Mga Tulong sa Pag-aaral
Jacob, Anak ni Isaac


Jacob, Anak ni Isaac

Isang patriyarka at propeta ng Lumang Tipan; ang nakababata sa kambal na anak nina Isaac at Rebeca (Gen. 25:19–26). Natamo ni Jacob ang pagkapanganay sa kanyang kapatid na si Esau. Dahil ito sa pagiging karapat-dapat ni Jacob at pagpapakasal sa loob ng tipan, samantalang minaliit ni Esau ang kanyang pagkapanganay at nagpakasal sa labas ng tipan (Gen. 25:30–34; 26:34–35; 27; 28:6–9; Heb. 12:16).