Mga Tulong sa Pag-aaral
Abed-nego


Abed-nego

Sa Lumang Tipan, sina Sadrach, Mesach, at Abed-nego ay tatlong kabataang Israelita na, kasama ni Daniel na dinala sa palasyo ni Nabucodonosor, hari ng Babilonia. Ang pangalan sa Hebreo ni Abed-nego ay Azarias. Tumanggi ang apat na kabataang lalaki na dungisan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsalo sa pagkain at alak ng hari (Dan. 1). Inihagis sina Sadrach, Mesach, at Abed-nego ng hari sa hurnong nagniningas subalit pinangalagaan sila ng Anak ng Diyos (Dan. 3).