ANG
DOKTRINA AT MGA TIPAN

Mga Bahagi 

BAHAGI 1
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa isang natatanging pagpupulong ng mga elder ng Simbahan, ginanap sa Hiram, Ohio, ika-1 ng Nobyembre 1831 (History of the Church, 1:221–224). Maraming paghahayag ang natanggap mula sa Panginoon una pa sa pagkakataong ito, at ang pagtitipon ng mga ito para sa paglalathala sa anyo ng isang aklat ay isa sa mga pangunahing paksa na pinagtibay sa pagpupulong. Ang bahaging ito ang bumubuo ng paunang salita ng Panginoon sa mga doktrina, tipan, at kautusang ibinigay sa dispensasyong ito.
1–7, Ang tinig ng babala ay para sa lahat ng tao; 8–16, Ang lubusang pagtalikod sa katotohanan at kasamaan ay mauuna sa Ikalawang Pagparito; 17–23, Si Joseph Smith ay tinawag upang ibalik sa mundo ang mga katotohanan at kapangyarihan ng Panginoon; 24–33, Ang Aklat ni Mormon ay inilabas at ang totoong Simbahan ay naitatag; 34–36, Ang kapayapaan ay aalisin sa mundo; 37–39, Saliksikin ang mga kautusang ito.
BAHAGI 2
Hango mula sa mga salita ng anghel na si Moroni kay Joseph Smith, ang Propeta, habang nasa bahay ng ama ng Propeta sa Manchester, New York, noong gabi ng ika-21 ng Setyembre 1823 (History of the Church, 1:12). Si Moroni ang huli sa hanay ng mga mananalaysay na gumawa ng talaan na nasa daigdig ngayon bilang Aklat ni Mormon. (Ihambing sa Malakias 4:5–6; gayundin sa mga bahagi 27:9; 110:13–16; at 128:18.)
1, Ipahahayag ni Elijah ang pagkasaserdote; 2–3, Mga pangako ng mga ama ay itatanim sa mga puso ng mga anak.
BAHAGI 3
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Harmony, Pennsylvania, Hulyo 1828, tungkol sa pagkawala ng 116 na pahina ng manuskritong isinalin mula sa unang bahagi ng Aklat ni Mormon, na tinatawag na aklat ni Lehi. Atubiling pinahintulutan ng Propeta ang mga pahinang ito mula sa kanyang pag-iingat na mapasakamay ni Martin Harris, na naglingkod ng maikling panahon bilang tagasulat sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon. Ang paghahayag ay ibinigay sa pamamagitan ng Urim at Tummim. (History of the Church, 1:21–23.) (Tingnan sa bahagi 10.)
1–4, Ang hakbangin ng Panginoon ay isang walang hanggang pag-ikot; 5–15, Si Joseph Smith ay kailangang magsisi o mawalan ng kaloob na makapagsalin; 16–20, Ang Aklat ni Mormon ay lalabas upang iligtas ang mga binhi ni Lehi.
BAHAGI 4
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa kanyang ama, si Joseph Smith, Sen. , sa Harmony, Pennsylvania, Pebrero 1829 (History of the Church, 1:28).
1–4, Magiting na paglilingkod ang nagliligtas sa mga mangangaral ng Panginoon; 5–6, Mga maka-diyos na katangian ang kinakailangan upang maging karapat-dapat sila sa ministeryo; 7, Mga bagay ng Diyos ay kailangang hangarin.
BAHAGI 5
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Harmony, Pennsylvania, Marso 1829, sa pakiusap ni Martin Harris (History of the Church, 1:28–31).
1–10, Ang salinlahing ito ay tatanggap ng salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Joseph Smith; 11–18, Tatlong saksi ang magpapatotoo sa Aklat ni Mormon; 19–20, Ang salita ng Panginoon ay patutunayan tulad noong unang panahon; 21–35, Si Martin Harris ay maaaring magsisi at maging isa sa mga saksi.
BAHAGI 6
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Oliver Cowdery, sa Harmony, Pennsylvania, Abril 1829 (History of the Church, 1:32–35). Si Oliver Cowdery ay nagsimula sa kanyang gawain bilang tagasulat sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon, ika-7 ng Abril 1829. Nakatanggap na siya ng isang pagpapatunay na mula sa langit tungkol sa katotohanan ng patotoo ng Propeta tungkol sa mga lamina na kung saan ay nakaukit ang tala ng Aklat ni Mormon. Ang Propeta ay nagtanong sa Panginoon sa pamamagitan ng Urim at Tummim at natanggap ang kasagutang ito.
1–6, Ang mga manggagawa sa bukid ng Panginoon ay magtatamo ng kaligtasan; 7–13, Wala nang ibang kaloob ang hihigit pa sa kaloob na kaligtasan; 14–27, Ang katibayan ng katotohanan ay ipinadarama sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu; 28–37, Umasa kay Cristo, at patuloy na gumawa ng kabutihan.
BAHAGI 7
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Oliver Cowdery, sa Harmony, Pennsylvania, Abril 1829, nang sila ay magtanong sa pamamagitan ng Urim at Tummim hinggil sa kung si Juan, ang pinakamamahal na disipulo, ay namalagi sa katawang-lupa o namatay. Ang paghahayag ay isang naisaling ulat ng talaang isinulat ni Juan sa balat ng tupa at itinago niya na rin (History of the Church, 1:35–36).
1–3, Si Juan, ang Pinakamamahal ay mananatiling buhay hanggang sa pumarito ang Panginoon; 4–8, Sina Pedro, Santiago, at Juan ang may hawak ng mga susi ng ebanghelyo.
BAHAGI 8
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Oliver Cowdery, sa Harmony, Pennsylvania, Abril 1829 (History of the Church, 1:36–37). Habang nagsasalin ng Aklat ni Mormon, si Oliver, na nagpatuloy na maglingkod bilang tagasulat, nagsusulat sa dikta ng Propeta, ay nagnais na mabigyan ng kaloob na makapagsalin. Ang Panginoon ay tumugon sa kanyang pagsusumamo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng paghahayag na ito.
1–5, Ang paghahayag ay dumarating sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo; 6–12, Ang kaalaman sa mga hiwaga ng Diyos at ang kapangyarihang magsalin ng mga sinaunang talaan ay dumarating sa pamamagitan ng pananampalataya.
BAHAGI 9
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Oliver Cowdery, sa Harmony, Pennsylvania, Abril 1829 (History of the Church, 1:37–38). Si Oliver ay pinaalalahanang maging matiyaga, at hinikayat na masiyahan na lamang sa pagsusulat, sa panahong iyon, sa dikta ng tagapagsalin, sa halip na magtangkang magsalin.
1–6, Iba pang mga sinaunang talaan ay isasalin din; 7–14, Ang Aklat ni Mormon ay isinalin sa pamamagitan ng pag-aaral at sa pamamagitan ng espirituwal na pagpapatibay.
BAHAGI 10
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Harmony, Pennsylvania, sa tag-araw ng 1828 (History of the Church, 1:20–23). Ipinaalam dito ng Panginoon kay Joseph ang mga pagbabagong ginawa ng masasamang tao sa 116 na pahina ng manuskrito mula sa pagsasalin ng aklat ni Lehi, sa Aklat ni Mormon. Ang mga pahina ng manuskritong ito ay nawala sa pag-iingat ni Martin Harris, na kung kanino ang mga pahina ay pansamantalang ipinagkatiwala. (Tingnan ang ulo ng bahagi 3.) Ang masamang balak ay hintayin ang inaasahang pagsasaling muli ng mga bagay na nilalaman ng mga ninakaw na pahina, at pagkatapos ay pag-alinlanganan ang nagsalin sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pagkakaiba na nalikha ng ginawang mga pagbabago. Na ang masamang layuning ito ay binalangkas niyong masama, na alam ng Panginoon maging noong si Mormon, ang sinaunang mananalaysay na Nephita, ay gumagawa ng kanyang pagpapaikling ulat sa mga natipong lamina, ay ipinakita sa Aklat ni Mormon (tingnan sa Ang mga Salita ni Mormon 1:3–7).
1–26, Pinukaw ni Satanas ang masasamang tao upang salungatin ang gawain ng Panginoon; 27–33, Hinahangad niyang wasakin ang mga kaluluwa ng mga tao; 34–52, Ang ebanghelyo ay makararating sa mga Lamanita at sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng Aklat ni Mormon; 53–63, Itatatag ng Panginoon ang kanyang Simbahan at kanyang ebanghelyo sa mga tao; 64–70, Kanyang titipunin ang mga nagsisisi sa kanyang Simbahan at ililigtas ang mga masunurin.
BAHAGI 11
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa kanyang kapatid na si Hyrum Smith, sa Harmony, Pennsylvania, Mayo 1829 (History of the Church, 1:39–46). Ang paghahayag na ito ay natanggap sa pamamagitan ng Urim at Tummim bilang kasagutan sa panalangin at katanungan ni Joseph. Ang History of the Church ay nagpapahiwatig na ang paghahayag na ito ay natanggap pagkaraan ng pagpapanumbalik ng Pagkasaserdoteng Aaron.
1–6, Ang mga manggagawa sa ubasan ay magtatamo ng kaligtasan; 7–14, Maghangad ng karunungan, mangaral ng pagsisisi, magtiwala sa Espiritu; 15–22, Sundin ang mga kautusan, at pag-aralan ang salita ng Panginoon; 23–27, Huwag itatwa ang diwa ng paghahayag at ng propesiya; 28–30, Yaong tumatanggap kay Cristo ay nagiging mga anak ng Diyos.
BAHAGI 12
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Joseph Knight, Sr. , sa Harmony, Pennsylvania, Mayo 1829 (History of the Church, 1:47–48). Naniwala si Joseph Knight sa mga sinabi ni Joseph Smith hinggil sa kanyang pagmamay-ari ng mga lamina ng Aklat ni Mormon at ng gawain ng pagsasalin na noon ay ginagawa at ilang ulit na nagbigay ng gamit na pagtulong kay Joseph Smith at sa kanyang tagasulat, na nagpahintulot sa kanilang makapagpatuloy sa pagsasalin. Sa kahilingan ni Joseph Knight, ang Propeta ay nagtanong sa Panginoon at natanggap ang paghahayag na ito.
1–6, Ang mga manggagawa sa ubasan ay magtatamo ng kaligtasan; 7–9, Lahat ng nagnanais at karapat-dapat ay maaaring tumulong sa gawain ng Panginoon.
BAHAGI 13
Ang ordinasyon kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Pagkasaserdoteng Aaron sa pampang ng Ilog ng Susquehanna, malapit sa Harmony, Pennsylvania, ika-15 ng Mayo 1829 (History of the Church, 1:39–42). Ang ordinasyon ay ginawa sa pamamagitan ng mga kamay ng isang anghel, na nagpakilala sa kanyang sarili na si Juan, na siya ring tinatawag na Juan Bautista sa Bagong Tipan. Ipinaliwanag ng anghel na siya ay kumikilos sa ilalim ng tagubilin nina Pedro, Santiago, at Juan, ang mga sinaunang Apostol, na may hawak ng mga susi ng nakatataas na pagkasaserdote, na tinatawag na Pagkasaserdoteng Melquisedec. Ang pangako ay ibinigay kina Joseph at Oliver na sa tamang panahon ang Pagkasaserdoteng Melquisedec ay ipagkakaloob sa kanila. (Tingnan sa bahagi 27:7, 8, 12.)
Ang mga susi at kapangyarihan ng Pagkasaserdoteng Aaron ay ipinaalam.
BAHAGI 14
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay David Whitmer, sa Fayette, New York, Hunyo 1829 (History of the Church, 1:48–50). Ang mag-anak na Whitmer ay labis na naging interesado sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon. Ang Propeta ay nanirahan sa tahanan ni Peter Whitmer, Sr. , kung saan siya namalagi hanggang ang gawain ng pagsasalin ay matapos at ang karapatang magpalathala sa lalabas na aklat ay natamo. Tatlong anak na lalaki ng mag-anak na Whitmer, bawat isa na nakatanggap ng patotoo sa katotohanan ng gawain, ay labis na nabahala sa bagay tungkol sa kani-kanilang mga gawain. Ang paghahayag na ito at ang dalawa pang sumunod (bahagi 15 at 16) ay ibinigay bilang kasagutan sa pagtatanong sa pamamagitan ng Urim at Tummim. Si David Whitmer, nang magtagal ay naging isa sa mga Tatlong Saksi sa Aklat ni Mormon.
1–6, Ang mga manggagawa sa ubasan ay magtatamo ng kaligtasan; 7–8, Ang buhay na walang hanggan ang pinakadakila sa mga kaloob ng Diyos; 9–11, Nilikha ni Cristo ang langit at ang lupa.
BAHAGI 15
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay John Whitmer, sa Fayette, New York, Hunyo 1829 (History of the Church, 1:50). (Tingnan sa ulo ng bahagi 14.) Ang mensahe ay lubhang personal dahil sa sinasabi ng Panginoon ang tungkol sa yaong tanging siya lamang at si John Whitmer ang nakaaalam. Pagkatapos si John Whitmer ay naging isa sa Walong Saksi sa Aklat ni Mormon.
1–2, Ang bisig ng Panginoon ay nasa buong mundo; 3–6, Ang mangaral ng ebanghelyo at magligtas ng mga kaluluwa ang bagay na pinakamahalaga.
BAHAGI 16
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Peter Whitmer, Jr. , sa Fayette, New York, Hunyo 1829 (History of the Church, 1:51). (Tingnan sa ulo ng bahagi 14.) Si Peter Whitmer, Jr. , nang maglaon ay naging isa sa mga Walong Saksi sa Aklat ni Mormon.
1–2, Ang bisig ng Panginoon ay nasa buong mundo; 3–6, Ang mangaral ng ebanghelyo at magligtas ng mga kaluluwa ang bagay na pinakamahalaga.
BAHAGI 17
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kina Oliver Cowdery, David Whitmer, at Martin Harris, sa Fayette, New York, Hunyo 1829, bago nila nakita ang mga laminang naukitan na naglalaman ng tala ng Aklat ni Mormon (History of the Church, 1:52–57). Si Joseph at ang kanyang tagasulat, si Oliver Cowdery, ay nakaalam mula sa pagsasalin ng mga lamina ng Aklat ni Mormon na tatlong natatanging saksi ang tutukuyin (tingnan sa Eter 5:2–4; 2 Nephi 11:3; 27:12). Sina Oliver Cowdery, David Whitmer, at Martin Harris ay nabunsuran ng isang makapukaw na pagnanais na maging tatlong natatanging saksi. Ang Propeta ay nagtanong sa Panginoon, at ang paghahayag na ito ay ibinigay bilang kasagutan sa pamamagitan ng Urim at Tummim.
1–4, Sa pamamagitan ng pananampalataya makikita ng Tatlong Saksi ang mga lamina at ang iba pang mga banal na bagay; 5–9, Si Cristo ay nagpapatotoo sa katotohanan ng Aklat ni Mormon.
BAHAGI 18
Paghahayag kina Joseph Smith, ang Propeta, Oliver Cowdery, at David Whitmer, na ibinigay sa Fayette, New York, Hunyo 1829 (History of the Church, 1:60–64). Nang ang Pagkasaserdoteng Aaron ay iginawad, ang pagkakaloob ng Pagkasaserdoteng Melquisedec ay ipinangako (tingnan ang ulo sa bahagi 13). Bilang kasagutan sa panalangin na magkaroon ng kaalaman sa mga ito, ibinigay ng Panginoon ang paghahayag na ito.
1–5, Ang mga banal na kasulatan ay nagpapakita kung paano itatatag ang Simbahan; 6–8, Ang sanlibutan ay nahihinog na sa kasamaan; 9–16, Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila; 17–25, Upang matamo ang kaligtasan, kailangang taglayin ng mga tao sa kanilang sarili ang pangalan ni Cristo; 26–36, Ang tungkulin at ang misyon ng Labindalawa ay ipinahayag; 37–39, Sina Oliver Cowdery at David Whitmer ang maghahanap sa Labindalawa; 40–47, Upang matamo ang kaligtasan, ang mga tao ay kailangang magsisi, mabinyagan, at sundin ang mga kautusan.
BAHAGI 19
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, sa Manchester, New York, Marso 1830 (History of the Church, 1:72–74). Sa kanyang kasaysayan, isinaad ito ng Propeta bilang “isang kautusan ng Diyos at hindi ng tao, kay Martin Harris, na ibinigay niya na Walang Hanggan” (History of the Church, 1:72).
1–3, Si Cristo ang may taglay ng lahat ng kapangyarihan; 4–5, Lahat ng tao ay kinakailangang magsisi o magdusa; 6–12, Ang walang hanggang kaparusahan ay kaparusahan ng Diyos; 13–20, Si Cristo ay nagdusa para sa lahat, upang sila ay hindi na magdusa kung sila ay magsisisi; 21–28, Ipangaral ang ebanghelyo ng pagsisisi; 29–41, Ipahayag ang masayang balita.
BAHAGI 20
Paghahayag hinggil sa samahan at pamahalaan ng Simbahan, ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, Abril 1830 (History of the Church, 1:64–70). Nauna sa kanyang tala sa paghahayag na ito ay isinulat ng Propeta, “Aming natanggap mula sa Kanya [Jesucristo] ang sumusunod, sa pamamagitan ng diwa ng propesiya at paghahayag; na hindi lamang nagbigay sa amin ng maraming kaalaman, kundi sinabi rin sa amin ang tiyak na araw kung kailan, alinsunod sa Kanyang kalooban at kautusan, nararapat naming itatag muli ang Kanyang Simbahan dito sa ibabaw ng mundo” (History of the Church, 1:64).
1–16, Ang Aklat ni Mormon ay nagpapatunay ng kabanalan ng gawain sa huling araw; 17–28, Ang mga doktrina ng paglikha, pagkahulog, pagbabayad-sala, at pagbibinyag ay pinagtibay; 29–37, Mga batas na namamahala sa pagsisisi, pagbibigay-katarungan, pagpapabanal, at pagbibinyag ay ibinigay; 38–67, Mga tungkulin ng mga elder, saserdote, guro, at diyakono ay maikling isinalarawan; 68–74, Mga tungkulin ng mga kasapi, pagbabasbas sa mga bata, at pamamaraan ng pagbibinyag ay ipinahayag; 75–84, Ang mga panalangin sa sakramento at mga patakarang namamahala sa pagkakasapi sa Simbahan ay ibinigay.
BAHAGI 21
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Fayette, New York, ika-6 ng Abril 1830 (History of the Church, 1:74–79). Ang paghahayag na ito ay ibinigay sa pagkakatatag ng Simbahan, sa petsang nabanggit, sa tahanan ni Peter Whitmer, Sr. Anim na kalalakihan, na dati nang nabinyagan, ang nakilahok. Sa pamamagitan ng buong pagkakaisang pagboto ang mga taong ito ay nagpahayag ng kanilang pagnanais at matibay na hangaring magtatag, alinsunod sa kautusan ng Diyos (tingnan sa bahagi 20). Sila rin ay bumoto na tanggapin at itaguyod sina Joseph Smith, Jr. , at Oliver Cowdery bilang mga namumunong pinuno ng Simbahan. Sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, inordenan ni Joseph si Oliver bilang elder ng Simbahan, at inordenan din ni Oliver si Joseph. Pagkaraang pangasiwaan ang sakramento, sina Joseph at Oliver ay nagpatong ng mga kamay sa bawat dumalo para sa pagbibigay ng Espiritu Santo at para sa pagpapatibay sa bawat isa bilang kasapi ng Simbahan.
1–3, Si Joseph Smith ay tinawag na tagakita, tagapagsalin, propeta, apostol, at elder; 4–8, Ang kanyang salita ang papatnubay sa kapakanan ng Sion; 9–12, Ang mga Banal ay maniniwala sa kanyang mga salita habang siya ay nangungusap sa pamamagitan ng Mang-aaliw.
BAHAGI 22
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Manchester, New York, Abril 1830 (History of the Church, 1:79–80). Ang paghahayag na ito ay ibinigay sa Simbahan bunga ng ilan na dati nang nabinyagan na nagnanais na makiisa sa Simbahan nang hindi na muling bibinyagan.
1, Ang pagbibinyag ay isang bago at walang hanggang tipan; 2–4, Ang may karapatang pagbibinyag ay kinakailangan.
BAHAGI 23
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Manchester, New York, Abril 1830, para kina Oliver Cowdery; Hyrum Smith; Samuel H. Smith; Joseph Smith, Sr. ; at Joseph Knight, Sr. (History of the Church, 1:80). Bunga ng tapat na hangarin ng limang taong nabanggit na malaman ang kani-kanilang mga tungkulin, ang Propeta ay nagtanong sa Panginoon at natanggap ang paghahayag na ito.
1–7, Ang mga naunang disipulong ito ay tinawag na mangaral, manghikayat, at palakasin ang Simbahan.
BAHAGI 24
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Oliver Cowdery, sa Harmony, Pennsylvania, Hulyo 1830 (History of the Church, 1:101–103). Bagaman wala pang apat na buwan ang nakalilipas simula nang ang Simbahan ay naitatag, ang pag-uusig ay naging masidhi, at ang mga pinuno ay nangailangang maghanap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagtatago. Ang mga sumusunod na tatlong paghahayag ay ibinigay sa panahong ito upang palakasin, hikayatin, at tagubilinan sila.
1–9, Si Joseph Smith ay tinawag na magsalin, mangaral, at magpaliwanag ng mga banal na kasulatan; 10–12, Si Oliver Cowdery ay tinawag na mangaral ng ebanghelyo; 13–19, Ang batas ay ipinahayag kaugnay ng mga himala, sumpa, at pagpapagpag ng alikabok sa paa, at paghayo ng walang supot ng salapi o supot ng pagkain.
BAHAGI 25
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Harmony, Pennsylvania, Hulyo 1830 (History of the Church, 1:103–104). (Tingnan sa ulo ng bahagi 24.) Ang paghahayag na ito ay nagbibigay-alam ng kalooban ng Panginoon kay Emma Smith, ang asawa ng Propeta.
1–6, Si Emma Smith, isang hinirang na babae, ay tinawag na tumulong at mag-alo sa kanyang asawa; 7–11, Siya ay tinawag ding sumulat, magpaliwanag ng mga banal na kasulatan, at pumili ng mga himno; 12–14, Ang awit ng mabubuti ay isang panalangin sa Panginoon; 15–16, Ang mga alituntunin ng pagsunod sa paghahayag na ito ay para sa lahat.
BAHAGI 26
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, Oliver Cowdery, at John Whitmer, sa Harmony, Pennsylvania, Hulyo 1830 (History of the Church, 1:104). (Tingnan sa ulo ng bahagi 24.)
1, Sila ay tinagubilinan na pag-aralan ang mga banal na kasulatan at mangaral; 2, Ang batas ng pangkalahatang pagsang-ayon ay pinagtibay.
BAHAGI 27
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Harmony, Pennsylvania, Agosto 1830 (History of the Church, 1:106–108). Sa paghahanda para sa isang pagpupulong sa simbahan kung saan ang sakramento ng tinapay at alak ay pangangasiwaan, si Joseph ay umalis upang kumuha ng alak. Siya ay pinagpakitaan ng isang makalangit na sugo at tinanggap ang paghahayag na ito, ang isang bahagi nito ay isinulat sa panahong iyon at ang natirang bahagi noong sumunod na Setyembre. Sa ngayon ay tubig ang siyang ginagamit sa halip na alak sa mga ordenansa ng sakramento ng Simbahan.
1–4, Ang mga simbolong gagamitin sa sakramento ay ipinagbigay-alam; 5–14, Si Cristo at ang kanyang mga tagapaglingkod mula sa lahat ng dispensasyon ay tatanggap ng sakramento; 15–18, Isuot ang buong baluti ng Diyos.
BAHAGI 28
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Oliver Cowdery, sa Fayette, New York, Setyembre 1830 (History of the Church, 1:109–111). Si Hiram Page, isang kasapi ng Simbahan, ay may isang bato at naghayag na nakatatanggap ng mga paghahayag sa tulong nito hinggil sa pagtatatag ng Sion at sa kaayusan ng Simbahan. Ilan sa kasapi ay nalinlang ng mga salaysay na ito, at maging si Oliver Cowdery ay nahikayat nito. Bago ang naitalagang pagpupulong, ang Propeta ay taimtim na nagtanong sa Panginoon hinggil sa bagay na ito, at ang paghahayag na ito ang sumunod.
1–7, Taglay ni Joseph Smith ang mga susi ng hiwaga, at siya lamang ang nakatatanggap ng mga paghahayag para sa Simbahan; 8–10, Si Oliver Cowdery ay mangangaral sa mga Lamanita; 11–16, Nilinlang ni Satanas si Hiram Page at binigyan siya ng mga maling paghahayag.
BAHAGI 29
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa harapan ng anim na elder, sa Fayette, New York, Setyembre 1830 (History of the Church, 1:111–115). Ang paghahayag na ito ay ibinigay ilang araw bago sumapit ang pagpupulong na nagsimula noong ika-26 ng Setyembre 1830.
1–8, Tinitipon ni Cristo ang kanyang mga pinili; 9–11, Ang kanyang pagparito ang magpapasimula ng Milenyo; 12–13, Ang Labindalawa ang hahatol sa buong Israel; 14–21, Mga palatandaan, salot, at kapanglawan ay mauuna sa Ikalawang Pagparito; 22–28, Ang huling pagkabuhay na mag-uli at ang huling paghuhukom ang susunod sa Milenyo; 29–35, Lahat ng bagay ay espirituwal sa Panginoon; 36–39, Ang diyablo at ang kanyang mga hukbo ay pinalayas sa langit upang tuksuhin ang tao; 40–45, Ang Pagkahulog at Pagbabayad-sala ay nagdadala ng kaligtasan; 46–50, Ang maliliit na bata ay tinubos sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala.
BAHAGI 30
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kina David Whitmer, Peter Whitmer, Jr. , at John Whitmer, sa Fayette, New York, Setyembre 1830, pagkatapos ng tatlong araw na pagpupulong sa Fayette, subalit bago naghiwa-hiwalay ang mga elder ng Simbahan (History of the Church, 1:115–116). Sa simula ang bahaging ito ay nalathala bilang tatlong paghahayag; ang mga ito ay pinagsama sa iisang bahagi ng Propeta para sa edisyon noong 1835 ng Doktrina at mga Tipan.
1–4, Si David Whitmer ay kinagalitan dahil sa hindi paglilingkod nang masigasig; 5–8, Sasamahan ni Peter Whitmer, Jr., si Oliver Cowdery sa isang misyon sa mga Lamanita, 9–11, Si John Whitmer ay tinawag na mangaral ng ebanghelyo.
BAHAGI 31
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Thomas B. Marsh, Setyembre 1830 (History of the Church, 1:115–117). Ang pangyayari ay naganap kasunod ng isang pagpupulong ng Simbahan (tingnan ang ulo ng bahagi 30). Si Thomas B. Marsh ay nabinyagan sa mga unang araw ng buwang yaon, at naordenang elder ng Simbahan bago naibigay ang paghahayag na ito.
1–6, Si Thomas B. Marsh ay tinawag na mangaral ng ebanghelyo at tiniyak ang katiwasayan ng kanyang mag-anak; 7–13, Siya ay pinayuhang maging mapagtiis, manalangin tuwina, at sundin ang Mang-aaliw.
BAHAGI 32
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kina Parley P. Pratt at Ziba Peterson, Oktubre 1830 (History of the Church, 1:118–120). Malaking pagmamalasakit at hangarin ang nadama ng mga elder tungkol sa mga Lamanita, na kung kaninong mga hinulaang pagpapala ay nalaman ng Simbahan mula sa Aklat ni Mormon. Bunga nito, ang pananalangin ay ginawa upang ipaalam ng Panginoon ang kanyang kalooban kung nararapat nang ipadala ang mga elder sa panahong yaon sa lipi ng mga Indiyan sa Kanluran. Ang paghahayag ay sumunod.
1–3, Sina Parley P. Pratt at Ziba Peterson ay tinawag na mangaral sa mga Lamanita at samahan sina Oliver Cowdery at Peter Whitmer, Jr.; 4–5, Sila ay kailangang manalangin sa ikauunawa ng mga banal na kasulatan.
BAHAGI 33
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kina Ezra Thayre at Northrop Sweet, sa Fayette, New York, Oktubre 1830 (History of the Church, 1:126–127). Sa pagtatala ng paghahayag na ito, pinatotohanan ng Propeta na “ang Panginoon ay laging handang turuan ang yaong masisigasig na naghahangad ng kaalaman nang may pananampalataya” (History of the Church, 1:126).
1–4, Ang mga manggagawa ay tinawag na magpahayag ng ebanghelyo sa ikalabing-isang oras; 5–6, Ang Simbahan ay itinatag, at ang mga hinirang ay titipunin; 7–10, Magsisi, sapagkat ang kaharian ng langit ay nalalapit na; 11–15, Ang Simbahan ay itinayo sa bato ng ebanghelyo; 16–18, Maghanda para sa pagparito ng Kasintahang lalaki.
BAHAGI 34
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Orson Pratt, sa Fayette, New York, ika-4 ng Nobyembre 1830 (History of the Church, 1:127–128). Si kapatid na Pratt ay labinsiyam na taong gulang noong mga panahong iyon. Siya ay nagbalik-loob at nabinyagan nang una niyang marinig ang pangaral ng pinanumbalik na ebanghelyo sa pamamagitan ng kanyang nakatatandang kapatid, na si Parley P. Pratt, anim na linggo ang nakaraan. Ang paghahayag na ito ay natanggap sa tahanan ni Peter Whitmer, Sr.
1–4, Ang matapat ay naging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala; 5–9, Ang pangangaral ng ebanghelyo ang naghahanda ng daan para sa Ikalawang Pagparito; 10–12, Ang propesiya ay dumarating sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
BAHAGI 35
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa o malapit sa Fayette, New York, Disyembre 1830 (History of the Church, 1:128–131). Sa panahong ito, ang Propeta ay abalang-abala halos araw-araw sa pagsasalin ng Biblia. Ang pagsasalin ay sinimulan sa mga unang araw ng buwan ng Hunyo 1830, at sina Oliver Cowdery at John Whitmer ay kapwa naglingkod bilang mga tagasulat. Yayamang sila ngayon ay natawag na sa ibang tungkulin, si Sidney Rigdon ay tinawag sa pamamagitan ng banal na paghirang na maglingkod bilang tagasulat ng Propeta sa gawaing ito (talata 20). Bilang paunang salita sa talaan niya ng paghahayag na ito, isinulat ng Propeta: “Noong Disyembre si Sidney Rigdon ay dumating [mula sa Ohio] upang magtanong sa Panginoon, at kasama niyang dumating si Edward Partridge. . . . Di nagtagal pagkarating ng dalawang kapatid na ito, sa ganito nangusap ang Panginoon” (History of the Church, 1:128).
1–2, Paano ang mga tao ay magiging mga anak ng Diyos; 3–7, Si Sidney Rigdon ay tinawag na magbinyag at maggawad ng Espiritu Santo; 8–12, Mga tanda at himala ay nagagawa sa pamamagitan ng pananampalataya; 13–16, Hihimayin ng mga tagapaglingkod ng Panginoon ang mga bansa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu; 17–19, Hawak ni Joseph Smith ang mga susi ng mga hiwaga; 20–21, Ang mga hinirang ay mabubuhay sa araw ng pagparito ng Panginoon; 22–27, Ang Israel ay maliligtas.
BAHAGI 36
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Edward Partridge, malapit sa Fayette, New York, Disyembre 1830 (History of the Church, 1:131). (Tingnan sa ulo ng bahagi 35.) Sinabi ng Propeta na si Edward Partridge “ay isang huwaran ng kabanalan, at isa sa mga dakilang tao ng Panginoon” (History of the Church, 1:128).
1–3, Ipinatong ng Panginoon ang kanyang kamay kay Edward Partridge sa pamamagitan ng kamay ni Sidney Rigdon; 4–8, Bawat lalaki na tumatanggap ng ebanghelyo at ng pagkasaserdote ay tatawagin upang humayo at mangaral.
BAHAGI 37
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, malapit sa Fayette, New York, Disyembre 1830 (History of the Church, 1:139). Dito ibinigay ang unang kautusan hinggil sa pagtitipon sa dispensasyong ito.
1–4, Ang mga Banal ay tinawag na magtipon sa Ohio.
BAHAGI 38
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Fayette, New York, ika-2 ng Enero 1831 (History of the Church, 1:140–143). Ang pagkakataon ay isang pagpupulong ng Simbahan.
1–6, Nilikha ni Cristo ang lahat ng bagay; 7–8, Siya ay nasa gitna ng kanyang mga Banal, na malapit nang makita siya; 9–12, Ang lahat ng laman ay makasalanan sa harapan niya; 13–22, Siya ay naglaan ng isang lupang pangako para sa kanyang mga Banal sa panahon at sa kawalang-hanggan; 23–27, Ang mga Banal ay inutusang magkaisa at ituring ang bawat isa bilang kapatid; 28–29, Ang mga digmaan ay hinulaan; 30–33, Ang mga Banal ay bibigyan ng kapangyarihan mula sa kaitaasan at hahayo sa lahat ng bansa; 34–42, Ang Simbahan ay inutusang kalingain ang mga maralita at nangangailangan, at hangarin ang mga kayamanan ng kawalang-hanggan.
BAHAGI 39
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay James Covill, sa Fayette, New York, ika-5 ng Enero 1831 (History of the Church, 1:143–145). Si James Covill, na naging isang Baptist na mangangaral sa loob ng may apatnapung taon, ay nakipagtipan sa Panginoon na kanyang susundin ang alinmang kautusan na ibibigay sa kanya ng Panginoon sa pamamagitan ni Joseph, ang Propeta.
1–4, Ang mga Banal ay may kapangyarihang maging mga anak ng Diyos; 5–6, Ang pagtanggap ng ebanghelyo ay pagtanggap kay Cristo; 7–14, Si James Covill ay inutusang magpabinyag at gumawa sa ubasan ng Panginoon; 15–21, Ang mga tagapaglingkod ng Panginoon ay mangangaral ng ebanghelyo bago ang Ikalawang Pagparito; 22–24, Yaong mga tumanggap ng ebanghelyo ay titipunin sa panahong ito at sa kawalang-hanggan.
BAHAGI 40
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Fayette, New York, Enero 1831 (History of the Church, 1:145). Una pa sa tala ng paghahayag na ito, isinulat ng Propeta, “Yayamang tinanggihan ni James Covill ang salita ng Panginoon, at bumalik muli sa kanyang dating mga alituntunin at tao, ibinigay ng Panginoon sa akin at kay Sidney Rigdon ang sumusunod na paghahayag” (History of the Church, 1:145).
1–3, Ang takot na mausig at mga alalahanin ng sanlibutan ang dahilan ng pagtanggi sa ebanghelyo.
BAHAGI 41
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Simbahan, sa Kirtland, Ohio, ika-4 ng Pebrero 1831 (History of the Church, 1:146–147). Ang Sangay ng Simbahan sa Kirtland sa panahong ito ay mabilis na dumarami. Bilang paunang salita sa paghahayag na ito, isinulat ng Propeta, ”[Ang] mga kasapi. . . ay nagsusumikap na gawin ang kalooban ng Diyos, hanggang sa abot ng kanilang nalalaman, bagaman may ilang kakatwang paniwala at mga huwad na espiritu ang sumapit sa kanila. . . . [at] ang Panginoon ay nagbigay sa Simbahan ng mga sumusunod” (History of the Church, 1:146–147).
1–3, Ang mga elder ay mamamahala sa Simbahan sa pamamagitan ng diwa ng paghahayag; 4–6, Ang mga tunay na tagasunod ay makatatanggap at makatutupad ng mga batas ng Panginoon; 7–12, Si Edward Partridge ay hinirang na obispo ng Simbahan.
BAHAGI 42
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-9 ng Pebrero 1831 (History of the Church, 1:148–154). Ito ay tinanggap sa harapan ng labindalawang elder at bilang katuparan sa pangakong ginawa ng Panginoon noong una na ang “batas” ay ibibigay sa Ohio (tingnan sa bahagi 38:32). Tinukoy ng Propeta ang paghahayag na ito bilang “pagyakap sa batas ng Simbahan” (History of the Church, 1:148).
1–10, Ang mga elder ay tinawag upang mangaral ng ebanghelyo, magbinyag ng mga nagbalik-loob, at magtatag ng Simbahan; 11–12, Sila ay kailangang tawagin at ordenan at magturo ng mga alituntunin ng ebanghelyo na natatagpuan sa mga banal na kasulatan; 13–17, Sila ay magtuturo at magpopropesiya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu; 18–29, Ang mga Banal ay inutusang huwag pumatay, magnakaw, magsinungaling, magnasa, makiapid, o magsalita ng masama laban sa iba; 30–39, Ang mga batas na mamamahala sa paglalaan ng mga ari-arian ay itinakda; 40–42, Kapalaluan at katamaran ay isinumpa; 43–52, Ang mga maysakit ay pagagalingin sa pamamagitan ng mga paglalapat at sa pamamagitan ng pananampalataya; 53–60, Ang mga banal na kasulatan ang namamahala sa Simbahan at kinakailangang ipahayag sa sanlibutan; 61–69, Ang lugar ng Bagong Jerusalem at ang mga hiwaga ng kaharian ay ipahahayag; 70–73, Ang mga inilaang ari-arian ay gagamitin upang tustusan ang mga pinuno ng Simbahan; 74–93, Ang mga batas na namamahala sa pangangalunya, pakikiapid, pagpatay, pagnanakaw, at pag-amin sa mga kasalanan ay ibinigay.
BAHAGI 43
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, noong Pebrero 1831 (History of the Church, 1:154–156). Sa panahong ito ang ilang kasapi ng Simbahan ay nabalisa ng mga taong gumagawa ng mga maling pag-angkin bilang mga tagapaghayag. Ang Propeta ay nagtanong sa Panginoon at tinanggap ang pakikipagtalastasang ito para sa mga elder ng Simbahan. Ang unang bahagi ay may kinalaman sa mga pamamahala ng Simbahan; ang huling bahagi ay naglalaman ng isang babala na ang mga elder ay kailangang magbigay sa mga bansa sa mundo.
1–7, Ang mga paghahayag at kautusan ay nanggagaling lamang sa isang itinalaga; 8–14, Ang mga Banal ay pababanalin sa pamamagitan ng pagkilos nang buong kabanalan sa Panginoon; 15–22, Ang mga elder ay isusugo upang magpahayag ng pagsisisi at ihanda ang mga tao para sa dakilang araw ng Panginoon; 23–28, Ang Panginoon ay tumatawag sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang sariling tinig at sa pamamagitan ng mga lakas ng kalikasan; 29–35, Ang Milenyo at ang paggapos kay Satanas ay sasapit.
BAHAGI 44
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Kirtland, Ohio, sa mga huling araw ng Pebrero 1831 (History of the Church, 1:157). Bilang pagsunod sa mga pangangailangan na dito ay ibinigay, ang Simbahan ay nagtakda ng isang pagpupulong na gaganapin sa mga unang araw ng buwan ng Hunyong susunod.
1–3, Ang mga elder ay magtitipun-tipon sa pagpupulong; 4-6, Sila ay isasaayos alinsunod sa mga batas ng lupain at upang kalingain ang mga maralita.
BAHAGI 45
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Simbahan, sa Kirtland, Ohio, ika-7 ng Marso 1831 (History of the Church, 1:158–163). Nilagyan ng paunang salita ang kanyang talaan ng paghahayag na ito, sinabi ng Propeta na “sa gulang na ito ng Simbahan. . . maraming maling ulat. . . at hangal na kuwento, ang nailathala. . . at kumalat,. . . upang mahadlangan ang mga tao sa pagsisiyasat sa gawain, at sa pagyakap sa pananampalataya. . . . Subalit sa kagalakan ng mga Banal,. . . natanggap ko ang mga sumusunod” (History of the Church, 1:158).
1–5, Si Cristo ang ating tagapamagitan sa Ama; 6–10, Ang ebanghelyo ay isang sugo upang ihanda ang daan para sa pagparito ng Panginoon; 11–15, Si Enoc at ang kanyang mga kapatid ay tinanggap ng Panginoon sa kanyang sarili; 16–23, Ipinahayag ni Cristo ang mga palatandaan ng kanyang pagparito tulad ng ibinigay sa Bundok ng mga Olibo; 24–38, Ang ebanghelyo ay ibabalik, ang mga panahon ng mga Gentil ay matutupad, at isang mapamanglaw na karamdaman ang babalot sa lupa; 39–47, Mga palatandaan, kababalaghan, at ang Pagkabuhay na mag-uli ang kalakip ng Ikalawang Pagparito; 48–53, Si Cristo ay tatayo sa Bundok ng mga Olibo, at makikita ng mga Judio ang mga sugat sa kanyang mga kamay at paa; 54–59, Ang Panginoon ay maghahari sa Milenyo; 60–62, Ang Propeta ay inatasang simulan ang pagsasalin ng Bagong Tipan, na kung saan ang mahahalagang kaalaman ay ipaaalam; 63–75, Ang mga Banal ay inutusang magtipun-tipon at itayo ang Bagong Jerusalem, kung saan ang mga tao mula sa lahat ng bansa ay paroroon.
BAHAGI 46
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Simbahan, sa Kirtland, Ohio, ika-8 ng Marso 1831 (History of the Church, 1:163–165). Sa maagang panahong ito ng Simbahan, wala pang nabuong pamantayan para sa pangangasiwa ng mga pagpupulong sa Simbahan. Gayon pa man, yaon lamang nakaugalian na pagtanggap sa mga kasapi at ng matatapat na tagapagmasid sa mga sakramentong pagpupulong at iba pang mga pagtitipon sa Simbahan ang naging pangkalahatan. Ang paghahayag na ito ay nagsasaad ng kalooban ng Panginoon tungkol sa pamumuno at pangangasiwa ng mga pagpupulong.
1–2, Ang mga elder ang mangangasiwa sa mga pagpupulong habang pinapatnubayan ng Banal na Espiritu; 3–6, Ang mga naghahanap ng katotohanan ay hindi dapat pagbawalan sa mga sakramentong pagpupulong; 7–12, Humingi sa Diyos at hanapin ang mga kaloob ng Espiritu; 13–26, Isang tala ng ilan sa kaloob na ito ay ibinigay; 27–33, Ang mga pinuno ng Simbahan ay binigyan ng kapangyarihan na makilala ang mga kaloob ng Espiritu.
BAHAGI 47
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-8 ng Marso 1831 (History of the Church, 1:166). Bago ang panahong ito si Oliver Cowdery ay gumanap bilang mananalaysay at tagasulat sa Simbahan. Si John Whitmer ay hindi naghangad na maitalaga bilang mananalaysay, subalit, bilang nahilingang maglingkod sa ganitong tungkulin, sinabi niyang susundin niya ang kalooban ng Panginoon sa bagay na ito. Siya ay nakapaglingkod na bilang kalihim ng Propeta sa pagtatala ng maraming paghahayag na natanggap sa kalakhan ng Fayette, New York.
1–4, Si John Whitmer ay tinukoy na mag-ingat ng kasaysayan ng Simbahan at magsulat para sa Propeta.
BAHAGI 48
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, Marso 1831 (History of the Church, 1:166–167). Ang Propeta ay nagtanong sa Panginoon tungkol sa pamamaraan ng pagkuha ng mga lupain para sa titirahan ng mga Banal. Ito ay isang mahalagang bagay dahil sa paglipat ng mga kasapi ng Simbahan mula sa silangang Estados Unidos, sa pagsunod sa utos ng Panginoon na sila ay nararapat na magtipun-tipon sa Ohio (tingnan ang bahagi 37:1–3; 45:64).
1–3, Ang mga Banal sa Ohio ay magbabahagi ng kanilang mga lupain sa kanilang mga kapatid; 4–6, Ang mga Banal ay bibili ng mga lupain, magtatayo ng isang lunsod, at susunod sa payo ng kanilang mga namumunong pinuno.
BAHAGI 49
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kina Sidney Rigdon, Parley P. Pratt, at Leman Copley, sa Kirtland, Ohio, Marso 1831 (History of the Church, 1:167–169). (Ilang pinagkukunan ng kasaysayan ang nagbibigay ng petsa ng paghahayag na ito bilang Mayo 1831.) Niyakap ni Leman Copley ang ebanghelyo subalit naniniwala pa rin siya sa ilang aral ng mga Shaker (Nagkakaisang Samahan ng mga Naniniwala sa Ikalawang Pagpapakita ni Cristo) kung saan siya ay dating kasapi. Ilan sa paniniwala ng mga Shaker na ang ikalawang pagparito ni Cristo ay naganap na at siya ay nagpakita sa anyo ng isang babae, na si Ann Lee; ang pagbibinyag sa pamamagitan ng tubig ay hindi itinuturing na mahalaga; ang pagkain ng karne ng baboy ay tuwirang ipinagbabawal, at marami ang hindi kumakain ng karne; at ang buhay walang asawa ay itinuturing na mas mataas pa sa buhay may asawa. Sa pagbibigay ng paunang salita sa paghahayag na ito, isinulat ng Propeta, “Upang magkaroon ng higit na pang-unawa sa paksa, ako ay nagtanong sa Panginoon, at natanggap ang sumusunod” (History of the Church, 1:167). Pinabulaanan ng paghahayag ang ilang saligang kuru-kuro ng mga pangkat ng mga Shaker. Ang mga nabanggit na kapatid ay nagdala ng isang sipi ng paghahayag sa komunidad ng mga Shaker (malapit sa Cleveland, Ohio) at binasa sa kanila ang kabuuan nito, subalit ito ay tinanggihan.
1–7, Ang araw at oras ng pagparito ni Cristo ay mananatiling walang nakaaalam hanggang sa siya ay pumarito; 8–14, Ang mga tao ay kailangang magsisi, maniwala sa ebanghelyo, at sumunod sa mga ordenansa upang makamit ang kaligtasan; 15–16, Ang kasal ay inorden ng Diyos; 17–21, Ang pagkain ng karne ay ipinahintulot; 22–28, Ang Sion ay mananagana at ang mga Lamanita ay mamumukadkad gaya ng rosas bago ang Ikalawang Pagparito.
BAHAGI 50
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, Mayo 1831 (History of the Church, 1:170–173). Sinabi ng Propeta na may ilang elder na hindi makaunawa sa mga pagpapakita ng mga iba’t ibang espiritu na laganap sa mundo at ang paghahayag na ito ay ibinigay bilang tugon sa kanyang natatanging pagtatanong tungkol sa bagay na ito. Ang mga tinaguriang pang-espirituwal na kababalaghan ay karaniwan sa mga kasapi, ang ilan ay nagsabing sila ay nakatatanggap ng mga pangitain at paghahayag.
1–5, Maraming mapanlinlang na espiritu ang laganap sa mundo; 6–9, Sa aba sa mga mapagkunwari at sa yaong mga itiniwalag mula sa Simbahan; 10–14, Ang mga elder ay mangangaral ng ebanghelyo sa pamamagitan ng Espiritu; 15–22, Ang mga mangangaral at mga nakikinig ay kailangang maliwanagan sa pamamagitan ng Espiritu; 23–25, Ang yaong hindi nakapagpapatibay ay hindi sa Diyos; 26–28, Ang matatapat ang nagmamay-ari ng lahat ng bagay; 29–36, Ang mga panalangin ng mga pinadalisay ay tinutugon; 37–46, Si Cristo ang Mabuting Pastol at ang Bato ng Israel.
BAHAGI 51
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Thompson, Ohio, Mayo 1831 (History of the Church, 1:173–174). Sa panahong ito ang mga Banal na nagpapalipat-lipat mula sa mga estado sa silangan ay nagsimulang dumating sa Ohio, at naging kinakailangang gumawa ng tiyakang pagsasaayos para sa kanilang paninirahan. Yayamang ang gawaing ito ay sa katungkulan ng obispo, si Obispo Edward Partridge ay naghangad ng tagubilin ukol sa bagay na ito, at ang Propeta ay nagtanong sa Panginoon.
1–8, Si Edward Partridge ay itinalaga na isaayos ang mga pangangasiwa at ari-arian; 9–12, Ang mga Banal ay kailangang makitungo nang tapat at tumanggap nang magkakapantay; 13–15, Sila ay kailangang magkaroon ng kamalig ng obispo at isaayos ang mga ari-arian alinsunod sa batas ng Panginoon; 16–20, Ang Ohio ang magiging pansamantalang lugar na pagtitipunan.
BAHAGI 52
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa mga elder ng Simbahan, sa Kirtland, Ohio, ika-7 ng Hunyo 1831 (History of the Church, 1:175–179). Isang pagpupulong ang ginanap sa Kirtland, simula sa ika-3 at nagtapos sa ika-6 ng Hunyo. Sa pagpupulong na ito ang unang natatanging pag-oorden sa katungkulan ng mataas na saserdote ay ginawa, at ilang pagpapakita ng huwad at manlilinlang na espiritu ay nawari at sinaway.
1–2, Ang susunod na pagpupulong ay itinakda na gaganapin sa Missouri; 3–8, Ang pagtatalaga sa ilang elder na maglalakbay na sama-sama ay isinagawa; 9–11, Ituturo ng mga elder yaong mga isinulat ng mga apostol at propeta; 12–21, Ang mga yaong naliwanagan ng Espiritu ay magdadala ng bunga ng papuri at karunungan; 22–44, Ilang elder ang itinalaga na humayong nangangaral ng ebanghelyo habang naglalakbay sa Missouri para sa pagpupulong.
BAHAGI 53
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Algernon Sidney Gilbert, sa Kirtland, Ohio, Hunyo 1831 (History of the Church, 1:179–180). Sa kahilingan ni Sidney Gilbert, ang Propeta ay nagtanong sa Panginoon tungkol sa gawain ni Kapatid na Gilbert at pagkakatalaga sa Simbahan.
1–3, Ang pagtawag at paghirang sa Simbahan kay Sidney Gilbert ay upang ordenan bilang isang elder; 4–7, Siya ay maglilingkod din bilang kinatawan ng obispo.
BAHAGI 54
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Newel Knight, sa Kirtland, Ohio, Hunyo 1831 (History of the Church, 1:180–181). Ang mga kasapi ng Simbahan sa sangay sa Thompson, Ohio, ay nahati sa mga katanungan tungkol sa paglalaan ng mga ari-arian. Ang pagmamaramot at kasakiman ay nakita, at sinira ni Leman Copley ang kanyang tipan na ilaan ang kanyang malaking sakahan bilang isang lugar na mana para sa mga Banal na dumating mula sa Colesville, New York. Si Ezra Thayre ay nasangkot din sa pagtatalo. Bunga nito, si Newel Knight (pangulo sa sangay sa Thompson) at iba pang elder ay lumapit sa Propeta upang magtanong kung paano ang gagawin. Ang Propeta ay nagtanong sa Panginoon at natanggap itong paghahayag. (Tingnan sa bahagi 56, na karugtong ng paksa.)
1–6, Ang mga Banal ay kinakailangang tumupad sa mga tipan ng ebanghelyo upang makatamo ng awa; 7–10, Sila ay kinakailangang maging mapagtiis sa mga pagdurusa.
BAHAGI 55
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay William W. Phelps, sa Kirtland, Ohio, Hunyo 1831 (History of the Church, 1:184–186). Si William W. Phelps, isang manlilimbag, at ang kanyang mag-anak ay kararating lamang sa Kirtland, at ang Propeta ay humingi ng kaalaman sa Panginoon hinggil sa kanya.
1–3, Si W. W. Phelps ay tinawag at pinili upang mabinyagan, maordenan bilang isang elder, at mangaral ng ebanghelyo; 4, Siya rin ay magsusulat ng mga aklat pambata sa mga paaralan sa Simbahan; 5–6, Siya ay maglalakbay sa Missouri, na siyang lugar na kanyang pagpapagalan.
BAHAGI 56
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, Hunyo 1831 (History of the Church, 1:186–188). Si Ezra Thayre, na itinalaga upang maglakbay sa Missouri kasama ni Thomas B. Marsh (tingnan sa bahagi 52:22), ay hindi makapagsimula sa kanyang misyon nang ang huli ay handa na. Si Elder Thayre ay hindi pa handang lumisan sa kanyang paglalakbay dahil sa kanyang pagkakasangkot sa mga suliranin sa Thompson, Ohio (tingnan sa ulo ng bahagi 54). Tinugon ng Panginoon ang pagtatanong ng Propeta hinggil sa bagay na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng paghahayag na ito.
1–2, Ang mga Banal ay kinakailangang magpasan ng kanilang krus at sumunod sa Panginoon upang matamo ang kaligtasan; 3–13, Ang Panginoon ay mag-uutos at magpapawalang-bisa, at ang mga hindi sumusunod ay itinitiwalag; 14–17, Sa aba sa mayayaman na hindi tutulong sa mga maralita, at sa aba sa mga maralita na ang puso ay hindi bagbag; 18–20, Pinagpala ang mga maralita na dalisay sa puso, sapagkat mamanahin nila ang mundo.
BAHAGI 57
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Sion, Jackson County, Missouri, ika-20 ng Hulyo 1831 (History of the Church, 1:189–190). Bilang pagsunod sa utos ng Panginoon (bahagi 52), ang mga elder ay naglakbay mula sa Kirtland hanggang sa Missouri na may maraming iba’t ibang karanasan at ilang pagsalungat. Sa pagmumuni-muni sa kalagayan ng mga Lamanita at ang kakulangan ng kabihasnan, kalinangan, at relihiyon ng mga tao sa pangkalahatan, ang Propeta ay bumulalas: “Kailan mamumukadkad ang ilang gaya ng rosas? Kailan itatatag ang Sion sa kanyang kaluwalhatian, at saan itatayo ang Iyong templo, na kung saan ang lahat ng bansa ay magtutungo sa mga huling araw?” (History of the Church, 1:189). Pagkatapos nito natanggap niya ang paghahayag na ito.
1–3, Ang Independence, Missouri, ay pook para sa Lunsod ng Sion at ng templo; 4–7, Ang mga Banal ay bibili ng lupain at tatanggap ng mga mana sa dakong yaon; 8–16, Si Sidney Gilbert ay magtatayo ng isang tindahan, si W. W. Phelps ay magiging manlilimbag, at si Oliver Cowdery ay pamamatnugutan ang mga manuskrito para sa paglalathala.
BAHAGI 58
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Sion, Jackson County, Missouri, ika-1 ng Agosto 1831 (History of the Church, 1:190–195). Sa unang Sabbath pagkaraan ng pagdating ng Propeta at ng kanyang pangkat sa Jackson County, Missouri, isang pagpupulong na panrelihiyon ang ginanap, at dalawang kasapi ang tinanggap sa pamamagitan ng pagbibinyag. Nang linggong yaon, ang ilan sa Banal sa Colesville mula sa Sangay ng Thompson at ang iba pa ay dumating (tingnan sa bahagi 54). Marami ang nagnais na malaman ang kalooban ng Panginoon hinggil sa kanila sa bagong lugar na pagtitipunan.
1–5, Yaong mga nakapagtiis ng kapighatian ay puputungan ng kaluwalhatian; 6–12, Ang mga Banal ay maghahanda para sa kasal ng Kordero at sa hapunan ng Panginoon; 13–18, Ang mga Obispo ang mga hukom sa Israel; 19–23, Ang mga Banal ay kinakailangang sumunod sa mga batas ng lupain; 24–29, Nararapat gamitin ng mga tao ang kanilang kalayaang mamili sa paggawa ng kabutihan; 30–33, Ang Panginoon ay nag-uutos at nagpapawalang-bisa; 34–43, Upang makapagsisi, kailangang aminin at talikdan ng mga tao ang kanilang mga kasalanan; 44–58, Ang mga Banal ay bibili ng kanilang mana at magsisipagtipon sa Missouri; 59–65, Ang ebanghelyo ay kailangang ipangaral sa bawat nilalang.
BAHAGI 59
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Sion, Jackson County, Missouri, ika-7 ng Agosto 1831 (History of the Church, 1:196–201). Nauna sa kanyang talaan ng paghahayag na ito, ang Propeta ay nagsusulat nang naglalarawan ng lupain ng Sion, kung saan ang mga tao noon ay nagkatipun-tipon. Ang lupain ay inilaan, tulad ng iniutos ng Panginoon, at ang lugar para sa itatayong templo ay inilaan. Ginawa ng Panginoon ang mga kautusang ito na sadyang naaangkop sa mga Banal sa Sion.
1–4, Ang matatapat na Banal sa Sion ay pagpapalain; 5–8, Kailangan nilang mahalin at paglingkuran ang Panginoon at sundin ang kanyang mga kautusan; 9–19, Sa pamamagitan ng pagpapanatiling banal sa araw ng Panginoon, ang mga Banal ay pagpapalain sa temporal at espirituwal; 20–24, Ang mabubuti ay pinangakuan ng kapayapaan sa daigdig na ito at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating.
BAHAGI 60
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Jackson County, Missouri, ika-8 ng Agosto 1831 (History of the Church, 1:201–202). Sa pagkakataong ito ang mga elder na itinalagang bumalik sa Silangan ay nagnais na malaman kung paano sila makapagpapatuloy at sa anong landas at pamamaraan sila maglalakbay.
1–9, Ang mga elder ay kailangang ipangaral ang ebanghelyo sa mga kongregasyon ng masasama; 10–14, Hindi nila dapat aksayahin ang kanilang panahon, ni itago ang kanilang mga talino; 15–17, Maaari nilang hugasan ang kanilang mga paa bilang isang patotoo laban sa yaong mga hindi tinanggap ang ebanghelyo.
BAHAGI 61
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa pampang ng Ilog ng Missouri, McIlwaine’s Bend, ika-12 ng Agosto 1831 (History of the Church, 1:202–205). Sa kanilang paglalakbay pabalik sa Kirtland, ang Propeta at sampung elder ay naglakbay sa Ilog ng Missouri sa pamamagitan ng mga bangka. Sa pangatlong araw ng paglalakbay, maraming panganib ang naranasan. Si Elder William W. Phelps, sa isang pangitain na nangyari sa araw, ay nakita ang mangwawasak na nakasakay nang may kapangyarihan sa ibabaw ng tubig.
1–12, Ang Panginoon ay nagpahayag ng maraming kapahamakan sa mga tubig; 13–22, Ang mga tubig ay isinumpa ni Juan, at ang mangwawasak ay nakasakay sa ibabaw nito; 23–29, Ang ilan ay may kapangyarihang utusan ang mga tubig; 30–35, Ang mga elder ay kailangang maglakbay nang dala-dalawa at ipangaral ang ebanghelyo; 36–39, Sila ay kailangang maghanda para sa pagparito ng Anak ng Tao.
BAHAGI 62
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa pampang ng Ilog ng Missouri sa Chariton, Missouri, ika-13 ng Agosto 1831 (History of the Church, 1:205–206). Sa araw na ito ang Propeta at ang kanyang pangkat, na nasa kanilang paglalakbay mula Independence patungong Kirtland, ay nasalubong ang ilang elder na naglalakbay patungo sa lupain ng Sion, at, pagkaraan ng masayang pagbabatian, ay tinanggap ang paghahayag na ito.
1–3, Ang mga patotoo ay nakatala sa langit; 4–9, Ang mga elder ay kailangang maglakbay at mangaral alinsunod sa pasiya at habang ginagabayan ng Espiritu.
BAHAGI 63
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, bandang katapusan ng Agosto 1831 (History of the Church, 1:206–211). Ang Propeta, si Sidney Rigdon, at si Oliver Cowdery ay dumating sa Kirtland noong ika-27 ng Agosto mula sa kanilang pagdalaw sa Missouri. Bilang pambungad na salita sa kanyang tala ng paghahayag na ito, isinulat ng Propeta, “Sa mga araw na ito na ang Simbahan ay nagsisimula pa lamang, may malaking pananabik na matanggap ang salita ng Panginoon sa bawat paksa na sa anumang pamamaraan ay may kinalaman sa ating kaligtasan; at yayamang ang lupain ng Sion ngayon ang pinakamahalagang bagay rito sa lupa na isinasaalang-alang, ako ay nagtanong sa Panginoon para sa karagdagang kaalaman sa pagtitipon ng mga Banal, at ang pagbili ng lupain, at iba pang mga bagay” (History of the Church, 1:207).
1–6, Ang araw ng pagkapoot ay sasapit sa masasama; 7–12, Ang mga tanda ay dumarating sa pamamagitan ng pananampalataya; 13–19, Ang mga nangangalunya sa puso ay magtatatwa sa pananampalataya at itatapon sa lawa ng apoy; 20, Ang matapat ay tatanggap ng mana sa nabagong-anyong mundo; 21, Buong salaysay ng mga pangyayari sa Bundok ng Pagbabagong-anyo ay hindi pa naipahahayag; 22–23, Ang masunurin ay tatanggapin ang mga hiwaga ng kaharian; 24–31, Mga mana sa Sion ay bibilhin; 32–35, Ang Panginoon ay nagpahayag ng mga digmaan, at papatayin ng masasama ang masasama; 36–48, Ang mga Banal ay magtitipon sa Sion at maglalaan ng mga salapi upang itayo ito; 49–54, Ang mga pagpapala ay tiniyak sa matatapat sa Ikalawang Pagparito, sa Pagkabuhay na mag-uli, at sa Milenyo; 55–58, Ito ay araw ng babala; 59–66, Ang pangalan ng Panginoon ay ginagamit sa walang kabuluhan ng mga yaong gumagamit nito nang walang karapatan.
BAHAGI 64
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa mga elder ng Simbahan, sa Kirtland, Ohio, ika-11 ng Setyembre 1831 (History of the Church, 1:211–214). Ang Propeta ay naghahandang lumipat sa Hiram, Ohio, upang muling gumawa ng pagsasalin ng Biblia, na naisantabi samantalang siya ay nasa Missouri. Isang pangkat ng mga kapatid na lalaki na inutusang maglakbay sa Sion (Missouri) ay masigasig na naghahanda sa paglisan sa Oktubre. Sa abalang panahong ito, ang paghahayag na ito ay natanggap.
1–11, Ang mga banal ay inutusang magpatawad sa isa’t isa, at kung hindi ay mananatili sa kanila ang mas malaking kasalanan; 12–22, Ang hindi nagsisisi ay ihaharap sa Simbahan; 23–25, Siya na nagbigay ng ikapu ay hindi masusunog sa pagparito ng Panginoon; 26–32, Ang mga Banal ay binalaan laban sa pagkakautang; 33–36, Ang mga mapanghimagsik ay ihihiwalay sa Sion; 37–40, Hahatulan ng Simbahan ang mga bansa; 41–43, Ang Sion ay mananagana.
BAHAGI 65
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Oktubre 1831 (History of the Church, 1:218). Tinukoy ng Propeta ang paghahayag na ito bilang isang panalangin.
1–2, Ang mga susi ng kaharian ng Diyos ay ipinagkatiwala sa tao sa mundo, at ang layunin ng ebanghelyo ay magwawagi; 3–6, Ang pangmilenyong kaharian ng langit ay paparito at makikiisa sa kaharian ng Diyos sa lupa.
BAHAGI 66
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Orange, Ohio, ika-25 ng Oktubre 1831 (History of the Church, 1:219–221). Ito ang unang araw ng isang mahalagang pagpupulong. Bilang pambungad sa paghahayag na ito, isinulat ng Propeta, “Sa kahilingan ni William E. McLellin, ako ay nagtanong sa Panginoon, at natanggap ang mga sumusunod” (History of the Church, 1:220).
1–4, Ang walang hanggang tipan ang kabuuan ng ebanghelyo; 5–8, Ang mga elder ay mangangaral, magpapatotoo, at magpapaliwanag sa mga tao; 9–13, Ang matapat na paglilingkod sa ministeryo ay tumitiyak sa mana na buhay na walang hanggan.
BAHAGI 67
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Nobyembre 1831 (History of the Church, 1:224–225). Ang pagkakataon ay ukol sa isang natatanging pagpupulong, at ang paglalathala ng mga paghahayag na natanggap na mula sa Panginoon sa pamamagitan ng Propeta ay isinaalang-alang (tingnan sa ulo ng bahagi 1). Napagpasiyahan na dalhin nina Oliver Cowdery at John Whitmer ang mga manuskrito ng mga paghahayag sa Independence, na kung saan si W. W. Phelps ay maglalathala ng mga yaon bilang Aklat ng mga Kautusan. Marami sa kalalakihan ang nagbigay ng mataimtim na patotoo na ang mga paghahayag na noon ay tinipon para sa paglalathala ay tunay ngang totoo, gaya ng pinatotohanan ng Espiritu Santo sa kanila. Itinala ng Propeta na pagkatapos matanggap ang paghahayag na nakikilala bilang bahagi 1, nagkaroon ng ilang hindi magandang usap-usapan hinggil sa wikang ginamit sa mga paghahayag. Ang paghahayag na ito ang sumunod.
1–3, Naririnig ng Panginoon ang mga panalangin at sumusubaybay sa kanyang mga elder; 4–9, Kanyang hinahamon ang pinakamarunong na tao na gayahin ang pinakamaliit sa kanyang mga paghahayag; 10–14, Ang matatapat na elder ay pasisiglahin ng Espiritu at makikita ang mukha ng Diyos.
BAHAGI 68
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Nobyembre 1831, sa pakiusap nina Orson Hyde, Luke S. Johnson, Lyman E. Johnson, at William E. McLellin (History of the Church, 1:227–229). Kahit na ang paghahayag na ito ay ibinigay bilang tugon sa pagsusumamo na ang kaisipan ng Panginoon ay ipaalam hinggil sa mga nabanggit na elder, marami sa mga nilalaman ang tumutukoy sa buong Simbahan.
1–5, Ang mga salita ng mga elder kapag pinakikilos ng Espiritu Santo ay banal na kasulatan; 6–12, Ang mga elder ay mangangaral at magbibinyag, at mga tanda ay susunod sa mga tunay na naniniwala; 13–24, Ang panganay sa mga anak na lalaki ni Aaron ay maaaring maglingkod bilang Namumunong Obispo (iyon ay, hawakan ang mga susi ng panguluhan bilang isang obispo) sa ilalim ng tagubilin ng Unang Panguluhan; 25–28, Ang mga magulang ay inutusang ituro ang ebanghelyo sa kanilang mga anak; 29–35, Ang mga Banal ay kailangang sundin ang Sabbath, masikap na gumawa, at manalangin.
BAHAGI 69
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Nobyembre 1831 (History of the Church, 1:234–235). Ang pagkakatipon ng mga paghahayag na hinahangad sa maagang paglalathala ay ipinasa sa natatanging pagpupulong noong ika-1 ng Nobyembre. Noong ika-3 ng Nobyembre, ang paghahayag na makikita rito bilang bahagi 133 ay idinagdag at tinawag na Apendise. Bilang kapasiyahan sa pagpupulong, si Oliver Cowdery ay itinalaga upang dalhin ang manuskrito ng mga tinipong paghahayag at kautusan sa Independence, Missouri, para sa paglilimbag. Siya rin ay kailangang magdala ng mga salapi na pinag-ambagan para sa pagpapatayo ng Simbahan sa Missouri. Sapagkat ang pagdaraanan ng paglalakbay ay maghahatid sa kanya sa isang bayan na may kakaunting naninirahan hanggang sa hangganan, isang kasama sa paglalakbay ay kanais-nais.
1–2, Si John Whitmer ang sasama kay Oliver Cowdery sa Missouri; 3–8, Siya rin ay mangangaral at magtitipon, magtatala, at susulat ng makasaysayang pangyayari.
BAHAGI 70
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-12 ng Nobyembre 1831 (History of the Church, 1:235–237). Ang kasaysayang isinulat ng Propeta ay nagsasabing apat na natatanging pagpupulong ang ginanap mula ika-1 hanggang ika-12 ng Nobyembre, magkakasunod. Sa katapusan ng mga pagtitipong ito, ang malaking kahalagahan ng Aklat ng mga Kautusan, sa dakong huli ay tinawag na Doktrina at mga Tipan, ay isinaalang-alang; at tinukoy ito ng Propeta bilang “ang saligan ng Simbahan sa mga huling araw na ito, at isang kapakinabangan sa sanlibutan, ipinakikita na ang mga susi ng mga hiwaga ng kaharian ng ating Tagapagligtas ay muling ipinagkatiwala sa tao” (History of the Church, 1:235).
1–5, Mga katiwala ay itinalaga upang ilathala ang mga paghahayag; 6–13, Yaong mga nagpapagal sa mga espirituwal na bagay ay karapat-dapat sa kanilang upa; 14–18, Ang mga Banal ay dapat na pantay-pantay sa mga temporal na bagay.
BAHAGI 71
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Hiram, Ohio, ika-1 ng Disyembre 1831 (History of the Church, 1:238–239). Ang Propeta ay nagpatuloy na magsalin ng Biblia na kasama si Sidney Rigdon bilang kanyang tagasulat hanggang sa ang paghahayag na ito ay natanggap, sa panahong ito ay pansamantalang isinaisantabi muna upang matupad nila ang tagubilin na ibinigay rito. Ang mga kapatid ay kailangang humayo upang mangaral nang sa gayon ay mabawasan ang hindi mabuting damdaming namumuo laban sa Simbahan bunga ng paglalathala ng ilang lathalain sa pahayagan ni Ezra Booth, na ganap na tumalikod sa kanyang relihiyon.
1–4, Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay isinugo upang ipahayag ang ebanghelyo; 5–11, Ang mga kaaway ng mga Banal ay lilituhin.
BAHAGI 72
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-4 ng Disyembre 1831 (History of the Church, 1:239–241). Ilan sa mga elder at kasapi ang nagtipon upang malaman ang kanilang mga tungkulin at lalong maliwanagan sa mga turo ng Simbahan. Ang bahaging ito ay pinagsamang dalawang paghahayag na natanggap sa loob ng isang araw. Ipinaalam ng talata 1 hanggang 8 ang tungkulin ni Newel K. Whitney bilang isang obispo. Siya ay tinawag at inordenan, pagkatapos ang talata 9 hanggang 26 ay tinanggap, nagbibigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga tungkulin ng obispo.
1–8, Ang mga elder ay magbibigay-sulit tungkol sa kanilang pangangasiwa sa obispo; 9–15, Ang obispo ang mag-iingat ng kamalig at mangangalaga sa mga maralita at nangangailangan; 16–26, Ang mga obispo ay magpapatunay ng pagiging karapat-dapat ng mga elder.
BAHAGI 73
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Hiram, Ohio, ika-10 ng Enero 1832 (History of the Church, 1:241–242). Mula noong unang bahagi ng nakaraang buwan ng Disyembre, ang Propeta at si Sidney ay naging abala sa pangangaral, at sa pamamagitan nito ay maraming nagawa upang mabawasan ang mga hindi magandang damdamin na lumitaw laban sa Simbahan (tingnan sa ulo ng bahagi 71).
1–2, Ang mga elder ay magpapatuloy sa pangangaral; 3–6, Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay magpapatuloy sa pagsasalin ng Biblia hanggang sa ito ay matapos.
BAHAGI 74
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Enero 1832 (History of the Church, 1:242). Isinulat ng Propeta: “Sa pagtanggap ng nauunang salita ng Panginoon [D at T 73], aking muling sinimulan ang pagsasalin ng mga Banal na Kasulatan, at masigasig na gumawa hanggang bago dumating ang pagpupulong, na nakatakdang ganapin sa ika-25 ng Enero. Sa panahong ito natanggap ko rin ang mga sumusunod, bilang paliwanag ng Unang Sulat sa mga Taga-Corinto, ika-7 kabanata, ika-14 na talata” (History of the Church, 1:242).
1–5, Pinayuhan ni Pablo ang Simbahan noong kanyang kapanahunan na huwag sundin ang mga batas ni Moises; 6–7, Ang maliliit na bata ay banal at pinabanal sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala.
BAHAGI 75
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Amherst, Ohio, ika-25 ng Enero 1832 (History of the Church, 1:242–245). Ang pangyayari ay sa isang pagpupulong na naunang itinakda. Sa pagpupulong na ito si Joseph Smith ay sinang-ayunan at inordenan Pangulo ng Mataas na Pagkasaserdote. May ilang elder, na nakaranas ng kahirapan sa pagpapaunawa sa mga tao ng kanilang mensahe, ay naghangad na matutuhan nang higit pa ang kanilang mga pangunahing tungkulin. Ang paghahayag na ito ang sumunod.
1–5, Ang matatapat na elder na nangangaral ng ebanghelyo ay makatatamo ng buhay na walang hanggan; 6–12, Manalangin upang matanggap ang Mang-aaliw, na nagtuturo ng lahat ng bagay; 13–22, Ang mga elder ay uupo sa paghuhukom sa mga yaong tumanggi sa kanilang mensahe; 23–36, Ang mag-anak ng mga misyonero ay makatatanggap ng tulong mula sa Simbahan.
BAHAGI 76
Isang pangitain na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Hiram, Ohio, ika-16 ng Pebrero 1832 (History of the Church, 1:245–252). Sa pagsisimula sa kanyang tala ng pangitaing ito, ang Propeta ay sumulat: “Sa aking pagbalik mula sa pagpupulong sa Amherst, ipinagpatuloy ko ang pagsasalin ng Banal na Kasulatan. Mula sa iba’t ibang paghahayag na natanggap, kitang-kita na maraming mahalagang paksa hinggil sa kaligtasan ng tao, ang inalis mula sa Biblia, o nawala bago ito inipon. Kitang-kita mula sa mga naiwang katotohanan, na kung ang Diyos ay nagbibigay ng gantimpala sa lahat alinsunod sa gawaing ginawa habang nabubuhay, ang katagang ‘Langit’, na hangad para sa walang hanggang tahanan ng mga Banal, ay kinakailangang sumaklaw sa marami pang kaharian maliban sa isa. Alinsunod dito,. . . habang isinasalin ang Ebanghelyo ni San Juan, ako at si Elder Rigdon ay nakita ang sumusunod na pangitain” (History of the Church, 1:245). Ito ay matapos isalin ng Propeta ang Juan 5:29 nang ang pangitaing ito ay ipinagkaloob.
1–4, Ang Panginoon ay Diyos; 5–10, Ang hiwaga ng kaharian ay ipahahayag sa lahat ng matapat; 11–17, Ang lahat ay babangon sa pagkabuhay na mag-uli ng mga matwid o ng mga di-matwid; 18–24, Ang mga naninirahan sa maraming daigdig ay mga isinilang na anak na lalaki at babae ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo; 25–29, Isang anghel ng Diyos ang bumagsak at naging ang diyablo; 30–49, Ang mga anak ng kapahamakan ay magdurusa ng walang hanggang kapahamakan; ang lahat ng iba pa ay tatanggap ng ilang antas ng kaligtasan; 50–70, Ang kaluwalhatian at ang gantimpala ng mga dinakilang nilalang sa kahariang selestiyal ay inilarawan; 71–80, Yaong mga magmamana ng kahariang terestriyal ay inilarawan; 81–113, Ang kalagayan ng mga yaong nasa kaluwalhatiang telestiyal, terestriyal at selestiyal ay ipinaliwanag; 114–119, Ang matatapat ay maaaring makita at makaunawaan ang mga hiwaga ng kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
BAHAGI 77
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Marso 1832 (History of the Church, 1:253–255). Isinulat ng Propeta, “Kaugnay sa pagsasalin ng mga Banal na Kasulatan, tinanggap ko ang mga sumusunod na paliwanag sa Apocalipsis ni San Juan” (History of the Church, 1:253).
1–4, Ang mga hayop ay may espiritu at mananahan sa walang hanggang kaligayahan sa walang kamatayang mundo; 5–7, Ang mundong ito ay may panandalian lamang na buhay na 7,000 taon; 8–10, Iba’t ibang anghel ang nagpanumbalik ng ebanghelyo at naglingkod sa mundo; 11, Ang pagtatatak sa 144,000; 12–14, Paparito si Cristo sa pasimula ng ikapitong libong taon; 15, Dalawang propeta ang ibabangon sa bayan ng mga Judio.
BAHAGI 78
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Marso 1832 (History of the Church, 1:255–257). Ang utos na ibinigay ng Panginoon kay Joseph Smith para sa layuning maipatayo ang isang kamalig para sa mga maralita. Hindi tuwinang kasiya-siya na ang pagkakakilanlan ng bawat isa na tinutukoy ng Panginoon sa mga paghahayag ay dapat malaman ng sanlibutan; dahil dito, sa paglalathala nito at ng ilan pang kasunod na mga paghahayag ang mga lalaking kasapi ay tinukoy sa hindi nila sariling mga pangalan. Nang ang pag-iingat sa mga tunay na pangalan ng mga taong ito ay hindi na kinakailangan, ang kanilang mga tunay na pangalan ay ibinigay mula noon sa panaklong. Yayamang walang umiiral na napakahalagang pangangailangan ngayon upang ipagpatuloy ang pag-iiba ng mga pangalan, ang mga tunay na pangalan lamang ang ginagamit ngayon dito tulad ng ibinigay sa orihinal na manuskrito.
1–4, Ang mga Banal ay dapat na magtayo at magtatag ng kamalig; 5–12, Ang matalinong paggamit ng kanilang mga ari-arian ay mag-aakay sa kaligtasan; 13–14, Ang Simbahan ay dapat na maging malaya sa mga makamundong kapangyarihan; 15–16, Si Miguel (Adan) ay naglilingkod sa ilalim ng kapangyarihan ng Banal (Cristo); 17–22, Pinagpala ang matatapat, sapagkat kanilang mamanahin ang lahat ng bagay.
BAHAGI 79
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Marso 1832 (History of the Church, 1:257).
1–4, Si Jared Carter ay tinawag na mangaral ng ebanghelyo sa pamamagitan ng Mang-aaliw.
BAHAGI 80
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Marso 1832 (History of the Church, 1:257).
1–5, Sina Stephen Burnett at Eden Smith ay tinawag na mangaral sa alinmang lugar nila piliin.
BAHAGI 81
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Marso 1832 (History of the Church, 1:257–258). Si Frederick G. Williams ay tinawag na maging isang mataas na saserdote at tagapayo sa Panguluhan ng Mataas na Pagkasaserdote. Ang mga makasaysayang talaan ay nagpapakita na nang matanggap ang paghahayag na ito noong Marso 1832, tinawag si Jesse Gause sa katungkulan na tagapayo kay Joseph Smith sa Panguluhan. Gayunpaman, nang siya ay nagpabayang magpatuloy sa paraang naaayon sa pagkakatalagang ito, ang tawag ay nalipat kay Frederick G. Williams sa dakong huli. Ang paghahayag (petsang Marso 1832) ay dapat na ituring na hakbang tungo sa pormal na pagtatatag ng Unang Panguluhan, tiyakang pagtawag para sa katungkulan ng tagapayo sa pangkat na iyon at ipinaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakahirang. Si Kapatid na Gause ay pansamantalang naglingkod subalit itiniwalag sa Simbahan noong Disyembre 1832. Si Kapatid na Williams ay inordenan sa binanggit na katungkulan noong ika-18 ng Marso 1833.
1–2, Ang mga susi ng kaharian ay tuwinang hawak ng Unang Panguluhan; 3–7, Kung si Frederick G. Williams ay matapat sa kanyang ministeryo, siya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
BAHAGI 82
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Jackson County, Missouri, ika-26 ng Abril 1832 (History of the Church, 1:267–269). Ang pangyayari ay isang pangkalahatang pagpupulong ng Simbahan kung saan si Joseph Smith, ang Propeta, ay itinaguyod bilang Pangulo ng Mataas na Pagkasaserdote, na kung saang katungkulan siya ay dating inordenan sa isang kapulungan ng matataas na saserdote, elder, at kasapi, sa Amherst, Ohio, ika-25 ng Enero 1832 (tingnan sa ulo ng bahagi 75). Dati-rati hindi mga pangkaraniwang pangalan ang ginamit sa paglalathala ng paghahayag na ito upang maitago ang pagkakakilanlan ng mga taong binanggit (tingnan sa ulo ng bahagi 78).
1–4, Kung marami ang ibinigay, marami ang hihingin; 5–7, Ang kadiliman ay naghahari sa daigdig; 8–13, Ang Panginoon ay nakatali kapag ginawa natin ang kanyang sinasabi; 14–18, Ang Sion ay kinakailangang maragdagan sa kagandahan at kabanalan; 19–24, Bawat tao ay dapat hangarin ang kapakanan ng kanyang kapwa.
BAHAGI 83
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Independence, Missouri, ika-30 ng Abril 1832 (History of the Church, 1:269–270). Ang paghahayag na ito ay natanggap habang ang Propeta ay nakaupo sa pakikipagsanggunian sa kanyang mga kapatid.
1–4, Ang mga babae at anak ay may karapatan sa kanilang mga asawa at ama para sa kanilang panustos; 5–6, Ang mga balo at ulila ay may karapatan sa Simbahan para sa kanilang panustos.
BAHAGI 84
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-22 at 23 ng Setyembre 1832 (History of the Church, 1:286–295). Noong buwan ng Setyembre, ang mga elder ay nagsimulang bumalik mula sa kanilang mga misyon sa mga estado sa silangan at magbigay-ulat ng kanilang mga ginawa. Ito ay nang sila ay magkakasama sa panahon ng kagalakan na ang mga sumusunod na pakikipagtalastasan ay natanggap. Tinukoy ito ng Propeta bilang paghahayag sa pagkasaserdote.
1–5, Ang Bagong Jerusalem at ang templo ay itatayo sa Missouri; 6–17, Ang linya ng pagkasaserdote ay ibinigay mula kay Moises hanggang kay Adan; 18–25, Ang nakatataas na pagkasaserdote ang may hawak ng mga susi ng kaalaman tungkol sa Diyos; 26–32, Ang nakabababang pagkasaserdote ang may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel at ng panimulang ebanghelyo; 33–44, Ang mga tao ay magtatamo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng sumpa at tipan ng pagkasaserdote; 45–53, Ang Espiritu ni Cristo ay nagpapaliwanag sa mga tao, at ang sanlibutan ay nasasadlak sa kasalanan; 54–61, Ang mga Banal ay kinakailangang magpatotoo ng yaong mga bagay na kanilang natanggap; 62–76, Sila ay dapat mangaral ng ebanghelyo, at ang mga tanda ay susunod; 77–91, Ang mga elder ay kailangang humayo nang walang supot ng salapi o supot ng pagkain, at ang Panginoon ang kakandili sa kanilang mga pangangailangan; 92–97, Mga salot at sumpa ang naghihintay sa yaong mga tumanggi sa ebanghelyo; 98–102, Ang bagong awit ng pagkatubos ng Sion ay ibinigay; 103–110, Ang bawat tao ay tatayo sa kanyang sariling katungkulan at gagawa sa kanyang sariling tungkulin; 111–120, Ang mga tagapaglingkod ng Panginoon ay ipahahayag ang kasuklam-suklam na kapanglawan sa mga huling araw.
BAHAGI 85
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-27 ng Nobyembre 1832 (History of the Church, 1:298–299). Ang bahaging ito ay hango sa liham ng Propeta kay W. W. Phelps, na naninirahan sa Independence, Missouri. Ito ay ibinigay upang sagutin ang mga katanungan tungkol sa yaong mga Banal na lumipat sa Sion subalit hindi pa nakatatanggap ng kanilang mga mana alinsunod sa itinatag na pamamaraan sa Simbahan.
1–5, Ang mga mana sa Sion ay kailangang matanggap sa pamamagitan ng paglalaan; 6–12, Isang makapangyarihan at malakas ang magbibigay sa mga Banal ng kanilang mana sa Sion.
BAHAGI 86
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-6 ng Disyembre 1832 (History of the Church, 1:300). Ang paghahayag na ito ay natanggap habang ang Propeta ay nagbabalik-aral at nagsasaayos ng manuskrito ng pagsasalin ng Biblia.
1–7, Ibinigay ng Panginoon ang kahulugan ng talinghaga ng trigo at mga agingay; 8–11, Kanyang ipinaliwanag ang mga pagpapala ng pagkasaserdote sa mga yaong karapat-dapat na mga tagapagmana ayon sa laman.
BAHAGI 87
Paghahayag at propesiya tungkol sa digmaan, ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, ika-25 ng Disyembre 1832 (History of the Church, 1:301–302). Ang bahaging ito ay natanggap sa panahong ang mga kapatid ay nagmumuni-muni at nagpapaliwanagan tungkol sa pagkaalipin ng mga Aprikano sa lupalop ng Amerika at ang pagkaalipin ng mga anak ng tao sa buong daigdig.
1–4, Ang digmaan sa pagitan ng Hilagang Estado at Timog Estado ay inihayag; 5–8, Malalaking sakuna ang babagsak sa lahat ng naninirahan sa lupa.
BAHAGI 88
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-27 ng Disyembre 1832 (History of the Church, 1:302–312). Ito ay tinawag ng Propeta bilang ”`dahon ng olibo’. . . pinitas mula sa Puno ng Paraiso, ang mensahe ng Panginoon tungkol sa kapayapaan sa atin” (History of the Church, 1:316). Makikita mula sa mga talaan ng kasaysayan na ang ilang bahagi ng paghahayag na ito ay natanggap noong ika-27 at 28 ng Disyembre 1832 at ika-3 ng Enero 1833.
1–5, Ang matatapat na Banal ay natatanggap ang yaong Mang-aaliw, na siyang pangako na buhay na walang hanggan; 6–13, Ang lahat ng bagay ay pinamamahalaan at pinamumunuan ng Liwanag ni Cristo; 14–16, Ang Pagkabuhay na mag-uli ay dumarating sa pamamagitan ng Pagtubos; 17–31, Pagiging masunurin sa selestiyal, terestriyal, o telestiyal na batas ay naghahanda sa mga tao para sa yaong kani-kanyang mga kaharian at kaluwalhatian; 32–35, Yaong mamamalagi sa kasalanan ay mananatiling marumi pa rin; 36–41, Lahat ng kaharian ay pinamamahalaan ng batas; 42–45, Ang Diyos ay nagbibigay ng batas sa lahat ng bagay; 46–50, Mauunawaan ng tao maging ang Diyos; 51–61, Ang talinghaga ng tao na isinusugo ang kanyang mga utusan sa bukid at pagdalaw sa kanila; 62–73, Lumapit sa Panginoon, at makikita ninyo ang kanyang mukha; 74–80, Pabanalin ang inyong sarili at turuan ang bawat isa ng mga doktrina ng kaharian; 81–85, Bawat tao na nabigyang-babala ay dapat bigyang-babala ang kanyang kapwa; 86–94, Mga tanda, pag-aaklas ng mga elemento, at ang mga anghel ang naghahanda ng daan para sa pagparito ng Panginoon; 95–102, Mga pakakak ng mga anghel ang tatawag sa mga patay sa kanilang pagkakasunud-sunod; 103–116, Mga pakakak ng mga anghel ang magpapahayag ng pagpapanumbalik ng ebanghelyo, ang pagbagsak ng Babilonia, at ang digmaan ng dakilang Diyos; 117–126, Maghangad ng karunungan, magtayo ng bahay ng Diyos (isang templo), at damitan ang inyong sarili ng gapos ng pag-ibig sa kapwa tao; 127–141, Ang kaayusan ng Paaralan ng mga Propeta ay ipinaalam, kabilang ang ordenansa ng paghuhugas ng mga paa.
BAHAGI 89
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-27 ng Pebrero 1833 (History of the Church, 1:327–329). Bunga ng paggamit ng tabako ng mga unang kapatid sa kanilang mga pagpupulong, ang Propeta ay nadala upang pagbulay-bulayin ang bagay na ito; dahil dito, siya ay nagtanong sa Panginoon hinggil dito. Ang paghahayag na ito, kilala bilang Salita ng Karunungan, ang naging resulta. Ang unang tatlong talata ay dating nasusulat bilang isang pamukaw na pambungad at paglalarawan ng Propeta.
1–9, Ang paggamit ng alak, matatapang na inumin, tabako, at maiinit na inumin ay ipinagbawal; 10–17, Halaman, mga prutas, karne, at butil ay inorden upang gamitin ng tao at ng mga hayop; 18–21, Pagsunod sa kautusan ng ebanghelyo, kabilang ang Salita ng Karunungan, ay nagbibigay ng mga temporal at espirituwal na pagpapala.
BAHAGI 90
Paghahayag kay Joseph Smith, ang Propeta, ibinigay sa Kirtland, Ohio, ika-8 ng Marso 1833 (History of the Church, 1:329–331). Ang paghahayag na ito ay isang pagpapatuloy na hakbang sa pagtatatag ng Unang Panguluhan (tingnan sa ulo ng bahagi 81); bunga nito, ang mga tagapayong binanggit ay inordenan noong ika-18 ng Marso 1833.
1–5, Ang mga susi ng kaharian ay ipinagkatiwala kay Joseph Smith at sa pamamagitan niya sa Simbahan; 6–7, Sina Sidney Rigdon at Frederick G. Williams ay maglilingkod sa Unang Panguluhan; 8–11, Ang ebanghelyo ay ipangangaral sa mga bayan ng Israel, sa mga Gentil, at sa mga Judio, lahat ng tao ay makaririnig sa kanyang sariling wika; 12–18, Si Joseph Smith at ang kanyang mga tagapayo ay isasaayos ang Simbahan; 19–37, Iba’t ibang tao ay pinayuhan ng Panginoon na lumakad nang matwid at maglingkod sa kanyang kaharian.
BAHAGI 91
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-9 ng Marso 1833 (History of the Church, 1:331–332). Ang Propeta sa panahong ito ay abalang-abala sa pagsasalin sa Lumang Tipan. Pagdating sa bahaging yaon ng sinaunang kasulatan na tinatawag na Apocripa, siya ay nagtanong sa Panginoon at natanggap ang tagubiling ito.
1–3, Karamihan sa Apocripa ay isinaling tama ngunit naglalaman ng maraming dagdag na pakahulugan na hindi totoo ng mga kamay ng tao; 4–6, Kapaki-pakinabang ito sa mga binigyang-liwanag ng Espiritu.
BAHAGI 92
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-15 ng Marso 1833 (History of the Church, 1:333). Ang paghahayag ay iniukol kay Frederick G. Williams, na kamakailan lamang ay itinalagang tagapayo sa Unang Panguluhan.
1–2, Ang Panginoon ay nagbigay ng isang kautusan tungkol sa pagtanggap sa nagkakaisang orden.
BAHAGI 93
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-6 ng Mayo 1833 (History of the Church, 1:343–346).
1–5, Lahat ng tapat ay makikita ang Panginoon; 6–18, Nagpatotoo si Juan na ang Anak ng Diyos ay nagdaan nang biyaya sa biyaya hanggang sa kanyang matanggap ang kaganapan ng kaluwalhatian ng Ama; 19–20, Ang matatapat na tao, na nagdaan nang biyaya sa biyaya, ay tatanggap din ng kanyang kaganapan; 21–22, Yaong mga isinilang kay Cristo ay Simbahan ng Panganay; 23–28, Tumanggap si Cristo ng kabuuan ng lahat ng katotohanan, at ang tao sa pamamagitan ng pagsunod ay maaari ring matanggap yaon; 29–32, Ang tao ay kasama ng Diyos sa simula; 33–35, Ang mga elemento ay walang hanggan, at ang tao ay maaaring tumanggap ng ganap na kagalakan sa Pagkabuhay na mag-uli; 36–37, Ang kaluwalhatian ng Diyos ay katalinuhan; 38–40, Ang mga bata ay walang sala sa harapan ng Diyos dahil sa pagtubos ni Cristo; 41–53, Ang mga namumunong kapatid ay inutusang isaayos ang kanilang mga mag-anak.
BAHAGI 94
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-6 ng Mayo 1833 (History of the Church, 1:346–347). Sina Hyrum Smith, Reynolds Cahoon, at Jared Carter ay itinalaga bilang isang lupon ng Pansimbahang gusali.
1–9, Ang Panginoon ay nagbigay ng isang kautusan kaugnay sa pagtatayo ng isang bahay para sa gawain ng Panguluhan; 10–12, Isang bahay palimbagan ang itatayo; 13–17, May mga manang itinakda.
BAHAGI 95
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-1 ng Hunyo 1833 (History of the Church, 1:350–352). Ang paghahayag na ito ay isang pagpapatuloy sa mga banal na tagubilin na magtayo ng mga bahay para sa pagsamba at pagtuturo, lalung-lalo na ang bahay ng Panginoon (tingnan sa bahagi 88:119–136 at bahagi 94).
1–6, Ang mga Banal ay pinarusahan dahil sa kanilang kabiguang itayo ang bahay ng Panginoon; 7–10, Ang Panginoon ay nagnanais na gamitin ang kanyang bahay upang pagkalooban ang kanyang mga tao ng kapangyarihan mula sa itaas; 11–17, Ang bahay ay ilalaan bilang isang lugar ng pagsamba at para sa paaralan ng mga Apostol.
BAHAGI 96
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, ipinakikita ang ayos ng lunsod o istaka ng Sion sa Kirtland, Ohio, ika-4 ng Hunyo 1833, ibinigay bilang halimbawa sa mga Banal sa Kirtland (History of the Church, 1:352–353). Ang pagkakataon ay isang pagpupulong ng matataas na saserdote, at ang pangunahing paksa ng pagsasaalang-alang ay pamamahagi ng ilang lupain, kilala bilang sakahang Pranses, pag-aari ng Simbahan malapit sa Kirtland. Yayamang ang kapulungan ay hindi magkasundo kung sino ang mamamahala ng sakahan, lahat ay nagkasundong magtanong sa Panginoon hinggil sa bagay na ito.
1, Ang Istaka ng Kirtland ng Sion ay palalakasin; 2–5, Ang obispo ang maghahati ng mga mana para sa mga Banal; 6–9, Si John Johnson ay magiging kasapi ng nagkakaisang orden.
BAHAGI 97
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-2 ng Agosto 1833 (History of the Church, 1:400–402). Ang paghahayag na ito ay may kinalaman lalung-lalo na sa pamumuhay ng mga Banal sa Sion, Jackson County, Missouri, bilang tugon sa pagtatanong ng Propeta para sa kaalaman mula sa Panginoon. Ang mga kasapi ng Simbahan sa Missouri sa panahong ito ay nasa matinding pag-uusig at, noong ika-23 ng Hulyo 1833, ay napilitang lumagda sa isang kasunduang lisanin ang Jackson County.
1–2, Maraming Banal sa Sion (Jackson County, Missouri) ang pinagpala dahil sa kanilang katapatan; 3–5, Si Parley P. Pratt ay pinapurihan dahil sa kanyang mga gawain sa paaralan ng Sion; 6–9, Yaong mga tumutupad sa kanilang mga tipan ay tinatanggap ng Panginoon; 10–17, Isang bahay ang itatayo sa Sion kung saan ang mga may dalisay na puso ay makakikita sa Diyos; 18–21, Ang Sion ay dalisay na puso; 22–28, Ang Sion ay makatatakas sa parusa ng Panginoon kung siya ay tapat.
BAHAGI 98
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-6 ng Agosto 1833 (History of the Church, 1:403–406). Ang paghahayag na ito ay dumating bunga ng pag-uusig sa mga Banal sa Missouri. Mangyari pa ang mga Banal sa Missouri, matapos na magdusa sa katawan at gayon din matapos mawalan ng ari-arian, ay nakadama ng pagnanais na makaganti at maghiganti. Dahil dito, ibinigay ng Panginoon ang paghahayag na ito. Bagaman ang ilang balita ng mga suliranin sa Missouri ay walang alinlangang nakarating sa Propeta sa Kirtland (may 1450 kilometro ang layo), ang kalubhaan ng kalagayan ay nakarating sa kanya sa petsang ito sa pamamagitan lamang ng paghahayag.
1–3, Ang mga paghihirap ng mga Banal ay para sa kanilang kabutihan; 4–8, Ang mga Banal ay nararapat na umayon sa saligang batas ng lupain; 9–10, Ang matatapat, marurunong, at mabubuting tao ay nararapat na itaguyod para sa mga pamahalaang walang kaugnayan sa relihiyon; 11–15, Ang mga yaong naghain ng kanilang buhay para sa layunin ng Panginoon ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan; 16–18, Talikuran ang digmaan at ipahayag ang kapayapaan; 19–22, Ang mga Banal sa Kirtland ay pinagsabihan at inutusang magsisi; 23–32, Ipinahayag ng Panginoon ang kanyang mga batas na sumasaklaw sa mga pag-uusig at pagpapahirap na ipinataw sa kanyang mga tao; 33–38, Ang digmaan ay makatwiran lamang kung ito ay ipinag-uutos ng Panginoon; 39–48, Ang mga Banal ay nararapat na patawarin ang kanilang mga kaaway, na, kung sila ay magsisi, ay maliligtas din sa paghihiganti ng Panginoon.
BAHAGI 99
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay John Murdock, Agosto 1832, sa Hiram, Ohio. Bagaman ang mga edisyon ng Doktrina at mga Tipan simula pa sa 1876 ay nagtala sa paghahayag na ito sa Kirtland, Agosto 1833, ang mga naunang edisyon at iba pang talaan ng mga kasaysayan ay nagpapatunay sa wastong kaalaman.
1–8, Si John Murdock ay tinawag na magpahayag ng ebanghelyo, at ang mga yaong tumatanggap sa kanya ay tumatanggap sa Panginoon at makatatamo ng awa.
BAHAGI 100
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Perrysburg, New York, ika-12 ng Oktubre 1833 (History of the Church, 1:416, 419–421). Ang dalawang kapatid, na may ilang araw nang wala sa piling ng kanilang mga mag-anak, ay nakadama ng pag-aalala sa kanila.
1–4, Sina Joseph at Sidney ay mangangaral ng ebanghelyo para sa kaligtasan ng mga kaluluwa; 5–8, Ibibigay sa kanila sa mga oras na yaon kung ano ang kanilang sasabihin; 9–12, Si Sidney ay magiging tagapagsalita at si Joseph ang magiging tagapaghayag at makapangyarihan sa pagpapatotoo; 13–17, Ang Panginoon ay magbabangon ng mga taong dalisay, at ang mga masunurin ay maliligtas.
BAHAGI 101
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-16 ng Disyembre 1833 (History of the Church, 1:458–464). Sa panahong ito ang mga Banal na nagtipon sa Missouri ay dumaranas ng matinding pag-uusig. Ang mga manggugulo ay pinalayas sila mula sa kanilang mga tahanan sa Jackson County, at ang ilan sa mga Banal ay nagtangkang itatag ang kanilang sarili sa Van Buren County, subalit ang pag-uusig ay sumunod sa kanila. Ang pinakamalaking pangkat ng mga Banal ng panahong yaon ay nasa Clay County, Missouri. Mga pagbabanta ng kamatayan laban sa mga tao ng Simbahan ay marami. Ang mga tao ay nawalan ng mga kasangkapan sa bahay, kasuotan, mga hayop, at iba pang pansariling ari-arian; at marami sa kanilang mga pananim ang nawasak.
1–8, Ang mga Banal ay pinarusahan at pinahirapan dahil sa kanilang mga pagkakasala; 9–15, Ang galit ng Panginoon ay babagsak sa mga bansa, subalit ang kanyang mga tao ay titipunin at aaliwin; 16–21, Ang Sion at ang kanyang mga istaka ay itatatag; 22–31, Ang uri ng buhay sa panahon ng Milenyo ay ipinahayag; 32–42, Ang mga Banal ay pagpapalain at gagantimpalaan sa panahong ito; 43–62, Ang talinghaga ng taong maharlika at ng mga puno ng olibo ay sumasagisag sa mga kaguluhan at ang pagkakatubos ng Sion sa huli; 63–75, Ang mga Banal ay kailangang magpatuloy sa pagtitipun-tipon; 76–80, Itinatag ng Panginoon ang Saligang-batas ng Estados Unidos; 81–101, Ang mga Banal ay kailangang magsumamo sa tuwina para sa pagbibigay-lunas ng mga karaingan, alinsunod sa talinghaga ng babae at ng hindi makatarungang hukom.
BAHAGI 102
Ang katitikan ng pagkakatatag ng unang mataas na kapulungan ng Simbahan, sa Kirtland, Ohio, ika-17 ng Pebrero 1834 (History of the Church, 2:28–31). Ang orihinal na katitikan ay naitala nina Elder Oliver Cowdery at Orson Hyde. Pagkaraan ng dalawang araw, ang katitikan ay iwinasto ng Propeta, binasa sa mataas na kapulungan, at tinanggap ng kapulungan. Talata 30 hanggang 32, may kinalaman sa Kapulungan ng Labindalawang Apostol, ay idinagdag ni Propeta Joseph Smith noong 1835 nang kanyang ihanda ang bahaging ito para sa paglilimbag ng Doktrina at mga Tipan.
1–8, Isang mataas na kapulungan ang itinalaga upang isaayos ang mahahalagang suliranin na nagaganap sa Simbahan; 9–18, Ang mga pamamaraan ay ibinigay para sa paglilitis ng mga usapin; 19–23, Ang pangulo ng kapulungan ang magbibigay ng pasiya; 24–34, Ang pamamaraan ukol sa paghahabol ay ipinahayag.
BAHAGI 103
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-24 ng Pebrero 1834 (History of the Church, 2:36–39). Ang paghahayag na ito ay natanggap pagkarating sa Kirtland, Ohio, nina Parley P. Pratt at Lyman Wight, na nanggaling sa Missouri upang sumangguni sa Propeta ukol sa kaginhawahan at pagpapanumbalik ng mga Banal sa kanilang mga lupain sa Jackson County.
1–4, Kung bakit pinahintulutan ng Panginoon ang mga Banal sa Jackson County na usigin; 5–10, Ang mga Banal ay magtatagumpay kung kanilang susundin ang mga kautusan; 11–20, Ang pagtubos sa Sion ay darating sa pamamagitan ng kapangyarihan, at ang Panginoon ay hahayong nauuna sa kanyang mga tao; 21–28, Ang mga Banal ay magtitipon sa Sion, at yaong mga magbibigay ng kanilang buhay ay matatagpuan muli ang mga ito; 29–40, Maraming kapatid na lalaki ang tinawag upang itatag ang Kampo ng Sion at magtungo sa Sion; sila ay pinangakuan ng tagumpay kung sila ay matapat.
BAHAGI 104
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, ika-23 ng Abril 1834, hinggil sa nagkakaisang orden, o ang orden ng Simbahan para sa kapakinabangan ng mga maralita (History of the Church, 2:54–60). Ang pangyayari ay yaong pagpupulong ng kapulungan ng Unang Panguluhan at ng iba pang matataas na saserdote, kung saan ang mabibigat na temporal na pangangailangan ng mga tao ay nabigyan ng pagsasaalang-alang. Ang nagkakaisang orden sa Kirtland ay pansamantalang lalansagin at isasaayos muli, at ang mga ari-arian bilang mga pangangasiwaan ay kailangang hatiin sa mga kasapi ng orden.
1–10, Ang mga Banal na lumalabag laban sa nagkakaisang orden ay isusumpa; 11–16, Ang Panginoon ay naglalaan para sa kanyang mga Banal sa kanyang sariling pamamaraan; 17–18, Ang batas ng ebanghelyo ay namamahala sa pagkalinga ng mga maralita; 19–46, Ang mga pangangasiwa at pagpapala ng iba’t ibang mga kapatid ay tinukoy; 47–53, Ang nagkakaisang orden sa Kirtland at ang orden sa Sion ay kailangang kumilos nang magkahiwalay; 54–66, Ang banal na ingatang-yaman ng Panginoon ay itinatag para sa paglilimbag ng mga banal na kasulatan; 67–77, Ang pangkalahatang ingatang-yaman ng nagkakaisang orden ay kailangang kumilos batay sa pangkalahatang pagsang-ayon; 78–86, Yaong mga nasa nagkakaisang orden ay kailangang magbayad ng lahat ng kanilang pagkakautang, at ang Panginoon ay ililigtas sila mula sa pagkaalipin na nauukol sa pananalapi.
BAHAGI 105
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Ilog Fishing, Missouri, ika-22 ng Hunyo 1834 (History of the Church, 2:108–111). Ang paggamit ng dahas ng mga nanggugulo laban sa mga Banal sa Missouri ay dumami, at ang mga itinatag na pangkat mula sa ilang mga county ay nagpahayag ng kanilang tangkang wasakin ang mga tao. Ang Propeta ay dumating mula sa Kirtland sa ulunan ng isang pangkat na kilala bilang Kampo ng Sion, na nagdala ng mga damit at panustos. Habang ang pangkat na ito ay nagkampo sa Ilog Fishing, tinanggap ng Propeta ang paghahayag.
1–5, Ang Sion ay itatayo ayon sa pagsunod sa selestiyal na batas; 6–13, Ang pagtubos sa Sion ay ipinagliban ng sandaling panahon; 14–19, Ang Panginoon ang lalaban ng mga digmaan ng Sion; 20–26, Ang mga Banal ay dapat na maging matalino at hindi dapat magyabang ng mga makapangyarihang gawa habang sila ay nagtitipon; 27–30, Mga lupa sa Jackson at sa kalapit na mga county ay dapat bilhin; 31–34, Ang mga elder ay kinakailangang tumanggap ng endowment sa bahay ng Panginoon sa Kirtland; 35–37, Mga Banal na kapwa tinawag at napili ay pababanalin; 38–41, Ang mga Banal ay kinakailangang magtaas ng sagisag ng kapayapaan sa daigdig.
BAHAGI 106
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-25 ng Nobyembre 1834 (History of the Church, 2:170–171). Ang paghahayag na ito ay pinatutungkol kay Warren A. Cowdery, isang nakatatandang kapatid ni Oliver Cowdery.
1–3, Si Warren A. Cowdery ay tinawag bilang isang namumunong pinunong panlokal; 4–5, Ang Ikalawang Pagparito ay hindi aabot sa mga anak ng liwanag gaya ng isang magnanakaw; 6–8, Mga dakilang pagpapala ang susunod sa tapat na paglilingkod sa Simbahan.
BAHAGI 107
Paghahayag tungkol sa pagkasaserdote, na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, petsa ika-28 ng Marso 1835 (History of the Church, 2:209–217). Sa petsang nabanggit, ang Labindalawa ay nagkita sa isang kapulungan, ipinagtatapat ang kanilang sariling mga kahinaan at pagkukulang, nagpahayag ng pagsisisi, at nagsasaliksik ng karagdagang gabay ng Panginoon. Sila ay malapit nang maghiwa-hiwalay sa mga misyon sa mga distritong naitalaga. Bagaman ang mga bahagi ng kabanatang ito ay natanggap sa petsang nabanggit, ang mga talaan ng kasaysayan ay nagpapatibay na iba’t ibang bahagi ang tinanggap sa iba’t ibang panahon, ang iba ay kasing-aga ng Nobyembre 1831.
1–6, May dalawang pagkasaserdote: ang Melquisedec at ang Aaron; 7–12, Ang mga yaong may hawak ng Pagkasaserdoteng Melquisedec ay may kapangyarihang gumanap sa lahat ng katungkulan sa Simbahan; 13–17, Ang obispado ang namumuno sa Pagkasaserdoteng Aaron, nangangasiwa sa mga panlabas na ordenansa; 18–20, Ang Pagkasaserdoteng Melquisedec ang may hawak ng mga susi ng lahat ng pagpapalang pang-espirituwal; ang Pagkasaserdoteng Aaron ang may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel; 21–38, Ang Unang Panguluhan, ang Labindalawa, at ang Pitumpu ang bumubuo ng mga namumunong korum, na ang mga pagpapasiya ay ginagawa sa pagkakaisa at kabutihan; 39–52, Ang patriyarkang orden ay itinatag mula kay Adan hanggang kay Noe; 53–57, Ang mga sinaunang Banal ay nagtipon sa Adan-ondi-Ahman, at ang Panginoon ay nagpakita sa kanila; 58–67, Ang Labindalawa ang magtatalaga ng mga pinuno sa Simbahan sa kaayusan; 68–76, Ang mga obispo ay maglilingkod bilang mga pangkaraniwang hukom sa Israel; 77–84, Ang Unang Panguluhan at ang Labindalawa ang bumubuo ng pinakamataas na hukuman sa Simbahan; 85–100, Ang mga pangulo ng pagkasaserdote ang namamahala ng kani-kanilang mga korum.
BAHAGI 108
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, ika-26 ng Disyembre 1835 (History of the Church, 2:345). Ang bahaging ito ay tinanggap sa kahilingan ni Lyman Sherman, na siyang dating inordenang mataas na saserdote at isang pitumpu, at siyang lumapit sa Propeta na may kahilingan para sa isang paghahayag na maipaalam ang kanyang tungkulin.
1–3, Si Lyman Sherman ay pinatawad sa kanyang mga kasalanan; 4–5, Siya ay mabibilang kasama ng mga pangunahing elder ng Simbahan; 6–8, Siya ay tinawag na mangaral ng ebanghelyo at patatagin ang kanyang mga kapatid.
BAHAGI 109
Panalangin na inihandog sa paglalaan ng templo sa Kirtland, Ohio, ika-27 ng Marso 1836 (History of the Church, 2:420–426). Ayon sa sinulat na paglalahad ng Propeta, ang panalanging ito ay ibinigay sa kanya sa pamamagitan ng paghahayag.
1–5, Ang Templo ng Kirtland ay ginawa bilang isang lugar na dadalawin ng Anak ng Tao; 6–21, Ito ay magiging isang tahanan ng panalangin, pag-aayuno, pananampalataya, pag-aaral, kaluwalhatian, at kaayusan, at isang bahay ng Diyos; 22–33, Nawa ang mga hindi nagsisisi na sumasalungat sa mga tao ng Panginoon ay malito; 34–42, Nawa ang mga Banal ay humayo sa kapangyarihan upang tipunin ang mabubuti sa Sion; 43–53, Nawa ang mga Banal ay maligtas mula sa mga kakila-kilabot na bagay na ibubuhos sa masasama sa mga huling araw; 54–58, Nawa ang mga bansa at tao at simbahan ay maging handa para sa ebanghelyo; 59–67, Nawa ang mga Judio, ang mga Lamanita, at buong Israel ay matubos; 68–80, Nawa ang mga Banal ay maputungan ng kaluwalhatian at karangalan at matamo ang walang hanggang kaligtasan.
BAHAGI 110
Mga pangitaing ipinakita kay Joseph Smith, ang Propeta, at kay Oliver Cowdery sa templo sa Kirtland, Ohio, ika-3 ng Abril 1836 (History of the Church, 2:435–436). Ang pangyayari ay sa isang pagpupulong sa araw ng Sabbath. Pinasimulan ng Propeta ang kanyang talaan ng mga pagpapakita sa ganitong mga salita: “Kinahapunan, tinulungan ko ang iba pang mga Pangulo sa pamamahagi ng Hapunan ng Panginoon sa Simbahan, tinatanggap ito mula sa Labindalawa, na kung kaninong pribilehiyo ito ay mangasiwa sa banal na hapag ngayong araw na ito. Matapos magawa ang paglilingkod na ito sa aking mga kapatid nagtungo ako sa pulpito, naibaba na ang mga tabing, at iniyukod ang sarili, kasama si Oliver Cowdery, sa taimtim at tahimik na panalangin. Sa pagtayo mula sa pananalangin, ang mga sumusunod na pangitain ay nabuksan sa aming dalawa” (History of the Church, 2:435).
1–10, Ang Panginoong Jehova ay nagpakita sa kaluwalhatian at tinanggap ang Templo ng Kirtland bilang kanyang bahay; 11–12, Sina Moises at Elias ay kapwa nagpakita at ipinagkatiwala ang kanilang mga susi at dispensasyon; 13–16, Si Elijah ay nagbalik at ipinagkatiwala ang mga susi ng kanyang dispensasyon gaya ng naipangako ni Malakias.
BAHAGI 111
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Salem, Massachusetts, ika-6 ng Agosto 1836 (History of the Church, 2:465–466). Sa panahong ito ang mga pinuno ng Simbahan ay baon sa pagkakautang dahil sa kanilang mga gawain sa ministeryo. Matapos marinig na malaking halaga ng salapi ang kanilang makukuha roon sa Salem, ang Propeta, at sina Sydney Rigdon, Hyrum Smith, at Oliver Cowdery ay naglakbay patungo roon mula sa Kirtland, Ohio, upang alamin ang pahayag na ito, kasama rin ang pangangaral ng ebanghelyo. Ang mga kapatid ay nangasiwa ng ilang bagay na nauukol sa gawain ng Simbahan at bahagyang nangaral. Nang maging maliwanag na walang salaping darating, sila ay bumalik sa Kirtland. Ilan sa kadahilanang nangingibabaw sa karanasan ay ipinahihiwatig sa mga salita ng paghahayag na ito.
1–5, Ang Panginoon ay lumilingap sa mga temporal na pangangailangan ng kanyang mga tagapaglingkod; 6–11, Siya ay makikitungo nang may awa sa Sion at isasaayos ang lahat ng bagay para sa kabutihan ng kanyang mga tagapaglingkod.
BAHAGI 112
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Thomas B. Marsh, sa Kirtland, Ohio, ika-23 ng Hulyo 1837 (History of the Church, 2:499–501). Ang paghahayag ito ay naglalaman ng salita ng Panginoon kay Thomas B. Marsh hinggil sa Labindalawang Apostol ng Kordero. Itinala ng Propeta na ang paghahayag na ito ay natanggap sa araw na ang ebanghelyo ay unang naipangaral sa Inglatera. Si Thomas B. Marsh sa panahong ito ay Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.
1–10, Ipalalaganap ng Labindalawa ang ebanghelyo at magtataas ng babalang tinig sa lahat ng bansa at tao; 11–15, Papasanin nila ang kanilang krus, susunod kay Jesus, at pakakainin ang kanyang mga tupa; 16–20, Ang mga yaong tumatanggap sa Unang Panguluhan ay tumatanggap sa Panginoon; 21–29, Ang kadiliman ay bumabalot sa lupa, at ang yaong sumasampalataya lamang at nabinyagan ang maliligtas; 30–34, Hawak ng Unang Panguluhan at ng Labindalawa ang mga susi ng dispensasyon ng kaganapan ng panahon.
BAHAGI 113
Mga sagot sa ilang katanungan sa mga isinulat ni Isaias, na ibinigay ni Joseph Smith, ang Propeta, Marso 1838 (History of the Church, 3:9–10).
1–6, Ang Puno ni Jesse, ang usbong na manggagaling mula roon, at ang ugat ni Jesse ay kinilala; 7–10, Ang nakakalat na mga labi ng Sion ay may karapatan sa pagkasaserdote at tinatawag na bumalik sa Panginoon.
BAHAGI 114
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, ika-17 ng Abril 1838 (History of the Church, 3:23).
1–2, Ang mga tungkuling pansimbahan na hinahawakan ng yaong hindi matatapat ay ibibigay sa iba.
BAHAGI 115
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, ika-26 ng Abril 1838, ipinaaalam ang kalooban ng Diyos hinggil sa pagtatatag ng lugar na yaon at ng bahay ng Panginoon (History of the Church, 3:23–25). Ang paghahayag na ito ay pinararating sa mga namumunong pinuno ng Simbahan.
1–4, Pinangalanan ng Panginoon ang kanyang simbahan Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; 5–6, Ang Sion at ang kanyang mga istaka ay mga lugar ng tanggulan at kanlungan para sa mga Banal; 7–16, Ang mga Banal ay inutusang magtayo ng isang bahay ng Panginoon sa Far West; 17–19, Si Joseph Smith ang may hawak ng mga susi ng kaharian ng Diyos sa mundo.
BAHAGI 116
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith ang Propeta, malapit sa Wight’s Ferry, sa lugar na tinatawag na Spring Hill, Daviess County, Missouri, ika-19 ng Mayo 1838 (History of the Church, 3:35).
BAHAGI 117
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, ika-8 ng Hulyo 1838, hinggil sa pangunahing tungkulin nina William Marks, Newel K. Whitney, at Oliver Granger (History of the Church, 3:45–46).
1–9, Ang mga tagapaglingkod ng Panginoon ay hindi dapat na magnasa ng mga bagay na temporal, sapagkat “ano ba ang ari-arian sa Panginoon?”; 10–16, Kanilang tatalikuran ang kaliitan ng kaluluwa, at ang kanilang mga hain ay banal sa Panginoon.
BAHAGI 118
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, ika-8 ng Hulyo 1838, bilang kasagutan sa pagsamo: “Ipakita mo sa amin ang inyong kalooban, O Panginoon, hinggil sa Labindalawa” (History of the Church, 3:46).
1–3, Ang Panginoon ang tutustos para sa mga mag-anak ng Labindalawa; 4–6, Ang mga puwang sa Labindalawa ay pinunan.
BAHAGI 119
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, ika-8 ng Hulyo 1838, bilang kasagutan sa kanyang pagsusumamo: “O Panginoon! Ipakita ninyo sa inyong tagapaglingkod kung gaano ang inyong kakailanganin sa mga ari-arian ng inyong mga tao para sa ikapu” (History of the Church, 3:44). Ang batas ng ikapu, gaya ng pagkakaunawa ngayon, ay hindi pa ibinibigay sa Simbahan bago pa sa paghahayag na ito. Ang salitang ikapu sa panalanging nabanggit at sa mga naunang paghahayag (64:23; 85:3; 97:11) ay hindi nangangahulugan ng ikasampung bahagi lamang, subalit lahat ng bukal sa loob na mga handog, o abuloy, para sa pondo ng Simbahan. Ang Panginoon ay nagbigay na noong una pa sa Simbahan ng batas ng paglalaan at pangangasiwa ng ari-arian, kung saan ang mga kasapi (karamihan ay mga pangunahing elder) ay pumasok sa pamamagitan ng isang tipan na magiging walang katapusan. Dahil sa kabiguan ng marami na masunod ang tipang ito, kinuha ito ng Panginoon pansamantala at sa halip ay ibinigay ang batas ng ikapu sa buong Simbahan. Tinanong ng Propeta ang Panginoon kung gaano sa kanilang ari-arian ang kakailanganin para sa mga banal na layunin. Ang paghahayag na ito ang kasagutan.
1–5, Ang mga Banal ay magbabayad ng kanilang labis na ari-arian at pagkatapos ay magbibigay, bilang ikapu, ng ikasampung bahagi ng kanilang tubo taun-taon; 6–7, Ang pamamaraang ito ay magpapabanal sa lupain ng Sion.
BAHAGI 120
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, ika-8 ng Hulyo 1838, ipinaaalam ang pamamahagi ng mga ari-ariang ibinigay bilang ikapu gaya ng binanggit sa naunang paghahayag, bahagi 119 (History of the Church, 3:44).
BAHAGI 121
Panalangin at mga propesiyang isinulat ni Joseph Smith, ang Propeta, habang siya ay isang bilanggo sa piitan sa Liberty, Missouri, petsa ika-20 ng Marso 1839 (History of the Church, 3:289–300). Ang Propeta at ilang kasamahan ay nanatili ng ilang buwan sa piitan. Ang kanilang mga kahilingan at pag-aapela sa mga tagapangasiwang pinuno at ang hukuman ay nabigong magbigay sa kanila ng tulong.
1–6, Ang Propeta ay nagsumamo sa Panginoon para sa mga nagdurusang Banal; 7–10, Ang Panginoon ay nangusap ng kapayapaan sa kanya; 11–17, Sumpain ang sa lahat ng yaong nagtataas ng mga maling paratang ng pagkakasala laban sa mga tao ng Panginoon; 18–25, Sila ay hindi magkakaroon ng karapatan sa pagkasaserdote at sila ay mapapahamak; 26–32, Maluwalhating mga paghahayag ang ipinangako sa mga yaong magiting na nagtitiis; 33–40, Bakit maraming tinatawag at kaunti ang napipili; 41–46, Ang pagkasaserdote ay nararapat na gamitin lamang sa kabutihan.
BAHAGI 122
Ang salita ng Panginoon kay Joseph Smith, ang Propeta, habang siya ay isang bilanggo sa piitan sa Liberty, Missouri, Marso 1839 (History of the Church, 3:300–301).
1–4, Ang mga dulo ng mundo ay magtatanong tungkol sa pangalan ni Joseph Smith; 5–7, Lahat ng kanyang mga panganib at pagdurusa ay magbibigay sa kanya ng karanasan at para sa kanyang ikabubuti; 8–9, Ang Anak ng Tao ay nagpakababa-baba sa kanilang lahat.
BAHAGI 123
Tungkulin ng mga Banal kaugnay sa kanilang mga taga-usig, ayon sa ibinigay ni Joseph Smith, ang Propeta, habang isang bilanggo sa piitan sa Liberty, Missouri, Marso 1839 (History of the Church, 3:302–303).
1–6, Ang mga Banal ay nararapat na magtipon at maglathala ng isang ulat ng kanilang mga pagdurusa at pag-uusig; 7–10, Ang yaon ding espiritu na naglathala ng mga maling doktrina ang siya ring nagdala sa pag-uusig sa mga Banal; 11–17, Marami sa lahat ng sekta ang tatanggap pa ng katotohanan.
BAHAGI 124
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Nauvoo, Illinois, ika-19 ng Enero 1841 (History of the Church, 4:274–286). Dahil sa dumaraming pag-uusig at labag sa batas na mga patakaran laban sa kanila ng mga pinuno ng bayan, ang mga Banal ay napilitang lisanin ang Missouri. Ang utos ng panlilipol na pinalabas ni Lilburn W. Boggs, Gobernador ng Missouri, na may petsang ika-27 ng Oktubre 1838, ay iniwan silang walang mapagpipilian (History of the Church, 3:175). Noong 1841, nang ang paghahayag na ito ay ibinigay, ang lunsod ng Nauvoo, sumasakop sa dating kinatatayuan ng nayon ng Commerce, Illinois, ay itinayo ng mga Banal, at dito ang mga punong-tanggapan ng Simbahan ay itinatag.
1–14, Si Joseph Smith ay inutusang gumawa ng kapita-pitagang pagpapahayag ng ebanghelyo sa pangulo ng Estados Unidos, sa mga gobernador, at sa mga pinuno ng lahat ng bansa; 15–21, Sina Hyrum Smith, David W. Patten, Joseph Smith, Sr., at iba pa sa mga buhay at patay ay pinagpala dahil sa kanilang katapatan at mga kabaitan; 22–28, Ang mga Banal ay inutusan na magtayo maging ng isang bahay upang tuluyan ng mga dayuhan at isang templo sa Nauvoo; 29–36, Ang mga pagbibinyag para sa mga patay ay kailangang isagawa sa mga templo; 37–44, Ang mga tao ng Panginoon ay nagtatayo tuwina ng mga templo para sa pagsasagawa ng mga banal na ordenansa; 45–55, Ang mga Banal ay pinayagang hindi magtayo ng templo sa Jackson County dahil sa pagpapahirap ng kanilang mga kaaway; 56–83, Mga tagubilin ay ibinigay para sa pagtatayo ng Nauvoo House; 84–96, Si Hyrum Smith ay tinawag na maging isang patriyarka, na tatanggap sa mga susi, at tumayo sa lugar ni Oliver Cowdery; 97–122, Si William Law at ang iba pa ay pinayuhan sa kanilang mga gawain; 123–145, Mga pangkalahatan at lokal na pinuno ay tinukoy, kasama ang kanilang mga tungkulin at kinaaanibang korum.
BAHAGI 125
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Nauvoo, Illinois, Marso 1841, hinggil sa mga Banal sa lupang teritoryo ng Iowa (History of the Church, 4:311–312).
1–4, Ang mga Banal ay magtatayo ng mga lunsod at magtitipon sa mga istaka ng Sion.
BAHAGI 126
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa bahay ni Brigham Young, sa Nauvoo, Illinois, ika-9 ng Hulyo 1841 (History of the Church, 4:382). Sa panahong ito si Brigham Young ay Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.
1–3, Si Brigham Young ay pinapurihan dahil sa kanyang mga ginagawa at pinapahinga sa paglalakbay sa ibang bansa sa hinaharap.
BAHAGI 127
Isang sulat mula kay Joseph Smith, ang Propeta para sa mga Banal sa mga Huling Araw sa Nauvoo, Illinois, naglalaman ng mga tagubilin tungkol sa pagbibinyag para sa mga patay, isinulat sa Nauvoo, ika-1 ng Setyembre 1842 (History of the Church, 5:142–144).
1–4, Si Joseph Smith ay nagpupuri sa pag-uusig at pagdurusa; 5–12, Kinakailangang mag-ingat ng mga talaan kaugnay ng pagbibinyag para sa mga patay.
BAHAGI 128
Isang sulat mula kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, naglalaman ng mga karagdagang tagubilin tungkol sa pagbibinyag para sa mga patay, isinulat sa Nauvoo, Illinois, ika-6 ng Setyembre 1842 (History of the Church, 5:148–153).
1–5, Lokal at pangkalahatang mga tagapagtala ay kailangang magpatunay sa katotohanan ng mga pagbibinyag para sa mga patay; 6–9, Ang kanilang mga talaan ay nakabuklod at nakatala sa lupa at sa langit; 10–14, Ang lugar ng pinagbibinyagan ay isang kahalintulad ng libingan; 15–17, Si Elijah ang nagpanumbalik ng kapangyarihan hinggil sa pagbibinyag para sa mga patay; 18–21, Lahat ng susi, kapangyarihan, at karapatan ng mga nakaraang dispensasyon ay pinanumbalik; 22–25, Masaya at mga maluwalhating balita ang magbubunyi para sa buhay at sa patay.
BAHAGI 129
Mga tagubiling ibinigay ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Nauvoo, Illinois, ika-9 ng Pebrero 1843, ipinabatid ang tatlong dakilang susi kung paano ang tunay na pagkatao ng mga naglilingkod na anghel at espiritu ay maaaring makilala ang pagkakaiba (History of the Church, 5:267).
1–3, May kapwa nabuhay na mag-uli at mga katawang espiritu sa langit; 4–9, Mga susi ay ibinigay kung paano ang mga sugo mula sa kabila ng tabing ay maaaring makilala.
BAHAGI 130
Mga talaan ng tagubilin na ibinigay ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Ramus, Illinois, ika-2 ng Abril 1843 (History of the Church, 5:323–325).
1–3, Ang Ama at ang Anak ay maaaring magpakita nang personal sa mga tao; 4–7, Mga anghel ay naninirahan sa isang selestiyal na kalagayan; 8–9, Ang selestiyal na mundo ay magiging isang malaking Urim at Tummim; 10–11, Isang puting bato ay ibinigay sa lahat ng papasok sa selestiyal na daigdig; 12–17, Ang oras ng Ikalawang Pagparito ay ipinagkait sa Propeta; 18–19, Talino na natamo sa buhay na ito ay kasama nating babangon sa Pagkabuhay na mag-uli; 20–21, Lahat ng pagpapala ay dumarating sa pamamagitan ng pagiging masunurin sa batas; 22–23, Ang Ama at ang Anak ay may katawang may laman at mga buto.
BAHAGI 131
Mga tagubilin ni Joseph Smith, ang Propeta, ibinigay sa Ramus, Illinois, ika-16 at 17 ng Mayo, 1843 (History of the Church, 5:392–393).
1–4, Selestiyal na kasal ay kinakailangan sa pagkakadakila sa pinakamataas na langit; 5–6, Paano ang mga tao ay ibinubuklod sa buhay na walang hanggan ay ipinaliwanag; 7–8, Lahat ng espiritu ay bagay.
BAHAGI 132
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Nauvoo, Illinois, itinala noong ika-12 ng Hulyo 1843, nauukol sa bago at walang hanggang tipan, kabilang ang kawalang-hanggan ng tipan ng kasal, at gayon din ang pagkakaroon ng maraming asawang babae (History of the Church, 5:501–507). Bagaman ang paghahayag ay naitala noong 1843, maliwanag mula sa mga makasaysayang talaan na ang mga doktrina at alituntuning napapaloob sa paghahayag na ito ay ipinaalam sa Propeta mula pa noong 1831.
1–6, Ang kadakilaan ay matatamo sa pamamagitan ng bago at walang hanggang tipan; 7–14, Ang mga hinihingi at batayan ng tipang iyon ay ibinigay; 15–20, Ang selestiyal na pagpapakasal at ang pagpapatuloy ng mag-anak ay makapangyayaring maging mga diyos ang mga tao; 21–25, Ang makipot at makitid na landas ay patungo sa mga buhay na walang hanggan; 26–27, Ang batas ay ibinigay tungkol sa kalapastanganan laban sa Espiritu Santo; 28–39, Ang mga pangako ng walang hanggang pag-unlad at kadakilaan ay ginawa para sa mga propeta at Banal sa lahat ng panahon; 40–47, Si Joseph Smith ay binigyan ng kapangyarihang magtali at magbuklod sa lupa at sa langit; 48–50, Ibinuklod ng Panginoon sa kanya ang kanyang kadakilaan; 51–57, Si Emma Smith ay pinagpayuhan na maging matapat at totoo; 58–66, Mga batas na sumasaklaw sa pagkakaroon ng maraming asawang babae ay ibinigay.
BAHAGI 133
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, ika-3 ng Nobyembre, 1831 (History of the Church, 1:229–234). Sa pagsisimula ng paghahayag na ito ang Propeta ay sumulat, “Sa panahong ito maraming bagay ang ninanais malaman ng mga Elder kaugnay ng pangangaral ng Ebanghelyo sa mga naninirahan sa mundo, at hinggil sa pagtitipon; at upang makalakad sa tunay na liwanag, at matagubilinan mula sa kaitaasan, noong ika-3 ng Nobyembre, 1831, ako ay nagtanong sa Panginoon at natanggap ang sumusunod na mahalagang paghahayag” (History of the Church, 1:229). Ang bahaging ito ay unang idinagdag sa aklat ng Doktrina at mga Tipan bilang isang apendise at sa dakong huli ay pinalagyan ng isang bilang ang bahagi.
1–6, Ang mga Banal ay inutusang maghanda para sa Ikalawang Pagparito; 7–16, Lahat ng tao ay inutusang umalis sa Babilonia, magtungo sa Sion, at maghanda para sa dakilang araw ng Panginoon; 17–35, Siya ay tatayo sa Bundok ng Sion, ang mga lupalop ay magiging isang lupain, at ang mga nawawalang lipi ni Israel ay mangagbabalikan; 36–40, Ang ebanghelyo ay napanumbalik sa pamamagitan ni Joseph Smith upang maipangaral sa buong sanlibutan; 41–51, Ang Panginoon ay bababa sa paghihiganti sa masasama; 52–56, Ito ay magiging taon ng kanyang mga tinubos; 57–74, Ang ebanghelyo ay palalaganapin upang iligtas ang mga Banal at para sa pagkalipol ng masasama.
BAHAGI 134
Isang pahayag ng paniniwala tungkol sa mga pamahalaan at batas na pangkalahatan, pinagtibay nang buong pagkakaisa sa isang pangkalahatang pagtitipon ng Simbahan na ginanap sa Kirtland, Ohio, ika-17 ng Agosto 1835 (History of the Church, 2:247–249). Ang pagkakataon ay isang pagpupulong ng mga pinuno ng Simbahan, na nagsama-sama upang isaalang-alang ang mga mungkahing nilalaman ng naunang edisyon ng Doktrina at mga Tipan. Sa panahong yaon, ang pahayag na ito ay binigyan ng sumusunod na panimula: “Upang ang ating paniniwala tungkol sa mga panlupang pamahalaan at batas na pangkalahatan ay hindi mabigyan ng ibang pakahulugan o hindi maunawaan, aming naisip na nararapat na maglahad, sa pagtatapos ng tomong ito, ng aming kuru-kuro hinggil sa nabanggit” (History of the Church, 2:247).
1–4, Ang mga pamahalaan ay dapat mangalaga sa kalayaan ng budhi at pagsamba; 5–8, Ang lahat ng tao ay dapat itaguyod ang kanilang mga pamahalaan at nararapat gumalang at magpitagan sa batas; 9–10, Ang mga samahang pangrelihiyon ay hindi dapat gumamit ng mga kapangyarihang sibil; 11–12, Ang tao ay binibigyang-katwiran sa pagtatanggol sa kanilang sarili at sa kanilang ari-arian.
BAHAGI 135
Ang pagkakamartir ni Joseph Smith, ang Propeta, at ng kanyang kapatid, si Hyrum Smith, ang Patriyarka, sa Carthage, Illinois, ika-27 ng Hunyo, 1844 (History of the Church, 6:629–631). Ang kasulatang ito ay isinulat ni Elder John Taylor ng Kapulungan ng Labindalawa, na naging saksi sa mga pangyayari.
1–2, Sina Joseph at Hyrum ay naging martir sa Piitan ng Carthage; 3, Ang nakatataas na kalagayan ng Propeta ay ipinagbunyi; 4–7, Ang kanilang walang salang dugo ay nagpatotoo sa katotohanan at kabanalan ng gawain.
BAHAGI 136
Ang salita at kalooban ng Panginoon, ibinigay sa pamamagitan ni Pangulong Brigham Young sa Winter Quarters, ng kampo ng Israel, Omaha Nation, sa kanlurang pampang ng ilog ng Missouri, malapit sa Council Bluffs, Iowa (Journal History of the Church, ika-14 ng Enero 1847).
1–16, Paano bubuuin ang kampo ng Israel para sa pakanlurang paglalakbay ay ipinaliwanag; 17–27, Ang mga Banal ay inutusang mamuhay sa pamamagitan ng napakaraming pamantayan ng ebanghelyo; 28–33, Ang mga Banal ay nararapat magsiawit, sumayaw, manalangin, at matuto ng karunungan; 34–42, Ang mga propeta ay pinapaslang upang sila ay maparangalan at ang masasama ay maparusahan.
BAHAGI 137
Isang pangitaing ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa templo ng Kirtland, Ohio, ika-21 ng Enero 1836 (History of the Church, 2:380–381). Ang pangyayari ay tungkol sa pangangasiwa ng mga ordenansa ng endowment kung hanggang saan ang mga ito ay ipinahayag.
1–6, Nakita ng Propeta ang kanyang kapatid na si Alvin sa kahariang selestiyal; 7–9, Ang doktrina ng kaligtasan para sa mga patay ay ipinahayag; 10, Lahat ng bata ay ligtas sa kahariang selestiyal.
BAHAGI 138
Isang pangitain na ibinigay kay Pangulong Joseph F. Smith sa Salt Lake City, Utah, noong ika-3 ng Oktubre 1918. Sa kanyang pambungad na talumpati sa ikawalumpu’t siyam na Animang Buwang Pangkalahatang Pangpupulong ng Simbahan noong ika-4 ng Oktubre 1918, si Pangulong Smith ay nagpahayag na siya ay nakatanggap ng ilang banal na pakikipagtalastasan noong mga nakaraang buwan. Isa sa mga ito, ay hinggil sa pagdalaw ng Tagapagligtas sa mga espiritu ng mga patay habang ang kanyang katawan ay nasa libingan, na natanggap ni Pangulong Smith noong nakaraang araw. Ito ay isinulat kaagad kasunod ng pagtatapos ng pagpupulong. Noong ika-31 ng Oktubre 1918, ito ay iniharap sa mga tagapayo ng Unang Panguluhan, sa Kapulungan ng Labindalawa, at sa Patriyarka, at ito ay buong pagkakaisang tinanggap nila.
1–10, Si Pangulong Joseph F. Smith ay nagbulay-bulay sa mga isinulat ni Pedro at ang pagdalaw ng ating Panginoon sa daigdig ng mga espiritu; 11–24, Nakita ni Pangulong Smith ang mabubuting namatay na natipon sa paraiso at ang ministeryo ni Cristo sa kanila; 25–37, Nakita niya kung paano ang pangangaral ng ebanghelyo ay isinaayos sa mga espiritu; 38–52, Nakita niya sina Adan, Eva, at marami sa banal na propetang nasa daigdig ng mga espiritu na ipinalalagay na ang kanilang espiritung kalagayan bago ang kanilang pagkabuhay na mag-uli bilang isang pagkagapos; 53–60, Ang mabubuting namatay sa araw na ito ay magpapatuloy ng kanilang mga gawain sa daigdig ng mga espiritu.

OPISYAL NA PAHAYAG

OPISYAL NA PAHAYAG—1
OPISYAL NA PAHAYAG—2