Isang pangitain na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Hiram, Ohio, ika-16 ng Pebrero 1832 (History of the Church, 1:245–252). Sa pagsisimula sa kanyang tala ng pangitaing ito, ang Propeta ay sumulat: “Sa aking pagbalik mula sa pagpupulong sa Amherst, ipinagpatuloy ko ang pagsasalin ng Banal na Kasulatan. Mula sa iba’t ibang paghahayag na natanggap, kitang-kita na maraming mahalagang paksa hinggil sa kaligtasan ng tao, ang inalis mula sa Biblia, o nawala bago ito inipon. Kitang-kita mula sa mga naiwang katotohanan, na kung ang Diyos ay nagbibigay ng gantimpala sa lahat alinsunod sa gawaing ginawa habang nabubuhay, ang katagang ‘Langit’, na hangad para sa walang hanggang tahanan ng mga Banal, ay kinakailangang sumaklaw sa marami pang kaharian maliban sa isa. Alinsunod dito,…habang isinasalin ang Ebanghelyo ni San Juan, ako at si Elder Rigdon ay nakita ang sumusunod na pangitain” (History of the Church, 1:245). Ito ay matapos isalin ng Propeta ang Juan 5:29 nang ang pangitaing ito ay ipinagkaloob.