Mga Tulong sa Pag-aaral
Aklat ng mga Kautusan


Aklat ng mga Kautusan

Noong 1833, ilang bilang ng mga paghahayag na natanggap ng Propetang si Joseph Smith ang inihanda upang mailimbag sa ilalim ng pamagat na Aklat ng mga Kautusan para sa Pamahalaan sa Simbahan ni Cristo. Patuloy na nakipag-ugnayan ang Panginoon sa kanyang mga tagapaglingkod, at isang pinalakihang pinagsama-samang mga paghahayag ang inilimbag makalipas ang dalawang taon bilang Doktrina at mga Tipan.