, upang kanyang makalap ang kanyang mga hukbo.

  112  At si aMiguel, ang pampitong anghel, maging ang arkanghel, ay kakalapin ang kanyang mga hukbo, maging ang mga hukbo ng langit.

  113  At ang diyablo ay kakalapin ang kanyang mga hukbo; maging ang mga hukbo ng impiyerno, at sasalakay upang makidigma kay Miguel at sa kanyang mga hukbo.

  114  At pagkatapos ay sasapit ang adigmaan ng dakilang Diyos; at ang diyablo at ang kanyang mga hukbo ay itatapon sa kanilang sariling lugar, kung kaya’t sila ay hindi na magkakaroon ng kapangyarihan sa mga banal kailanman.

  115  Sapagkat si Miguel ang makikipaglaban sa kanilang mga digmaan, at madadaig siya na anaghahangad ng luklukan niya na nakaupo sa luklukan, maging ang Kordero.

  116  Ito ang kaluwalhatian ng Diyos, at ng apinabanal; at sila ay hindi na kailanman makakikita ng bkamatayan.

  117  Kaya nga, katotohanang sinasabi ko sa inyo, aking mga akaibigan, tawagin ang inyong kapita-pitagang kapulungan, gaya ng aking ipinag-utos sa inyo.

  118  At yayamang lahat ay walang pananampalataya, masigasig na maghanap at aturuan ang bawat isa ng mga salita ng bkarunungan; oo, maghanap kayo sa mga pinakamabubuting caklat ng mga salita ng karunungan; maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya.

  119  Isaayos ang inyong sarili; ihanda ang bawat kinakailangang bagay; at magtayo ng isang abahay, maging isang bahay ng panalanginan, isang bahay ng pag-aayuno, isang bahay ng pananampalataya, isang bahay ng pagkakatuto, isang bahay ng kaluwalhatian, isang bahay ng kaayusan, isang bahay ng Diyos.

  120  Upang ang inyong mga pagpasok ay sa pangalan ng Panginoon; upang ang inyong mga paglabas ay sa pangalan ng Panginoon; upang ang lahat ng inyong pagbati ay sa pangalan ng Panginoon, na nakataas ang mga kamay sa Kataas-taasan.

  121  Kaya nga, atumigil sa lahat ng inyong mabababaw na pananalita, mula sa lahat ng bhalakhak, mula sa lahat ng inyong cmahahalay na pagnanasa, mula sa lahat ng inyong dkapalaluan at mababaw na pag-iisip, at mula sa lahat ng inyong masasamang gawain.

  122  Magtalaga sa inyo ng isang guro, at huwag maging mga tagapagsalita ang lahat kaagad; sa halip magsalita nang isa-isa at makinig ang lahat sa kanyang sinasabi, upang kapag ang lahat ay nakapagsalita na ang lahat ay mapasigla ng lahat, at upang ang bawat tao ay magkaroon ng pantay na pribilehiyo.

  123  Tiyakin na inyong aminamahal ang bawat isa; tumigil sa pagiging bmapag-imbot; matutong magbahagi sa bawat isa gaya ng hinihingi ng ebanghelyo.

  124  Tumigil sa pagiging atamad; tumigil sa pagiging marumi; tumigil sa bpaghanap ng mali sa bawat isa; tumigil sa pagtulog nang mahaba kaysa sa kinakailangan; magpahinga sa inyong higaan nang maaga, upang kayo ay hindi mapagal; gumising nang maaga, upang ang inyong mga katawan at inyong mga isip ay mabigyang-lakas.

  125  At higit sa lahat, damitan ang inyong sarili ng bigkis ng apag-ibig sa kapwa-tao, gaya ng isang balabal, na siyang bigkis ng pagiging ganap at ng bkapayapaan.

  126  aManalangin tuwina, upang kayo ay hindi manghina, hanggang sa ako ay bpumarito. Masdan, at narito, ako ay kaagad na paparito, at tatanggapin kayo sa aking sarili. Amen.

  127  At muli, ang kaayusan ng bahay na inihanda para sa panguluhan ng apaaralan ng mga propeta, itinatag para sa kanilang tagubilin sa lahat ng bagay na kapaki-pakinabang para sa kanila, maging sa lahat ng bnamumuno sa simbahan, o sa ibang salita, yaong mga tinawag sa ministeryo sa simbahan, magmula sa matataas na saserdote, maging pababa sa mga diyakono—

  128  At ito ang magiging kaayusan ng bahay ng panguluhan ng paaralan: Siya na itinalaga na maging pangulo, o guro, ay matatagpuang nakatayo sa lugar niya, sa bahay na ihahanda para sa kanya.

  129  Samakatwid, siya ay mauuna sa bahay ng Diyos, sa lugar na ang kongregasyon sa bahay ay maaaring marinig ang kanyang mga salita nang maingat at malinaw, hindi sa malakas na pananalita.

  130  At kapag siya ay pumapasok sa bahay ng Diyos, sapagkat siya ay nararapat na mauna sa bahay—masdan, ito ay maganda, upang siya ay maging isang halimbawa—

  131  aIalay niya ang kanyang sarili sa pananalangin na nakaluhod sa harapan ng Diyos, bilang patunay o alaala ng walang hanggang tipan.

  132  At kapag may pumasok pagkaraan niya, tumayo ang guro, at, sa mga kamay na nakataas sa langit, oo, maging tahasan, batiin ang kanyang kapatid na lalaki o mga kapatid ng mga salitang ito:

  133  Ikaw ba ay kapatid na lalaki o mga kapatid? Binabati kita sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, bilang patunay o alaala ng walang hanggang tipan, na kung aling tipan ay tinatanggap kita upang amakipagkapatiran, sa isang hangaring matatag, hindi matitinag, at hindi mababago, upang iyong maging kaibigan at bkapatid sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos sa mga bigkis ng pagmamahal, upang lumakad sa lahat ng kautusan ng Diyos na walang kasalanan, sa pagbibigay-pasalamat, magpakailanman at walang katapusan. Amen.

  134  At siya na matatagpuang hindi karapat-dapat sa pagbating ito ay hindi magkakaroon ng lugar sa inyo; sapagkat hindi ninyo ipahihintulot na ang aking bahay ay amarumihan niya.

  135  At siya na papasok at matapat sa harapan ko, at isang kapatid na lalaki, o kung sila ay mga kapatid, babatiin nila ang pangulo o guro na ang mga kamay ay nakataas sa langit, sa ganito ring panalangin at tipan, o sa pamamagitan ng pagsasabi ng Amen, bilang patunay rin doon.

  136  Masdan, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, ito ay isang halimbawa sa inyo bilang isang pagbati sa isa’t isa sa bahay ng Diyos, sa paaralan ng mga propeta.

  137  At kayo ay tinawag na gawin ito sa pamamagitan ng panalangin at pagbibigay-pasalamat, sapagkat ang Espiritu ang mangungusap sa lahat ng inyong gawain sa bahay ng Panginoon, sa paaralan ng mga propeta, upang ito ay maging isang santuwaryo, isang tabernakulo ng Banal na Espiritu sa inyong aikasisigla.

  138  At kayo ay hindi tatanggap ng sinuman sa inyo sa paaralang ito maliban sa siya ay malinis mula sa adugo ng salinlahing ito;

  139  At siya ay tatanggapin sa pamamagitan ng ordenansa ng apaghuhugas ng mga paa, sapagkat sa layuning ito ang ordenansa ng paghuhugas ng mga paa ay sinimulan.

  140  At muli, ang ordenansa ng paghuhugas ng mga paa ay kailangang pamahalaan ng pangulo, o namumunong elder ng simbahan.

  141  Ito ay kailangang simulan sa panalangin; at pagkaraang akumain ng tinapay at uminom ng alak, siya ay kailangang magbigkis ng kanyang sarili alinsunod sa bhuwarang ibinigay sa ikalabintatlong kabanata ng patotoo ni Juan hinggil sa akin. Amen.