Mga Tulong sa Pag-aaral
Ammon, Inapo ni Zarahemla


Ammon, Inapo ni Zarahemla

Sa Aklat ni Mormon, isang malakas at makapangyarihang lalaki na namuno sa espedisyon mula sa Zarahemla patungo sa lupain ng Lehi-Nephi (Mos. 7:1–16). May ipinakita sa kanya na mga sinaunang talaan, at ipinaliwanag niya kung ano ang isang tagakita (Mos. 8:5–18). Di naglaon tinulungan niyang makalaya si Haring Limhi at ang kanyang mga tao mula sa mga Lamanita at nagdala sa kanila pabalik sa Zarahemla (Mos. 22).