Sigalutan, pagtutunggalian, at pagtatalo. Ang kaguluhan, lalung-lalo na sa pagitan ng mga kasapi ng Simbahan ng Panginoon o kasapi ng mag-anak, ay hindi kasiya-siya sa Panginoon.
Huwag magkaroon ng sigalutan, ikaw at ako, Gen. 13:8 .
Kapalaluan ay sanhi ng pagtatalo, Kaw. 13:10 .
Kung ang sinuman ay may sumbong laban sa kanino man, magpatawad tulad ng pagpapatawad ni Cristo, Col. 3:13 .
Iwasan ang mga hangal na usapan at pagtatalo, Tit. 3:9 .
Inuutusan ng Panginoon ang mga tao na huwag makipagtalo sa isa’t isa, 2 Ne. 26:32 .
Hindi ninyo pahihintulutan ang inyong mga anak na makipaglaban at makipag-away, Mos. 4:14 .
Nag-utos si Alma na hindi dapat magkaroon ng alitan sa mga kasapi ng Simbahan, Mos. 18:21 .
Pinalalaganap ni Satanas ang mga usap-usapan at alitan, Hel. 16:22 .
Ang diyablo ang siyang ama ng pagtatalo at siyang nag-uudyok sa mga tao na makipagtalo sa isa’t isa, 3 Ne. 11:29 (Mos. 23:15 ).