Mga Tulong sa Pag-aaral
Ephraim


Ephraim

Sa Lumang Tipan, ang pangalawang anak nina Jose at Asenath (Gen. 41:50–52; 46:20). Salungat sa pamamaraang kinaugalian, natanggap ni Ephraim ang pagkapanganay sa halip na si Manases, na siyang nakatatandang anak (Gen. 48:17–20). Naging ama si Ephraim ng lipi ni Ephraim.

Ang lipi ni Ephraim

Ibinigay kay Ephraim ang pagkapanganay sa Israel (1 Cron. 5:1–2; Jer. 31:9). Sa mga huling araw ang kanilang pribilehiyo at tungkulin ay humawak ng pagkasaserdote, ihayag ang mensahe ng pinanumbalik na ebanghelyo sa daigdig, at magtaas ng isang sagisag upang tipunin ang nakalat na Israel (Is. 11:12–13; 2 Ne. 21:12–13). Puputungan ng kaluwalhatian ng mga anak ni Ephraim ang mga yaong bansang nasa hilaga na magbabalik sa mga huling araw (D at T 133:26–34).

Ang talaan ni Ephraim o Jose

Isang talaan ng isang pangkat ng lipi ni Ephraim na inakay mula sa Jerusalem patungo sa Amerika noong 600 B.C. Ang talaan ng pangkat na ito ay tinawag na talaan ni Ephraim o Jose, o ang Aklat ni Mormon. Bumuo ito at ang talaan ni Juda (ang Biblia) ng isang pinag-isang patotoo sa Panginoong Jesucristo, sa kanyang pagkabuhay na mag-uli, at sa kanyang banal na gawain sa dalawang sangay na ito ng sambahayan ni Israel.